Third Person's POV "Ginagawa mo 'to para kay ate Jessica ano?" tanong niya pero nanatiling tahimik si Nash. "Mahal mo talaga siya big bro," dahil sa sinabi naman niya ay napatingin ito sa kanya. "Ah hindi ah," pagtanggi niya. "Asus, kahit na itanggi mo big bro. Your eyes reflects what your heart says," napakunot ang noo ni Nash dahil sa matalin-hagang sabi ni Ivory. "Nakita ko kung gaano ka kaexcited every time na titignan mo siya or kung siya ang pinag-uusapan," sabi muli ni Ivory. "Hays sige na nga muna kakausapin ko na si boss at baka mainip na si Jessica kakahintay sa'kin." Tinap-tap na ni Nash ang balikat ni Ivory at nagtungo na nga sa direksyon ng silid ni boss. "I told you, you love her," sigaw nalang ni Ivory sa kanya nang nakalayo na siya sa paglalakad at si Nash naman ay nap

