SIMULA
"Jeanelle!" sigaw ng isang baritonong boses na aking narining habang ako ay sakay ng aking motor na nakahinto at naka tulala sa kawalan habang inaantay ko si ate shirley sa pakiki usyoso sa aksidenteng naganap malapit sa apartment na tinitirhan namen.
Agad akong lumingon at nakita ko ang lalake na bumaba sa driver seat ng ambulance diko sya agad nakilala dahil nakatalikod sya dahil sa may hang over ako at ako ay nakainom nung nagdaang gabi, di ko na sya tinapunan pa ng pansin.
(WAY BACK TWO MONTHS AGO)
Mula ng maghiwalay kame ni nicolo noong february 13,2017 ay halos araw araw na akong umiinom, ang pahinga ko lamang ay ang mismong araw ng dayoff ko. Umabot ang relasyon namin ni nicolo ng halos anim na taon , kasabay ng sakit ng puso na nararamdaman ko may isa sa katrabaho ko sa isang resort ang nagpadama sa akin na hindi ako nagiisa,
AKO NGA PALA SI JEANELLE GUZMAN 21 YEARS OLD AT THAT TIME, sa isang kilalang resort ako ngtatrabaho for summer dahil napamahal na saken ang resort pinangako ko na twing summer ay mamamasukan ako sa kanila. Doon ko din nakilala si Alex, si Alexander Portuna, sya ang naging rebound ko sa mga panahon na lango ako sa kalungkutan.
Si alex ang naging kalakasan ko para mag move forward sa buhay ,pinakilala ko pa sya sa tatay ko, kahit alam ko na may ka live in sya.
JEANELLE POV:
"Nanliligaw ka ba sa anak ko" di mapigilang tanong ng aking ama.
Nagtawanan lamang sila at maging si Alex ay tawa na lamang din ang naisagot.
Syempre umiinom kame jan broken nga ako diba. Nakahanap lang ng rebound kaya mukang masaya. Palage ako nalalango sa halik ni Alex kaya siguro diko din maiwasan na mahulog sakanya.
MAYO taong 2017 ng malaman ko na ikakasal na si alex kaya diko na ito masyado pang nakikita sa resort, yun pala ay busy sa preparasyon ng kanyang kasal, sa iba ko lamang din nalaman na ikakasal na pala sya, hindi nya daw kase kayang sabihin sa akin dahil ang totoo ay talagang mahal na nya ako.
Minsan na din nga nya ako inaya magtanan dahil ang sabi nya ay dahil lamang sa tatay ng kinakasama nya kaya sya nagstay sa babae na yon, Pulis ang tatay ng kinakasama nya at takot sya para sa buhay nya.Ngunit di ako pumayag sa gusto nya mangyare, Dahil gusto ko kung maghihiwalay sila ay di dahil sakin. kaya dumoble ang heartbreak ko at patuloy ang paglalasing.
Hanggang sa magtagpo ang landas namin ni Erkson ang dati kong kaklase noong 4th year high school ako.
MAYO 2017 (Present)
Habang naka tulala sa aking motor bigla akong tinapik ni ate shirley at sinabe sa akin na sumaglit ako sa sitio putol at ibigay ka alaman sa ka anak ng na aksidente ang impormasyon tungkol sa kanilang lolo, nagkataon na lolo pala ito ng aking kaklase nung elementarya, agad akong nagmamadaling pinasibat ang motor na aking sinasakyan at hanggang sa makabalik ako ay di na ako ngpatay pa ng makina ng motor.
"JEANELLE" sigaw ng lalake sa may driver seat ng ambulance sabay tingin ako, at tsaka ko lamang napagtanto na naka ngiti ito sa akin sabi ko sa isip ko "Ang gwapo nya" sabay bigkas ng kanyang pangalan "Erkson??".
Ngunit papalayo na ang ambulansyang kanyang minamaneho. At ng masigurado ko na , na nakasakay na si ate Shirley sa motor ay agad kong hinabol si Erkson hindi ko alam kung bakit pero meron parte ng puso ko na gusto syang habulin....