Chapter 8

1064 Words
"Mom?..." Tarantang sabi ko ng unang matanawan ko siya sa aming harapan. She suddenly smirked. Habang si Daddy naman ay tahimik lang at patuloy na nakayakap sa akin. I don't know kung nalito ba siya, o dahil ba wala naman talaga kaming ginagawang masama. "Tuloy niyo lang ang paglalambingan niyong mag-ama." Sabi pa niya tsaka naman siya mabilis na tumalikod sa amin. "Teka lasing kaba Elena? At kelan ka pa natutong uminom?!" Mabilis na sita naman ni Daddy sa kanya, ng tuluyang nakahupa ito at bumitaw sa akin. Sandali namang napahinto si Mommy, subalit halata din naman ang mahinang balanse nito mula sa kanyang pagkakatayo. Bahagya siyang napapasuray, bagamat pinapanatili niya ang ang maganda niyang tindig. Maybe ay ganito naman talaga si Mommy, na tila ba isa siyang model kapag tumindig. Na dalang dala niya ang kanyang teacher uniform na blouse, blaze at pencil cut skirt dahil na din sa maganda hubog ng kanyang katawan. Na kung iisipin ay sino nga ba ang maniniwalang Anak na niya ako? Samantalang halos hindi halata sa itsura niya ang edad niyang 39. Na kung iisipin ay nasa late 20's lang siya. At ang katangian niyang ito ang masasabi kong ipinagmamalaki ko, dahil namana ko ito lahat sa kanya... "It's non of your business Adrian! At kelan pa nagkaroon ng batas dito sa pamamahay na bawal magsaya o uminom kaya ang isang kagaya ko?" Sarcastic na sagot pa niya, bago naman muling naglakad na para ba hirap na hirap talaga siyang balansehin ang kanyang katawan, dahil na din sa pagkalasing. Napahawak naman sa ulo si Daddy. "Wala akong sinabing bawal kang gumawa ng ganyan Elena, pero sana din ay nagsabi ka man lang sa amin!! Hindi itong nag-aalala kami kung nasaan kana!" Muli pang sita ni Daddy sa kanya. "Pwede ba Adrian, huwag ngayon... Ok? Can't you see na lasing ako diba? Ayoko ng kahit anong arguments sa ngayon.. Utang ng loob!!" Muli namang naglakad palayo sa amin si Mommy. Subalit dahil lasing nga siya ay halos muntikan na siyang matumba. Kaya naman mabilis ko siyang tinakbo at inalalayan. "Ano ba Reese!!? Sinabi ko bang hawakan mo ko huh!" Agad na singhal naman niya sa akin ng mahawakan ko siya sa kanyang baywang. "Pero Mommy, baka kasi matumba ka diba. Ok lang naman na alalayan kita." Concern na sabi ko pa. Na bagamat nagpupumiglas siya at nanatili akong nakaakap sa kanya. "Damn... Reese ano ba!! Sabi ng bitiwan mo ko diba?" Muling singhal niya sa akin "Pero Mommy, kahit ihatid lang kita sa room mo." Sabi ko pa, habang patuloy na nakahawak sa kanya at hindi alintana ang ipinagbubuntia ko. Tiningnan naman niya ako ng masama, at sandaling nakaramdam ng takot sa panlilisik ng mga singkit niyang mata. "Alalahanin mong hindi tayo ok Reese, dahil diyan sa lecheng pagbubuntis mo!! Kaya wag kang umastang concerned ka sa akin, dahil sa tingin ko ay nagpapatawa ka lang masyado." Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya. At ang mahigpit na paghawak ko nga sa kanya ay dahan dahan na din namang lumawag. Ayoko siyang pabayaan, subalit hindi ko makayanan ang sakit na dulot ng mga sinasabi niya. Na para bang tinapos na talaga niya ang ugnayan namin bilang mag-ina, dahil sa isang pagkakamali ko na sobrang pinagsisihan ko naman. "Bitiwan mo na ang Mommy mo Reese... Baka kasi makasama yan sa ipinagbubuntis mo." Mahinahong sabi pa ni Daddy, na ngayon pala ay nasa likuran ko na. "Oh narinig mo na Reese!? Bitawan mo na ako, dahil hindi talaga ako natutuwa ok." Sabi pa ni Mommy. "Ok Dad..." Si Daddy na ang umalalay kay Mommy, na bagamat halata pa din ang pagpupumiglas nito ay wala naman ng nagawa pa si Mommy. "Next time Elena, pwede bang in moderation lang ang pag-inum mo? Alam mo namang hindi ka sanay. Tapos nagpakalasing ka pa ng ganyan." Narinig ko pang bulong sa kanya ni Daddy habang ngayon ay marahan na niya itong ipinapasok sa kanyang silid. "Wala kang pakialam Adrian! Bakit hindi nalang ang mahal mong Anak ang asikasuhin mo..." Mabilis na sumara ng pinto, after nilang makapasok. Narinig ko pagtatalo nilang dalawa, subalit napayuko nalang ako at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko. At tsaka umiyak... KINABUKASAN "Musta naman ang umaga ng aking Prinsesa?" Masiglang bati pa sa akin ni Daddy ng datnan niya akong naghahanda ng breakfast para sa amin. Tinugon ko naman siya ng ngiti at nagpatuloy lang sa paghahalo ng garlic fried rice, matapos kong maiprito ang tatlong hotdog at dalawang itlog. "Hmm at namumugto na naman ang mata ng Baby ko?" Puna pa niya habang ngayon ay nasa gilid ko siya at napapailing pang nakatitig sa akin. "Ok lang ito Daddy, nasanay na yata ako sa ganito." Sabi ko pa habang patuloy lang sa ginagawa ko. Nagbugtong hiningan naman siya. "Huwag mo nalang kasing isipin yon Reese. Siguro ay masyado lang talaga siyang disappointed, dahil minsan din niyang sinabi sa sarili niya na hindi na maulit pa sa iyo ang nangyari sa kanya before, pero control nga ba natin ang mga bagay bagay na mangyayari diba? Kaya naman iwasan mo munang isipin ang Mommy mo." Sabi pa niya tsaka naman tinapik tapik pa ako sa balikat. Gusto ko sanang yumakap sa kanya, dahil dito lang ako nakaka feel ng security and comfort. Na kapag nakahilig ako dibdib niya... Pakiramdam ko ay walang makakagalaw sa akin. Na safe ako kahit kanino. Dahil kahit kailan ay alam na alam kong hindi niya ako pababayaan at sasaktan. At higit sa lahat ay never niya akong iiwang umiiyak... Dahil siya ang Daddy ko. Ang marahil ay ang kaisa-isang lalake sa mundo na alam kong kahit kailan ay naririto lang para sa akin. "Susundin ko ang sinabi mo Daddy. And also salamat talaga Dehh. Salamat dahil nandiyan ka lang for me. Na siguro, ay kaya lang naman ako nanatiling matatag dahil din naman sa iyo." Muli akong umiyak. At kahit napaka awkward ng sitwasyon ay tinugon ko ang pagyakap niya. At mabilis akong humilig sa malapad niyang dibdib. "Dahil ikaw ang Prinsesa ko Reese. At mundo ko na din, kaya naman huwag ka ng malungkot pa ok. Dahil promise, sasamahan kita sa laban mo, kahit ano pa man ang idulot nito..." Bulong pa niya bago naman dinampian niya ng halik ang aking buhok. Na tila ba malaya niyang sinasamyo ang ang natural na lambot at bango ng buhok ko. "Salamat Daddy... Salamat talaga..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD