Third Person's POV Nang nagkaroon na nga siya ng ediya. Dinial niya ang number ni Kiel. Meron naman siyang number nito. Napatingin si Kiel sa cellphone niya na nasa bulsa ng kanyang pantalon nang magring ito. Inaasahan pa niya na ang asawa niya ang tatawag sa kanya pero nagkamali siya ng akala. "Sir si Ms. Mabie," paalam niya pa kay Axel nang nalaman kung sino ang tumatawag. "Baka hinahanap niya lang ako. Sabihin mo may importante lang akong gagawin," sabi ni Axel sa kanya dahilan ng pagpunta niya sa gilid, malayo sa iba para sagutin ang tawag. "Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag?" pagalit pa rin na tanong niya pero nag-inhale lang si Kiel para mapagpasensiyahan niya si Mabie. Actually nung pumapasok palang si Kiel sa kompanya ay mahabang pagtitimpi ang kanyang ginawa para kay Ma

