- Disaster - "Anong ibig sabihin niyan? Nasaan ang pinsan ko?" Nanginginig ang boses ni Caspian. Tuluyan na rin itong bumagsak sa lapag. Wala akong maisip na dapat gawin sa mga gantong sitwasyon. What should we do? "Hanapin natin ang nawawalang pinsan ni Caspian. Subukan nating gamitin ang grouping na meron tayo para mahasa din ang teamwork nating lahat." Pag-aanounce ni Ate Allison. Lahat naman kami ay sumang-ayon sa planong iyon. Lumapit sina Ate Joy at Ate Rain sa kinaroroonan namin. "Mag papaiwan na kaming dalawa para bantayan si Caspian," pahayag ni Ate Rain habang unti-unting umuupo sa maliit ng hagdan na nasa pwesto namin nila Dale. "Sige na, kami ng bahala rito." Dugtong nito. Nag sama-sama muna kaming mag kakagrupo. Nine na lang ang natira sa aming pangkat sapagkat nag paiwan

