Third Person's POV "Ito ang libro ng pamumuhay ng taong susunduin ko. So dito ko pinag-aaralan mga buhay-buhay nila," paliwanag naman ni Nash. "Ahh so 'yan pala ang dahilan kung bakit alam mo buhay nila," pahayag lang din ni Jessica. "Oo, ganun na nga," sagot naman ni Nash sa kanya. "So may bago kang susunduin?" tanong muli ni Jessica. "Oo," maikli lang naman na sagot ni Nash. "Ahh sama ako master," sabi ni Jessica na ikinabigla pa ni Nash. "Huh ba't gusto mong sumama?" tanong naman ni Nash sa kanya. "Eh kasi mukhang masaya saka wala rin naman akong gagawin kapag nanonood lang ako kay Yesha na magtrabaho buong gabi," reklamo ni Jessica. "Hays oo na nga sa isang kundisyon," sabi ni Nash kaya naexcite na si Jessica kahit wala pa yung susunduin nila. "Ano yun?" tanong niya. "Huwag

