Third Person's POV Napasama ng tingin sa babae na nakatalikod sa kanila. Kasama niya nanaman ang babaeng iyon. Nagtataka man si Jessica ay hindi nalang niya ito inalala pa. Iniisip pa nga niya na baka tama ang hinala niya na kabet niya ito. At office hours palang ngayon, bakit sila nasa lugar na ito kapag office hours? "Babe masarap 'di ba?" tanong ni Nash kay Jessica na tinanguan lang nito. Nang hindi na mapigilan ni Axel ay tumayo na siya mula sa kanyang upuan at hinila si Jessica sa labas papunta sa kotse niya. Si Mabie at si Nash ay napatingin nalang sa dinaanan ng dalawa. Mapapansin mo talaga ang pagkairita sa mukha ni Mabie. 'Matagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to tapos may susulpot nanamang iba?' sabi niya sa kanyang sarili habang mag-isa nang nakaupo sa table nila. Si Na

