Third Person's POV Nahuhulog na nga ang loob ni Axel kay Yesha sa katauhan ni Jessica. Hindi niya alam kung pano o kailan niya sasabihin kay Axel na girlfriend niya dati si Yesha. O kailangan pa ba niya itong sabihin sa kanya pero karapatan pa rin naman niyang malaman ang totoo. "Sige na sir," sabi ni Jessica at napahawak na sa braso ni Axel. Pansin naman ni Jessica ang pagtingin ni Axel sa kamay nito. Hindi inaasahan ni Jessica na biglang tatayo si Axel sa inuupuan niya dahilan ng paglapit ng mga katawan nila. Ngayon ay si Jessica naman ang gulat sa ginawang iyon ni Axel. Nakatingin nalang si Axel kay Jessica pero si Jessica ay hindi makatingin-tingin sa mukha ni Axel. Nang naglakad na si Axel paunti-unti papalapit kay Jessica. "A-anong ginagawa mo sir?" tanong niya na humahakbang na

