Chapter 6

1053 Words
Pinagbigyan ko siya sa request niya. Subalit ang 15 minutes ay naging more than one hour. At ang isang beer in can lang dapat ng san mig light ay naging tig 3 pa. Well, hindi naman niya kasalanan. Ako din ang nag insist sa kanya. Dahil sa katotohanang halos ayaw ko ng umuwi pa sa bahay at muling ma stress sa mag-ama ko. "Ano? Sure ba, na ok ka lang?" Worried na tanong naman niya, habang inaalalayan niya ako sa paglakad. Dahil halos umikot ang mundo ko sa kalasingan, na nawalan na nga ng pakialam na ngayon ay halos mayakap na niya ako. "Pwede bang bitawan mo ko Grayson, diba sabi ko naman, kaya ko ngang lumakad mag-isa, diba?.... Hindi naman ako inutil at mahina na kagaya ng asawa kong walang kwenta!! Na walang pangarap at nakuntento na sa ganitong sh*t na buhay." Sabi ko pa, ngunit pakiramdam ko naninigas na din ang aking panga, dahilan upang halos mabulol ako sa pagsasalita Natawa naman siya. "Ang lalim non ahh." Inirapan ko naman siya at... Nagpatuloy naman siyang umalalay sa akin, kahit sa totoo lang ay asiwang asiwa ako sa ginagawa niya. Still ay Teachet kami pareho, at paano nalang kung may makakita sa aming ganito? At kahit lasing ako ay alam ko pa din naman ang hindi pwede sa pwede .. "Alam mo kahit magwala kapa at magalit sa akin ay hindi kita bibitawan Miss Laine. Dahil alam kong hindi mo kaya, dahil lasing kana." Concern na sabi pa niya. "Ok Grayson, sinabi mo ehh, alam mo namang naniniwala ako sa lahat ng sinasabi mo.. Pero oras na matsimis tayo dahil diyan. Humanda ka sa akin!" Singhal ko pa sa kanya. Habang ngayon ay halos mamanhid na ang buong katawan ko. Natawa ulit siya. "At ano? Overthinking na malala huh? Lasing ka nga diba, kaya ano naman problema doon kung may makakita sa atin. Isa pa ay kaibigan mo ko Miss Laine, ano kaba?..." Katwiran pa niya. "Sige, sabi mo eh, ang mabuti pa ay ipara mo nalang kaya ako ng tricycle noh!" utos ko pa sa kanya. "Diyan naman ako hindi papayag Miss Laine. Lasing na lasing ka kaya, paano nalang kung bastusin ka ng driver na masasakyan mo." Natawa naman ako. "So concerned ka ganon? E sa iyo ba safe ako Grayson?" Sarcastic na tanong ko. "Yes!! Sobrang safe, dahil di ako pumapatol sa lasing ok." Muli naman niya akong inalalayan ay marahan pa ngang isinakay sa kotse niya. At sandali ngang nakaramdam ako ng kaginhawahan ng maisandal ko ang ulo ko at kay sarap sa pakiramdam din naman ng malamig na hangin mula sa AC ng sasakyan niya. "Ano ihahatid na kita?" Sabi pa niya habang nakangiting nakatitig sa akin. "Teka lang Grayson.. Kalma lang, dito muna tayo. Dahil ayokong umuwi ng lasing na lasing. Hayaan mo munang humupa ng konti ang pagkahilo ko ok." sagot ko, dahil ngayon ay gusto ko munang I enjoy ang ganito. Malaya lang nakasandal at sandaling makaramdam ng sandaling kalayaan. He sighed... "Sure, kahit pa morningan dito ay hindi kita uurungan Madame Laine." Sabi pa niya Napangiti naman ako, subalit nanatiling nakapikit at ninanamnam ang sandali. Ang nakakarelax na malambot na upuan at sandalan... At pati din naman ang bango at lamig ng sasakyan niya. "Masyado naman yung until morning tayo dito noh. Pero alam mo bang minsan ay tinatanong ko din sa sarili ko. What if hindi kami ang nagkatuluyan ni Adrian? Siguro ay mas nakahanap ako ng mas..." "Nang ano?... Mas maayos at masanagang buhay ba o mas masayang pamilya?" Natatawang pagpapatuloy ko sa sinadya niyang ibitin ma sasabihin sana. Natawa ako at tumingin sa kanya. Bagamat ramdam ko pa din ang hilo. "Hindi ka sure Grayson na iyon nga ang sasabihin ko." Sabi ko pa. He clicks his tongue.. At sandali ding inilapit sa akin ang kanyang mukha. "Alam mo bang hindi ko gugustuhing hindi kayo nagkatuluyan ni Mr. Adrian huh?" Mahinang bulong pa niya tsaka naman muling sumandal sa upuan niya. I frowned at him. "At bakit? Nagpapatawa kaba? At ngayon ay iba naman sa kanina ang pinagsasabi mo?" I rolled my eyes at tsaka naman sumandal at napatingin at ipinikit ang mata. "Simply lang Miss Laine, dahil kung hindi kayo nagkatuluyan. At sa ganda at hot mo na yan, malamang nakapag asawa ka ng mayaman. Tung tipong CEO ng kumpanya. At hindi ka sana teacher dito sa St. James Academy." Napatawa ako. "Eh ano naman ang connect non Mr. Grayson?" Muli namang irap ko sa kanya. "Kung nangyari yon. Hindi kita makikilala Miss Laine.... At siguro ay napaka boring ng buhay ko, dahil wala magpapasaya sa bawat umagang papasok ako..." Sighs "Ok pero ang lahat ng yon ay hypothetical lang. At ngayon ay nasa real world tayo. At syempre wala namang choice kundi mahalin ang asawa ko." Sabi ko pa. "But you a choice right? Sabihin nating A or B?... Yung A na naka alligned sa dapat maging ng mundo. Ngunit may B din naman, na bagamat bawal ay sisiguraduhin kong makakamit mo ang buhay na gusto mo. Yung walang stress, walang kunsimisyon. I can't promise everything pero kaya kong gawin lahat ng kaya ko mapasaya ka lang..." Napahawak ako sa sentido ko. "Then I will choose the right one Mr. Grayson. Still, ay mahal ko pa din naman ang asawa ko. At wala sa pamantayan ko salitang taksil, gets?...Ihatid mo na ako please." Napahinga nalang siya ng malalim at bahagyang napatawa. "Ok Miss Laine, hatid na kita." "Sorry, Grayson..." Napataas naman ang kamay niya at ngumiti. "Still we're friends, at bests pa din naman tayo. Kaya go lang Miss Laine... No worries.* "Yes Grayson." Hindi na siya kumibo at ikinabit ang seatbelt sa kanya, at tsaka naman ini start ang engine ng sasakyan niya. "Ang mahalaga ay open na ako sa iyo, na anytime na may problema. Nandito lang ako." Tsaka naman niya pinaharurot ang sasakyan... At tama naman siya, at sabihin din naman sa sariling napaka swerte nga siguro ng babaeng mamahalin ni Grayson. Dahil nasa kanya na ang lahat ng papangarapin ng isang babae para naman sa lalakeng makakasama nila habang buhay. Subalit tama siya, dahil kung hindi kami nagtagpo ng asawa ko ay hindi din naman kami magkikitang dalawa. So, dahil ba dito at meant lang kami talaga, upang maging magkaibigan lang? Well siguro nga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD