A Playful Grin

1203 Words
- Prologue - "Nakakainis naman!" Naiirita ako ngayon dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan. Kani-kanina lang matino pa naman ang panahon pagkatapos ganito? Agad akong sumilong sa isang puno. Hindi natinag ang ulan, mas lalo pa itong lumakas. Kung kelan talaga! 'Di ko naman alam na ganito pala ang sasapitin ko dito sa sementeryo. Inilabas ko na lang ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Kailangan kong tawagan si Ate at mga kaibigan ko. Nasa kotse pa kasi silang lahat, nauna lang akong pumunta dito para makapag sindi na ng kandila. ["Hello, Ate padala naman ng payong. Nababasa na ako dito, nandito ako sa may puno malapit sa puntod ni mom and dad."] Sana medyo bilis-bilisan nila, nababasa na kasi talaga ako. Hindi naman kasi kayang saluhin ng punong sinusulungan ko ang mga butil ng ulan. Napa bugha na lang ako sa hangin. Sana naman hindi namin maranasan ang ganitong panahon hanggang sa Noverber 1. Anong date na ba? Takte! Makakalimutin na talaga ako. Muli ko na lang kinuha ang aking cellphone upang tignan ang araw ngayon. "October 28, 2020. 9:34pm," basa ko sa oras at panahon. Mabuti na lang talaga at na sulit ko na yung Sembreak. Kay Ate naman kasi talaga yung ideyang pumunta dito ng maaga. Nakakainis! Dapat nakahilata pa ako kasama ang malambot kong unan. Pwede naman kasing sa Noverber 1 na kami mismo pumunta dito. Tapos pumayag din yung dalawang kaibigan ko sa bagay na 'to! Ano bang mapapala nila pag-maagang pumunta sa sementeryo? Hayst.. "Gago brad! Para kanang kawawa dito." Pwede bang maka-sapak ng kaibigan ngayon? Kung hindi naman siya nag bagal e 'di sana hindi ako ganito kabasa. Nakita ko na siya kanina pa, naglalakad na parang pagong. "Asan si Ate tsaka yung girlfriend mo?" Tanong ko kay Dale na ngayon ay pinapayungan na ako. Naglakad na kami. Ito namang si Dale hindi magawang makadikit saakin dahil sa basa ako, kaya ayon. Nababasa padin ako. Arte! Tsk. "Nag paiwan muna yung Ate mo sa sasakyan habang si Maurice..." "You mean, your girlfriend?" Pag tatama ko. "Basta siya! Nandon sa puntod ng Tita niya." Ohhhh.. Mukhang may issue tayo huh! Buti nga. Lagi naman silang nag L-LQ nun. Wala namang bago, mabuti na lang talaga at hindi ako katulad nitong gagong 'to na agad nag girlfriend. 'Di niya tuloy maramdaman yung freedom ng isang single pero 'di ko rin naman siya ma-sisisi kasi mahal niya talaga si Maurice at saka may iba't iba namang pananaw ang mga tao sa buhay. Inabot kami ng ilang minuto bago narating ang sasakyan. "Oh wow!" Sarkastikong saad ni ate at tinawanan ako matapos niyang masaksihan ang basang sisiw niyang kapatid. Maraming salamat ATE! Habang tumatagal, mas lalong nagiging palala ng palala ang araw na 'to. Well para lang pala saakin. "Maiwan ko muna kayong dalawa dito. Pupuntahan ko lang si Maurice." The Heck! Talagang iniwan niya ako habang nasa labas ng sasakyan at walang ka payong-payong. "Putcha ka talaga DALE!" Nag peace sign lang siya habang tumatakbo patalikod. Nilingon ko si Ate. "Wag kang papasok dito!" Okay. Anong gagawin ko ngayon? Aantaying tumila yung ulan? Napaka galing. Ganito na ba ang mga kapatid ngayon? "Ohhh.. Mag palit ka muna doon sa may C.R." Padabog kong kinuha yung payong tsaka plastic bag na may lamang panglinis ng katawan at damit. Kalma lang Chase. Kalma! Napailing na lamang ako habang tinatahak ang daan papuntang banyo. Talagang binabagalan nila ang mga kilos para mainis ako lalo. Gaya na lang nung ginawang pag sundo saakin ni Dale kanina. Talagang nag lakad pagong pa siya. Si Ate Allison naman, talagang hindi niya inabot kaagad 'tong bitbit ko ngayon, e 'di sana hindi ako ganito kabasa. Binuksan ko na lang ang pintuan ng banyo saka pumasok sa isang cubicle. Nakahinga naman ako ng malalim ng makitang malinis ang banyo. Ang tanong, mananatili ba ang kalinisan nito pag dumami na ang tao? May bago pa ba don? Madalas namang madumi ang mga public washrooms. Hinubad ko ang pang itaas ko. Piniga ko muna ito para hindi na siya gaano ka basa, sinampay ko lamang 'to sa taas ng pintuan. Ganon na din ang ginawa ko sa iba ko pang saplot. Tinabi ko ang plastic bag kung saan hindi ito mababasa. Mabuti na lang din at may shower dito. Napaka rare kaya ng mga ganito, siguro nung pinagawa nila itong washroom ay naisipan nilang lagyan ng shower para kapag may mga bisitang mag iistay e 'di pwedeng makapag ligo dito ang mga tao. Ang problema nga lang, hindi ganon ka dami ang may shower. Dalawa lang na cubicle ang may shower habang apat naman yung cubicle kung saan nakalagay ang toilets. Mukhang maimpluwensyang pamilya ang may-ari nito. 'Di ko rin naman kilala kung sino ang taong may hawak nitong lupain na 'to. Ito ang unang araw naming pumunta dito sa araw ng All Saints Day. Medyo sariwa pa kasi yung pagkamatay ng magulang ko. Its been 9 months since that incident happened. Ayoko na munang alalahanin dahil medyo nasasaktan pa din ako ng kaunti. 'Di rin naman kasi ganon kadali makapag move on. Kung about relationship sa isang babae na minahal ko baka mas madali pa 'yon kesa dito. Ikaw ba naman mawalan ng dalawang nag alaga't gumabay sayo! Sino bang matutuwa sa ganon. Tapos muntik ding mawala ang Ate ko. Pinilig ko na lang ang aking ulo para tangalin ang mga negatibong pagiisip na bumabalot ngayon saakin. Pinaragasa ko sa katawan ko ang malamig na tubig bago ako tuluyang nag linis ng aking katawan. Sinulit ko ang bawat pagbagsak ng butil ng tubig kaya medyo natagalan ako sa banyong 'yon. Pagkatapos, nagpatuyo muna ako gamit ang tuwalyang nasa plastic bag tsaka sinuot ang white shirt na may cute fox na naka print, underwear at plain black na shorts. Pinisil ko ulit ang basang damit bago ipinasok sa plastic. Problema ko pa pala 'tong pagpapatuyo nito. Saan ko naman papatuyuin 'to bukas? Sa damuhan? Di naman kasi pwedeng iwanan na lang sa plastic bag. Babaho 'tong damit kapag iniwang basa. Mabilisan kong kinuha yung payong. Binuksan ko na kaagad kahit nasa loob pa lang ako ng washroom. Ayoko na ulit mabasa ng sobra, baka sipunin o ubuhin ako nito. Natigilan ako bigla ng mapadaan sa isang portalet. Hindi ako tumigil dahil ngayon lang ako nakakita nito. Tumigil ako kasi bigla na lang nag sara ng pagkalakas-lakas ang pinto nito na animo'y gustong itumba yung buong portalet. I shrugged. Siguro may nag mamadaling gumamit pero wait! Sa pagkakaalam ko kaming apat palang nila Ate ang nandito. Baka naman yung taga linis lang ng mga puntod. 'Di ko na lang pinansin pa 'yon. Taimtim ko na lang muling nilakad ang daanan. "Hahahahaha. Alam mo Maurice nakakatawa ka!" Grabe abot dito yung tawa ni Ate. Naalala ko tuloy bigla yung mga panahong na trauma siya. Ginawa ko na lahat para mapangiti siya nung mga panahon na iyon, but I didn't succeed. Mabuti na rin ito! Nagagawa niya ng ngumiti at tumawa ng madalas. Nagpatuloy na ako sa paglapit sa kanila ng may marinig akong kalabog. Lumingon ako sa likuran kung saan ko narinig ang kalabog na 'yon. Weird. Kumalabog na naman yung portalet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD