"Don't ever ever na i-attempt ihatid ako mismo sa bahay namin Gray!!" Bahagyang banta ko pa sa kanya ng bahagya kong maimulat ang mata ko at mapansin ang familiar na lugar na dinadaanan namin.
Na bagamat hilong hilo pa din ako ay ayoko pa din ng isang problemang sasalubong sa aking pag-uwi sa bahay.
"Ok Ma'am... Yung 5 metera away mula sa gate niyo ay pwede na siguro?" Tanong pa niya, habang tila kampante lang nada drive.
Muli naman akong napapikit. Habang napapahawak din sa ulo ko, dahil pakiramdam ko ay nagsisimula na itong sumakit.
"Bahala ka Grayson." Sabi ko pa, tanda ng pagsang-ayon ko.
Sa sitwasyon ko, ay hindi ko na nga siguro kaya pang lumakad ng malayo. Kaya naman pagbibigyan ko siya.
"I understand Miss Laine, at syempre alam ko naman kung saan lang ako lulugar. At pangit din naman para sa isang lalake at babae nakasakay sa kotse na lasing pareho. Yung mga ganitong eksena pa naman ang gustong gusto ng mga Marites." Natatawang sabi pa niya.
"Mabuti alam mo Mr. Grayson. I really hate gossips. Specially sa ganitong sitwasyon nila ako pag-uusapan. Makakapatay talaga ako ng tao." Napapailing na sabi ko.
"Yeah right, kaya naman I will give you lahat ng pwedeng magpadali sa iyo sa ganitong sitwasyon."
I smirked at him.
"Sa madaling sitwasyon para sa nagchi cheat na babae Grayson, tandaan mo yan. You always feels like a paranoid all the time, while you are in your lover's arm." Sabi ko pa.
"Yes, agreed to that." Sang-ayon niya habang patuloy na nakatingin sa kalsada, while driving.
Patuloy naman akong nakasandal at paminsan minsan din napapatingin sa kanya. Habang minsan naman ay sa dinadaanan namin.
Madalang naman na ang tao sa paligid, which is good for me.
"Kaya naman ialis mo palagi ang sarili mo sa sitwasyon na sa tingin mo ay magiging villain ka sa isang eksena, dahil kabet ka." Sabi ko pa habang patuloy na nakatingin sa kanya.
Natawa siya.
"But I love the idea na maging lover ako ni Mrs. Elena Sy - Reyes. At tanggapin ng maluwag sa puso ang pagiging Villain, sa buhay niyong mag-asawa." Natatawa pang sabi niya.
"Hay ewan ko sa iyo!"
POV of REESE
"Hello Dad, iihhh dali tikman mo itong iniluto ko!!... " Excited na tawag ko pa sa kanya, habang ngayon nga ay tila hindi mapakali ito at palagi pa ngang napapatingin sa wall clock namin.
Mabilis namang nagbago ang mood niya sa pagtawag ko aa kanya. Kasunod ng malapad na ngiti nito.
"At ano naman pala ang inihanda ng Baby ko?" Malambing na sa salubong pa niya.
Bago ko naman inilapag sa center table ang isang bowl ng mainit na ramen.
"Napanood ko kasi sa t****k Dad, how to make a homemade ramen, using instant noodles at mga gulay sa ref. And tarann... Ayan na siya. Umuusok and looked so yummy diba..." Pagmamalaki ko pa sa kanya.
"Wow... Mukhang masarap nga Reese. Para tuloy nagutom ako bigla ahh." Masayang komento naman niya habang tila puso ang mata habang pinagmamasdan ang umuusok pa din na ramen.
Sumaya naman ako at excited pa ngang tumabi sa kanya.
Well, ganito na kami ni Daddy ngayon. Na king dati ay halos hindi kami nag-uusap. Pero since nga ng mabuntis ako ay tila literal na bumaligtad ang sitwasyon.
