Chapter one

3000 Words
Tapos na silang maghapunan nang tiponin ni Lorna ang kanyang tatlong anak upang ipaalam sa mga ito ang malaking problemang dumating sa kanilang pamilya. Pinaligiran siya nang tatlo na Sina Franklin, lea at si justin. Ano po bha ang sasabihin ninyo này? Parang naiinip na tanong nang panganay na si Franklin. Pinaglipat - lipat muna n Lorna ang mukha ng magkakapatid ang tingin bago siya nag salita. Pigil niya ay maghina rin ang loob ng mga ito. Mga anak, kanina 'y galing dito si Mr. Velasco at ipanaalala sa akin ang acting obligasyon sa kanya: Pagsisimula niya. Napansin ang pag - alalang lumatay sa mukha ng magkakapatid. Halos ay Alam a ng mga ito. Ang kanyang sasabihin. Naniningil na siya, malungkot na sabi niya. "at binibigyan Nia lang tayo ng tatlong buwan para mabayaran ang ating pagkakautang sa kanya. Kung hindi ay iilitin Nia itong lupa't bahay natin! Lilitin? Tanong ng kanilang bunso. M-matagal na tayong hindi nakahulog sa kanya." Napailing ang kanyang panganay na si Franklin Napapikit naman ang pangalawa na si lea. Ang lupa at bahay na iyon na lamang ang tango nlang pag - aari. Kung mawawala iyon sa kanila ay hindi niya alam Kung saan sila pupulutin. Naisangla nila ang bahay at lupang iyon nang lumubha ang sakit sa bato ng kanyang asawang si Alex. Kinakailangan nito g sumailalim sa dialysis tatlong beses sa isang linggo Kaya kinakailangan nila ng malaking halagang pera Wala naman silang pagkukuhanan kaya nanglakas-loob siyang isangla ang bahay at lupang iyon kina. Mr. Juan Velasco, isa sa pinakamayaman sa kanilang bayan. Nakakuha sila ng malaking halaga at iyon ang ginamit sa dialysis ng kanyang asawa. Tumagal nang maraming buwan ang buhay ni Alex ngunit hindi rin naman bumubit ang lagay nito. Naubos ang perang napagsanglaannila at Naka utang pa siya Kung kani-kanino ngunit patuloy na lumubha ang lagay nito hanggang sa namatay ito. Naiwan silang baon sa utang at nakasangla pa ang kanilang bahay at lupa.! Ang panganay na anak lang niya ang kumikita. Si Franklin sa isang driver sa isang factory sa kanilang lugar. Siya naman ay kumikita kahit papano sa mga bulaklak na tanim niya sa kanilang bakuran. Mayroon silang lumang traysikel na ginagamit niyang service sa pagdadala ng mga bulaklak sa palingke ka pag sabado'tlinggo ay inilalabas ito ng bunso sa mga lalaki, Medyo malaki ang kanilang lupa at buong bakuran ay nata Nan niya ng mga halamang na namumulaklak. Ang mga bulaklak ay naoagbibili niya sa palingke Kaya nakakatulong din siya nang malaki sa kanilang kabuhayan. Ang dalawa niang anak na si lea at Justin ay pareho nag aaral ng kolehiyo at. Doon lang naman malapit sa lugar nila nang aaral ang mga ito. Kaya nga ang kumikita niya sa kanyang mga halaman at ng sa panganay niyang anak na si Franklin ay sapat na, sapat lang sa kanilang pangangailangan. Wala na halos subra Kaya hindi sila nakakahulog sa kanilang inutangan. Mahigit lumang buwan na rin namang namatay ang kanyang asawa kaya Naniningil na ang kanyang pinagsanglaan ng bahay at lupa. M-mabuti nga at mabait pa si Mr. Velasco Tatlong buwan pa ang I binigay niyang palugit sa atin Para tayo makapag bayad. ... P-pero saan tayo kukuha ng pambayad sa kanya, inay? Nag-aalalang tanong ni Franklin.... Hindi siya nakasagot. "bakit hindi kayo lumapit kay ma'am Stella, inay? Tanong ni lea Si ma'am Stella ang may ari ng factory na pinagtatrabahuan ni Franklin. Kababata niya ito at matalik na kaibigan. M-masyadonng malaki ang