Lea (fav)
Niya iyon at maapektuhan ang trabaho ng kapatid mo?
Ang kitid naman niya, inay Kung idadamay niya si kuya. Hayaan ninyo at pag nagkausap kami ni marco at ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. "
Ang inaalala ko ngayon ay yong hihiramin mo sana ky marco!
May tatlong buwan pa naman tayong palugit
Inay hindi ko muna babanggitin kay marco, yong kailangan natin hangga't hindi naayos ang gusot ninyo
Ng nanay niya."
Napatango na lamang ang janyang inay
Gayunman ay halatang hindi parin ito nakakahinga nang maluwag. Siya man ay ganoon din nag aalala rin siyang baka hindi maunawaan ni marco ang nangyayari.
Malakas ang kabog ng dibdib ni lea nang pumarada sa harap ng kanilang gate ang kotse ni marco
nang Gabi g iyon ng linggo. Basta ganoong linggo ay hindi pumapalya ang lalaki sa pagbisita sa kanya.
Naiisip kasi niya ang namagitan sa kanyang inay at inay nito. Tiyak niyang alam na iyon ng lalaki
Nakaayos naman siya dahil alam niyang darating ito. Ang totoo nga ay nagpaganda pa siya nang husto nang gabing iyon para sa lalaki.
Matanda nang limang taon sa kanya si marco
Ngunit hindi naging hadlang ang agwat ng kanilang edad Para sila mag kaibigan. Sa ngayon ay nahigit isang taon na ang kanilang relasyon.
Kung hindi nga lamang siya nag - aaral pa ay matagal na siguro silang kasal ng lalaki. Noon pa kasi nagpaparamdam ito sa kanya na gusto nang lumagay sa tahimik.
Maganda na kasi ang takbo ng negusyo nito. Palaisdaan sarili nito ang limang Palaisdaan na napundar nito sa panamagitan ng sinusweldo nito sa pamamahala ng negusyo ng pamilya nito.
Ang alam nga niya ay maroon na itong nabiling Ilang ektaryang lupa na may Tani a mga dalanghita sa parte ng cavite. Kaya nga alam niya na may pera itong pagkakasangla ng kanilang bahay at lupa.
Sinalubong na niya ito nang makita niyang pumasok ng kanilang bakuran. Sinalubong niya ito ng halik sa m gf a labi na dati na niyang gnagawa kapag gayong dumarating ito pero agad niyang napansin na parang hindi maganda ang mood nito. Hindi nito tinugon ang kanyang halik.
Mukhang mainit ang ulo dahil bahagyang nakasim ang mukha.
At wala itong anumang bitbit na pasalubong Para sa kanya, dati - rati, kahit ano lang qy nagdadala ng naipapasalubong.
Hindi naman nagbago ang kanyang pakita kahit parang naninibago siya rito.
Hindi na sila pumasok pa sa loob ng bahay. Doon na lamang sila nagtuloy sa Mali it na terrace sa labas ng bahay. Hindi naman ito nagtangka pang pumasok Para bumati man lang sa kanyang inay at mga kapatid, na dati naman nitong gnagawa.
Kumain ka na ba? Tanong niya nang makaupo ma silang magkaharap sa garden set na nasa terrace.
Parang yamot na tumango ito.
Gusto mo kape o anumang maiinum? parang naiilang nang tanong niya.
Hindi na busog ako e sagot nito.
Gusto pa sana niyang kausapin ito pero mukha
Talaga wala sa mood!, nahiling niyang sana'y hindi na lamang ito pumunta Kung ganito rin lang na parang kaysungit - sungit. Hindi tuloy niya malaman Kung ano ang topic na bubuksan para makapag simula sila ng usapan.
Ilang saglit na katahimikan ang namagitan Sq kanila na nagpaasiwa nang husto sa kanya. Maya- maya ay tumingin ito sa kanya.
Bakit? Bakit naman ganoon ang inay mo?
Sabi nitong halatang galit.
B-bakit? tanong niyang kinakabahan humigit kumulang ay alam na niya ang sasabihin nito
Bakit isang bulaklak lang ay hiniya pa niya si inay?
Marco hindi totoo iyan!
Ibig mong sabihin ay sinungaling si inay? galit nang tanong nito.
Hindi iyon ang ibig Kong sabihin. Nagkataon lang kasi na yong hinihinging bulaklak ng inay mo ay may nakabili na binayaran na sa kanya ni kapitana mameng kaya hindi na niya maibigay sa inay mo
Gaanoo na ba niyang sabihin kay kapitana na nakalimutan niya kaya naipagbili niya sa Iba. O kaya ay naipagbili ng Isa sa inyong magkakapatid dahil handa ninyo alam na sa kanya na pala iyon.
M-Marco nakakahiya naman kasi Kay kapitana.
Nakakahiya o sadyang maramot lamang ang inay mo? Isang bulaklak lang ang hinihingi ni inay ay hindi pa niya naibigay.
Hindi maramot ang inay ko! Bahagya na ring mataas ang boses na sagot niya. Ang totoo inalok niya ang inay mo ng kahit anung bulaklak sa harden namin huwag lang iyong mayroong may- ari na pero tumangi ang nanay mo!
Paano hindi tatangi si inay ay napahiya na siya. Pambihira ang inay mo. Hindi na isip ang maraming tulong namin sa inyo!
Natitiigilang napatitig siya sa mukha ng kasintahan. Nasa mukha nito ang hindi maikubling galit. Ang mga sinabi nito ay hindi niya inaasahang masasabi sa kanya.
Galit si inay at nahihirapan ako dahil naiipit ako ngayon. para maayos ito. gusto kong pahingiin mo ng pa umanhin ang nanay mo Kay inay at kay Anthony!
Walang kasalanan so inay para humingi siya ng paumanhin sa nanay at kapatid mo!
Hindi pa rin ba nalinaw sa iyo? Tumangi siyang ibigay ang bulaklak na hinihingi ni inay sa kabila nang maraming naitulong niya sa pamilya ninyo.
Naipaliwanag na namin sa inyo ba kaya hindi naibigay ni inay ang bulaklak na hinihingi niya ay dahil mayroon bang may - ari niyon. Kung hindi ninyo maunawaan iyon. wala kaming magagawa, pero hiding -hindi hihingi ng paumanhin si nanay sa nanay at kapatid mo!
Nakita niyang nagagalit ang mukha ni marco
At parang nagbabaga sa galit ang Mata nito.
Bila itong tumayo.
Wala pala kayong mga utang na loob! malakas na sabi nito at saka nagmamadaling umalis.
Hindi niya tinangkang habulin ito. At walq siyang balak na pahingiin ng paumanhin ang kanyang nanay sa Ina at kapatid nito.
Alam niya ang maraming tulong na nagawa ng pamilya nito sa kanila at hindi naman nila iyon itinatatwa. Pero sa pag kakataon ito, Alam niyang nasa matuwid sila kaya hindi siya maaring sumunod sa gusto nitong mangyari.
Napalabas ang kanyang inay nang marinig nito ang ugong ng papalayong sa sakyan ni marco.
Umiiyak na ito. Marahil ay narining ang lahat nang pinag - uusapan nila ng kasintahan.
Lea anak wala namang masama Kung tayo na ang bumaba.
Magagawa ko naman ang gustong mangyari ng kasintahan mo para lang maayos na ang lahat!
Jaoag ginawa ninyo iyon, inay habang panahon na tayong magtitiis sa kanilang mga kaprestso. Kapag
May nagustuhan sila ay wala nq tayong magagawa kundi ibigay sa kanila hindi maari.
Tama naman si Marco na maraming ba silang naitulong sa atin anak!
Hindi naman natin kinalimutan ang lahat nang iyon inay.
P-paano Kung madamay ang kapatid mo sa nangyari ito? paano Kung matanggal siya sa trabaho?
At paano na itong bahay at lupa natin.
Inay may makikita pa naman sigurong trabaho si Kuya Franklin sakali. Huwag naman tayong pumayag na maalisan ng dangal dahil lamang marami silang naitulong sa atin.
Anak isipin mo rin sanayong kapatid mong nag aaral at ikaw rin ngq malapit ka nang makatapos sa pag- aaral.
Inay maari naman sigurong huminto muna kami Kung kailangan mga Bata pa naman kami.
Anak.......
Inay hindi rin ako papayag na gawin ninyo ang gustong mangyari ni marco!
Napalingon sila sa may pinto naroon ang kanyang Kuya Franklin!
Franklin anak?
Tama ho si lea na kapag ginawa ninyo ang gusto ni Marco, palagi na lamang nila tayong aapakan inay,
Na, anunan ang magustuhan nila ay wala tayong magagawa kunti ang ibigay dahil nakabaon sa utang na loob sa kanila "
Paano kung tangalin nila ikaw sa trabaho?
Tanong ng kanyang inay sa kanyang Kuya
May matatrabaho naman ho siguro kami kahit paano inay!
Kayo ang bahalang magkapatid ako'y nag papaalala lang sa inyo pero, lea paano kayo ni marco?
Hindi ko ho alam, inay ayoko muna g isipin ang tungkol sa aming dalawa. Kung dahil lang sa nangyari sa inyo ng kanyang inay ay makikipagkalas siya sa akin siya ang bahala!
Makaya mo naman kayang mawala siya sa inyo?
Makakaya ko ang lahat basta naririyan kayo ng mga kapatid ko inay Bata pa naman ako at marami pang lalaking darating sa buhay ko,
Siya pumasok na kayo at magpahinga na tayo pagtatapos ng kanyang inay....