Dahil habang si Mommy Laine naman ang tila disappointed sa nangyari, ay iba naman si Daddy.
At minsan ay natatanong ko din naman sa sarili na... Blessing in disguise ba ito?
"Iihhh dali na Dad, tikman mo na kasi. Basta pwede mo siyang i review after, pero dapat honest review lang... Ayoko ng pambobola." Natatawang sabi ko pa, habang hinahalo halo ko pa nga ito ng spoon upang lumamig ng kaunti.
"Sige ba tikman ko na, pero kahit pa nga e sure nakong masarap Reese. Ikaw ba naman ang naghanda para sa akin diba..."
Kinuha naman niya ang spoon at sinulimulan din higupin muna ang sabaw nito. Bago naman kinuha ang fork at kumuha ng noodles tsaka isinubo hanang umuusok pa.
"Whooo, panalo ito Reese, grabe ang sarap!" Puring sabi pa niya matapos ngang manguya ang noodles.
"Hmmm totoo ba yan Dad? Baka mamaya nibobola mo lang wa." Natatawang sabi ko pa.
"At kelan ko naman yon ginawa sa sobrang ganda kong Baby noh kahit nakalunok ng malaking pakwan, ay sexy pa din naman." Natatawang biro pa niya.
Natawa naman ako.
"Madalas kaya, tulad niyan nangbobola kana naman kaya." Natatawang sabi ko.
Natawa din siya.
"Teka maganda ka naman talaga at masarap magluto. At kung may kokontra man, sinungaling yon..."
Nagkatawanan nalang kami.
"Si Mommy pala Dad? Bakit hindi pa siya dumarating?" Pagbabago ko naman ng usapan ng mapansing balisa pa din naman si Daddy kahit na nga ba nakikipag biruan siya sa akin.
"Wait ko nga siya kanina pa Reese, ang huling text kasi niya kakain lang sila ng mga co-teachers niya." Sabi pa niya, tsaka naman muling napatingin sa relo niya.
Napahinga naman ako ng malalim. Dahil alm ko naman ang pinaghuhugutan ni Mommy kung bakit nga ba siya nagkakaganito.
At ito ay dahil sa biglaan kong pagbubuntis.
"Sorry Dad huh, dahil sa akin kaya nagkaganito si Mommy. Dati naman kasi masayahin siya at focus lang sa atin. Tapos, since nga nangyari ito sa akin. Bigla nalang siyang nanlamig." Halos mapaiyak naman na sabi ko.
Agad namang napatingin siya sa akin.
Binitawan pa nga niya ang hawak niyang tinidor at lumapit sa akin at umakbay, para i comfort ako.
"Ano kaba, pwede bang huwag mong sisihin ang sarili mo Reese. Dahil ang totoo niyan ay matagal na din namang ganito si Mommy mo.. Marahil ay busy ka lang dati kaya di mo napapansin. Pero anut-anu pa man ay nauunawaan ko naman ang Mommy mo. Madami din kasi akong pagkukulang sa kanya, bilang dapat ay provider din naman niyong mag-ina." Malungkot na sagot niya.
Napahilig naman ako sa dibdib niya tsaka yumakap sa baywang niya.
"Iihhh sinasabi mo lang yan para hindi sumama loob ko Dad. Pero salamat pa din dahil nandiyan ka Daddy. Siguro kung hindi ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Naiiyak na sabi ko pa.
Huminga naman siya ng malalim at bago naman hinalikan ang noo ko.
"Dahil Baby kita Reese, at kahit kailan ay hindi kita pababayaan. Tandaan mo yan ok.."
"Daddyyyy..."
Kay sarap sa pakiramdam, yung tipong super safe ako dahil sa kanya. At masaya akong sasalubungin si Baby ko sa sinapupunan ko dahil na din kay Daddy.
Subalit nasa ganito kaming sitwasyon ng hindi namin namamalayang may babae na palang nakatayo lang harap namin at tahimik lang nakamasid sa amin.
Si Mommy...