perang kailangan natin. '' sagot niya. E de kahit kalahati lang ng kailangan natin này. Yung kalahati, sa Iba naman natin hiramin, Para lang huwag maliit itong bahay at lupa natin. " P - paano naman akong magsasabi sa kanya, e marami na rin di Franklin bale sa kanila. S-saka may utang na rin ako sa kanya, e. Isa pa, alam naman ninyong lahat na wala na naman talaga tayong malalapitan. Walang kamag - anak ang tatay ninyo o ako na may kabuhayan. " Natahimik ang lahat totoo naman kasi ang sinabi niya. Mahirap na pamilya lamang sila. Wari ay wala na talaga silang magagawa para maisalba ang kanilang bahay at lupa sa pagkakailit. Mayamaya ay napatingin si Franklin at Justin sa kapatid nilang si lea. B-bakit? tanong nito sa mga kapatid. Baka naman maari Kang humiram sa nobyo mo lea sabi ni Justin Oo nga, lea segunda n Franklin tingin ko'y papahiramin ka niyon magsabi ka lang. Nobyo ni lea si Marco na anak na panganay n Stella st ang lalaki ang nanamahala sa factory ng pamilya nito. Bukid doon ay may limang malalaking palaisdaan ang lalaki Kaya itinuturing na isa sa pinakamayaman sa kanilang bayan Marami nga nagsasabi na ma swerte si lea dahil naging nobyo ito ang lalaki. N-nahihiya ako sa kanya. Kuya Franklin, Justin sagot nito Alisin mo muna ang hiya mo at kailangan nating makabayad sa utang natin. Parang nalilitong napatingin sa kanya ang anak na dalaga. Nasa malaking kagipitan tayo, anak kung ako ang tatanungin mo ayoko rin sanang gawin mo iyon. Pero Kung iyon ang makakasalba sa atin b-baka kailangan kapalan mo ang iyong mukha at magsabi ka Kay Marco!. Pahihiramin ka naman niyon. Hindi MO lang siya nobyo inaanak pa siya ni inay, giit n Justin Huminga nang malalim si lea. S-sige hi, sa linggo na pag punta nia rito sa atin ay magsasabi ako sa kanya. Nakita agad niyang parang nakahinga nang maluwag ang dalawang niyang anak na lalaki siya man ay alam niyang Kung magsasalita lang talaga si lea sa kasintahan ay hindi ito mapapahiya. Siya man ay bakaramdam ng kaluwagan ng dibdib. Pakiramdam ni Lorna ay lutad na ang kanyang problema sa pagpayag na iyon ni lea. Hihintayin na lamang niya ang araw ng linggo ba siyang araw ng pagdalaw ni Marco. Kapag nasabi na ni lea sa kasintahan ang tungkol sa pangangailangan nila ng malaking halaga baka sa susunod na araw din mapahiram na sila n Marco at makabayad na rin sila kay Mr. Velasco Ang problema bago sumapit ang linggo ay may nangyaring maaring makahadlang upang mapahiram sila ni Marco ng Pera. Biyernes nang umaga,tulad nang nakagawian ay nagdidilig siya ng kanyang mga halaman alagang- alaga niya ang mga halamang iyon dahil malaking pera rin ang inakyat sa kanila ng mga bulaklak niyon Sa susunod na araw ay pipitasin niya ang mga bulaklak at dadalhin sa palengke. Kadalasan ay nagdadala rin siya ng mga suwi ng iba't Ibang halaman na tinatanim niya sa maliliit na paso at kasama niyang dinadala sa palengke. Habang nagdidilig ay Napansin niya ang isang puno ng American rose na may isang malaking buko ng bulaklak. Kulay pink ang bulaklak niyon at talagang maganda kapag namukadkad dahil may kalakihan. Imported ang rose na iyon. Napangiti siya dahil kahit nag iisa lang ay alam niyang maipagbibili niya iyon sa magandang presyo bukas nang umaga bukas ay mamumukadkad na iyon habang nakatitig siya sa buko ng rose ay may tunawag sa kanya. Napatingin siya sa labas ng bakuran at Nakita niya ang asawa ng kanilang kapitan ng barangay. Magandang umaga ho kapitana mameng, Pagbibigay - galang niya sa may - "edad na babae. Magandang umaga naman. Lorna ang ganda naman niyang buko ng rose na iyan maari mo bang ipagbili sa akin iyan? Aba oho, Kaya lng bukas pa ho ito mamumukadkad! Bukas mo na lng pitasin at idaan mo na lang sa amin pagpunta mo sa palengke! Dagdagan mo pa ng Ibang rose ha? Isang dosena lahat. Oho kapitana! Dumukot ng pera ang babae at saka siya pinalapit Binayaran na nito ang bulaklak at saka nagpaalam. Ipinagtuloy niya ang pag didilig. Matatapis na siya sa gnagawa nang mapadaam naman ang anak na binata ni Stella. Tita Lorna tawag nito sa kanya Oy Anthony, ikaw pala. May kailangan ka ba? Tanong niya sa binata na nakatingin sa mga bulaklak Sa loob ng bakuran. E maari hi bang mahingi ko yong rose na iyon? Tanong nito na nakaturo sa buko ng rose na binili na ng kanilang kapitana. Ito ba? Tanong niya. Oho. Ibibigay ko lang sa nililigawan ko. Tiyak na sasagutin na ako niyon kapag naibigay ko sa kanya ang magandang rose na iyan tamang - tama iyan bukas na pqg akyat ko ng ligaw sa kanya, N- Naku Anthony, m-mayroon nang may-ari nito e Pumili ka na lang ng iba at Ibibigay ko na lang saiyo. Huwag lang ang isang ito dahil nabili na ito, e E iyan ho ang gusto ko e Iba na lang ang ibigay ninyo sa bumili sa inyo.! Naku, iho hindi maari, e. B-bayad na nga ito! " Hindi na lang ho bale. Tutuloy na ako! sabi nitong mukhang nadismaya. Hindi niya alam Kung bakit siya kinabahan habang nakasunod ng tingin sa papalayong binata. Kasalukuyang naghuhugad ng mga pibagkainan sa almusal si Lorna nang makarining siya ng mga tawag sa kanya buhat sa labas. Nabosesan agad niya Ang tumatwag kaya nabilis niyang iniwan ang gnagawa at nagmadaling lumabas. Nag iisa lamang siya sa bahay nang mga oras na iyon dahil Naka alis na ang kanyang mga anak para pumasok sa trabaho at sa iskwelahan. Nakita agad niya ang matalik na kaibigan si Stella sa labas ng bakuran. Kapit bahay niya ito. Kababata ka klase mula elementary hanggang high school. Bestfriend ang turing nila sa isa't Isa. At kahit na hindi na siya makapag patuloy ng college at ito'y makapag- aral pa sa maynila hindi nagbaggo ang kanilang pagtitinginan nagka lag asawa silang pareho at ng Karoon ng mga anak pro nanatili ang kanilang pag kakaibigan. Inaanak niya sa binyag ang panganay nito. Naging maunlad ang buhay ni Stella dahil sa naging asawa nito. Kinuha pa nito ang panganay Kung anak na si Franklin Para maging driver ng truck nila sa pag delivers. O, napasugod ka? Nakangiti niyang salubong dito habang. PA palapit sa gate. Hinila niya ang gate nq kawayan Para makapasok ang babae. May sadya ako saiyo, e sabi nitong nakatingin sa kanyang mga halaman na parang may Hina hanap Haluka muna Sa loob, anyaya niya rito. Makapagkape man lang, " Hindi na tapos na ako. Hayun, tiyak na iyon ang sinasabi sa akin n Anthony! Sabi nitong nakaturo sa buko ng rose na hinihingi ng anak nito kanina. Hihingiin ko sana Yong buko ng rose na iyon, Lorna. Gustung - gusto ni Anthony ko, e. Baka raw sagutin na siya ng kanyang nililigawan kapag naibigay niya rito ang rose na iyon. N-naku, Stella pasensiya kana Mayroon nang may- ari ng rose na iyan. Sino? Tanong n babae na halatang na bigla. S-si kapitana mameng. Binayaran na nga niya iyan kanina, e. Sus, Ibang bulaklak na lamang ang ibigay mo sa kanya. S-stella, hindi maari. Gustung - gusto niya ang bulaklak na iyan at sinabi niyang aasahan niyang maidala ko iyan sa kanya bukas Ikaw naman Lorna Para namang tayong magkaiba sa isang bulaklak ba naman ay hihiyain mo PA ako? Stella marami naman akong rose riyan na magaganda rin Pumili ka nalang kahit Ilan pa pipitasin ko Para saiyo nakakompromiso na lang talga yang isang iyan e. Sana naman Stella maintindihan mo . Nakita niyang bahagyang dumilim ang mukha ng babae. Kahit ba bayaran yang isang yan ay hindi mo ibibigay sa akin? Kahit bayaran ko na lang isang daang piso! Stella...... Hindi talaga maaari e Pambihira ka naman Lorna sa dami. Na ng naitulong ko sa pamilya mo. Sa isang bulaklak lang ay napahiya pa ako sa iyo! Nagdaramdam na sabi nito. Hindi siya nakasagot. Totoo naman ang sinabi nito. Pero ang problema nga Naka kompromiso na niya ang bulaklak ba iyon Sq kapitana Isa ang kapitana nila sa kanyang mga suki sa paninda niyang mga bulaklak ang Iba pa ay ang mga high school students na bumibili ng paisa - isang rose. Diyan ka na nga! " galit na sabi nito at tumalikod na sa ganyan lang pala ay masusubukan kita! S-stella sandali habol niya. Halika ibibigay ko na sa iyo ang bulaklak", Huminto sa paghakang si Stella at lumingon sa kanya. Sa iyo na ang bulaklak mo isaksak mo sa baga mo! Galit na sabi nito at saka nagmadaling lumabas ng bakuran. Dire-diretso itong umalis. Gusto man niyang humabol ay hindi na lamang niya ginawa. Alam niyang hindi na niya ito mapapabalik. Hindi niya malaman ang maramdaman. May kabang gumagapang sa kanyang dibdib. At nagsisimula na rin siyang gapangan ng takot at pag - aalala. Ngayon lamang may nangyaring ganito sa pagitan nila ni Stella. Nagkaroon din sila ng maliit na tampuhan noong mga bata pa sila pero dama niyang ang nangyayari ito sa kanila ngayon ay hindi isang maliit na tampuhan lamang. At natatakot siya sa mga pangyayaring maaring sumunod sa nangyaring iyon sa kanilang pagitan. Stella (fov) Totoo ang galit ni Stella hindi siya makapaniwala na sa kabila nang maraming naitulong niya sa pamilya ni Lorna ay hihiyain pa siya nito dahil lamang sa isang bulaklak. Ang dali naman yatang makalimot nito. Siya ang takbuhan nito sa tuwing mangangailangan ito ng pera lalo na noong panahong dina - dialysis ang asawa nito. Hindi ba nito magagawang kausapin ang kostumer nito para maibigay sa kanya ang bulaklak na hinihingi ng kanyang anak? Nagbihis siya nang nakabalik sa kanila at nagtungo sa kanilang office na na malapit sa palengke ng kanilang bayan. Gusto niyang ma kausap agad ang anak ba si Marco upang masabi niya rito ang malaking sama ng loob niya Kay Lorna. Bahagyang natigilan si Marco nang makita siyang pumasok sa loob ng opisina ng anak niya Napasugod po kayo?, tanong agad nito matapos bitiwan ang binabasang mga delivery receipt Na upo siya sa silyang nasa harap ng Mesa nito Kumukulo ang dugo ko sa ninang lorna mo, Marco Paninimula niya, wala siyang balak itago sa anak ang nadarama niyang galit sa ina ng kasintahan nito. Kay ninang lorna? Bakit naman ho? Akalain mo ba namang may hinihingi lang sa kanya si Anthony na isang rose ay napahiya pa yong kapatid mo! Hindi binigyan ni ninang? Hindi nangsumbong sa akin si Anthony kaya Ako mismo ang nagtungo sa kanila Para ako mismo ang humingi roon sa rose na gusto ng kapatid mo! Ibinigay daw niya sa nililigawan niya para sagutin na siya o e ano ho ang nagyari sa pagpunta ninyo doon? Hindi rin binigay sa akin! Bakit daw ho ma? Ewan ko sa kanya! " napahiya ako marco at hindi ko mapapalampas ito! Natitigilang napatingin sa kanya ang anak na panganay na siyang namamahala ng kanilang negusyo. Ang tagal na ng pinagsamahan namin mula pa sa aming kabata. Huwag niya na isipin iyon. Ang isipin na lamang niya ay ang maraming tulong na nagawa ko para sa kanyang. pamilya. Ang laki - laki ng utang niya sa akin sa pag ka kasakit ng asawa niya. Yong panganay niya anak may trabaho ba iyon Kung hindi ko kinuhang driver dito sa atin! Inay, naitulong ba ninyo iyon, e bakit kailangan ungkatin pa ninyo? Dahil wala siyang utang na loob. Isang bulaklak lang ang hinihingi ko. Babayaran ko nga. Ayaw pang ibigay sa akin. Tapos noong aalis na ako at saka inihabol sa akin. Hindi ninyo kinuha? Bakit ko pa kukunin. e napahiya na ako! Marahas na napabuga ng hangin si Marco Bahagya pang dumilim ang mukha nito. Sobra naman yata si ninang lorna. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob! Talaga! Hindi ko akalain na magagawa niya sa akin ito matapos ang mga kabutihan ko sa kanya! Hindi ko mapapalampas ito, galit nasabi ni marco. Kahit nga siguro ibigay niyang lahat sa atin ang mga bulaklak sa hardin niya ay hindi pa rin sila makakabayad ng utang na loob sa atin. Tapos nagmamalaki siya dahil lamang sa isang bulaklak binigyan ko siya ng leksiyon inay! Dapat. Dahil hindi ako papayag bs napahiya sa isang katulad lamang niyang pulubi! Huwag kayong mag alala. Titiyakin ko sa inyong pagsisihan niya ang kaniyang karamutan! Napansin agad n lea ang pag-aalalang nasa mukha ng kanyang inay nang dumating siya nang hapong iyon buhat sa iskuwelahan. Naghahhanda na noon ng iluluto ang kanyang inay. Inay, may problema ba kayo? Tanong niya habang nauupo sa tabi nito sa harap ng mesang kainan. Hindi agad nakakibo si Lorna. Inay untag niya. Humawak pa siya sa isang kamay nito na bahagya naman nitong ikinagulat. N-nag-aalala ako sa nangyari sa amin kanina ni Stella sagot nito. May nangyari sa inyo ni tita Stella? Ano go iyon inay? Bahayyang napailing ang kanyang inay bago nito binitawan ang hawak na kutsilyong ipinaghihiwa ng gulay. Kanina kasing umaga ay na padaan dito si Anthony at makita yong isang bulaklak ng rose sa hardin. Hinihingi. Hindi ko naman naibigay dahil binili na iyon ni kapitana binayaran na nga, Sana ho binigyan na lamang ninyo ng Iba. Marami na ang rose niyan. Ganoon ang ginawa ko pero ayaw e ang gusto niya Yung binili na ni kapitana ipinaliwanang ko naman sa kanya Kung bakit hindi ko iyon naibigay sa kanya. Umalis. Tapos ho? Mayamaya ay dumating ang nanay niya at siyang nanghingi sa akin niyong bulaklak ipinaliwanang ko rin na nabili na iyon pero ayaw makining basta pinipilit na hingin Yong rose binabayaran pa nga. Hindi ninyo ibinigay? Pareho silang nawalan ng kibo. Sana hi ibinigay na lamang ninyo at sabihin na lang ninyo kay kapitana na naibinta namin dahil hindi namin alam na sa kanya Pala iyon. Naisip ko nga iyon pero huli na nang hinabol ko siya ay ayaw na isaksak ko daw sa baga ko ang rose! Sinabi niya iyon inay? Tumango ang kanyang inay. Sobra naman siya. Kinakabahan ako anak kanina ko pa nga iniisip Kung ano ang nararapat Kung gawin e dapat ba akong pumunta sa kanila Para huningi ng pa umanhin??? Inay naipaliwanag na naman ninyo sa kanila Kung bakit hindi ninyo maibigay sa kanila ang bulaklak e oo nga Kaya lang ang I naalala ko ay Yong maraming naitulong nila sa atin saka yong kapatid mo sa kanila ng tatrabaho Nasa katwiran naman kayo inay ang masama ay Kung basta ninyo lang ipagdanot sa kanya Yong rose e hindi naman......... Paano kung damdamin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD