- Good Luck - Nang matuklasan namin ang katawan ni Elliot ay agaran kaming bumalik. Walang nag imikan sa aming apat. Tanging mga yabag ng aming paa at tunog ng hangin lamang ang aking naririnig. Ano kaya ang tumatakbo sa kanilang utak? Kung ako ang tatanungin, ang iniisip ko ay kung paano namin ipagtatapat ang natagpuan namin. Ayoko makita ang reaksyon na ipapamalas ni Caspian once na nalaman niya ang tungkol rito. Gaya lang nitong sitwasyon na 'to ang nangyari kay Arc at Lyle. Kung ililihim namin ang nangyari at nabunyag ito. Posibleng mas matindi ang galit na mararamdaman niya. "Anong plano niyo?" Tanong ko na wala rin namang napala dahil walang sumagot. "Oh! Bakit kayo tulala?" Bungad na tanong ni Maurice ng makarating kami. Unti-unti naman nilang na gegets ang reaksyon namin kaya h

