-Adrian-
"Mukhang kinikliti ka ng mga anghel diyan Par, Sobra ang ngiti mo diyan eh. Parang kahapon lang ay pasan mo buong daigdig at sinama mo pa pati mars." Natatawang biro pa sa akin ni Robert ang officemate ko, matapos niyang maupo sa harapan ng desk ko.
Isinara ko ang laptop ko at hinarap siya...
"Oo par literal na anghel Pre." Nakangiting sabi ko pa.
Inilapit niya ang mukha sa akin.
"Tatlong bagay lang naman ang nagpapasaya sa ating mga lalake. Una ay chicks pangalawa ay pera at ikatlo ay alak. Pero wala na yung ikatlong kategorya at yung unang dalawa nalang. Hmm I guess babae Par, kasi yung pera wala ka naman non malamang." Tsaka siya tumawa.
"Sira ulo ka talaga Robert." Napapailing na sabi ko.
"Hmm tama ba? At sino naman ang literal na anghel na yan Par? Panigurado yummy at sexy yan. Anghel eh."
Tumawa ako.
"1000% pre. Pero hanggang tingin lang. Para kasi talagang hindi pwede." Sabi ko pa habang nilalaro ng daliri ko ang pen ang hawak ko.
"Larga lang Par. Kasi hindi mo malalaman hangga't hindi mo sinusubukan. Teka ilan taon naba siya ha, nandito ba siya sa opisina natin? Sino sa mga magaganda nating officemates? Si Mika o si Roselyn?"
Umiling ako.
"Napakabata pa niya pre, 18 lang." Wala sa loob na nasabi ko. Kung pwede ko nga kang sabihin na....
Napatawa siya.
"Langya ka Par. Para ka namang cradle snatcher niyan. Bakit naman sa teen pa? Halos sing edad lang siya ng anak mo ha."
Napalunok ako sa huling sinabi niya. At mas piniling hindi nalang sumagot.
"Payo ko lang huh. Medyo mabigat yan pre. Pero nasa legal age naman dahil 18 na. Kaso mabibigat makakalaban mo diyan Par. Lalo na kung maganda talaga, malamang mga gwapo at mayaman ang karibal mo diyan. Hanap ka nalang ng iba. Yung match naman sana sa edad natin." Umiiling na sabi niya.
"Wala naman akong plano syempre, masaya na ako sa ganito." Sabi ko pa.
Huminga siya ng malalim.
"Well, subukan mo pa din. There's no harm in trying. May mga girls naman diyan mas preferred ang mas may edad sa kanila diba. Siguro ay dahil mas feel nila bine baby sila. A boyfriend and a daddy material at the same time."
Huminga ako ng malalim... Natumbok niya. Ngunit hindi naman niya alam ang real story kaya naman ganito nalang siya magpayo sa akin.
Ngunit hindi lang naman ang pagiging bata niya ang problema. May malalim pa kesa dito. At bakit nga ba ngayon pa kung kailangan may financial problem ako tsaka pa ako nakakaisip ng mga mga ganitong bagay?
Dahil malapit ng manganak si Reese, at until now ay wala pa akong hawak na pera...
Napahinga ako ng malalim.
-ELENA-
"Ang lalim naman non Best. Teka saan mo ba hinugot yon huh?"
"Heh tigilan mo ko Gray! Kung alam mo lang kung gaano nga ba kalalim ang problema ko, ay baka hindi mo gustuhing maging ako, o makasama kaya ang isang gaya ko." Napapailing pang sabi ko habang patuloy na nilalaro ng tinidor ang ramen na nasa harapan ko, matapos ko ngang magbungtong hininga ng sobrang lalim.
Sandali naman siyang sumiryoso at tumitig sa akin.
"Alam mo, hindi ako ganon ka weak para lang sa sinasabi mo Miss Laine. Ako yata ang superman ng buhay mo diba." Sabi pa niya tsaka naman muling sumandal sa upuan subalit patuloy na nakamasid sa akin.
Napailing naman ako.
"Sana nga ay ganon lang yon Grayson. Sana nga ay ikaw nalang si Superman diba. Para kaya mong lumipad sa kalawakan at isama mo ako don." Sabi ko pa.
Napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Wala bang mas mahirap diyan sa gusto mo? Ang dali dali lang naman niyang sinasabi mo. Gusto mo ilagpas pa kita sa kalawakan e." Makahulugang sagot pa niya.
Napahawak ako sa sentido.
"Parang iba naman yung sinasabi mo eh, parang mas magiging malala lang problema ko dahil diyan sa sinasabi mo." Napapailing na sabi ko.
I sighed tsaka naman muling ginalaw ang pagkain ko.
Nakahawak pa nga ako sa aking buhok habang nakayuko at nalalasap ang masarap na sabaw ng ramen na kinakain ko.
Nakasanayan na namin ang ganito. Ang gabi gabing lumalabas upang pumunta sa kahit anong lugar na maisipin namin.
Siguro ay dahil na din ito naman talaga ang gusto ko, ang huwag munang umuwi sa bahay, Dahil pakiramdam ko ay lalong nade drain ang utak ko.
Na para bang patuloy lang akong sinasampal ng kahirapan...
Nang isang buhay na hindi ko naman talaga pinangarap. Dahil malayong malayo ang buhay na ito sa minsan kong hinabi sa imahinasyon noong bata pa ako.
"Alam ko naman ang problema mo Miss Laine. At alam mo din naman na handa akong tulungan ka. Para naman ano at naging mag beshy tayo." Sabi pa noya sa pagitan ng pag-iisip ko.
At tama, sa isang buwan ay manganganak na si Reese. At sa nakikita kong galawan ng asawa ko ay wala pa itong hawak na pera.
Still ay anak ko si Reese.
Still ay hindi ko siya maaaring pabayaan at hayaang mamublema para sa panganganak niya. Subalit maging ako ay walang maisip na paraan, na gaya din naman ng asawa kong wala kadiska-diskarte sa buhay...
"Alam mong hindi ko yan payayagan Grayson. Isa pa ay ano naman ang magiging kapalit nito? At ayoko ng ganito, alam mo yan." Sabi ko pa.
Bahagya naman siyang ngumiti at napailing.
"Until now ba ay ganito pa din ako para sa iyo? Kaibigan mo ako Miss Laine, at bilang kaibigan mo ay hindi naman yata ako papayag na ma stress ka ng ganyan, while may magagawa naman ako diba? Ang totoo niyan ay pinakuha ko na ang lahat ng medical records ng Anak mong si Reese mula sa Ob-Gyne niya na nagkataon namang kaibigan din ng friend kong si Doc Azell Centeno." Patuloy naman niya habang patuloy siyang nakamasid sa akin.
"Ginawa mo yon, without asking my permission?" Napapailing na tanong ko sa kanya.
Tumango tango siya.
"Yes! Dahil alam ko namang hindi ka papayag. But still I insist Miss Laine. At hindi mo ako mapipigilang tulungan ka. Dahil kung patuloy mong ire refuse ang tulong ko ay ano pa ba ang sense ng pagiging magkaibigan natin."
Hindi ako kumibo at patuloy lang na napapakuyom ang mga palad ko. At agad din namang sisihin si Adrian dahil dito.
Dahil kung naging magaling lang sana siya ay hindi dapat ganito...
"And one thing Miss Elena Tecson, kapag patuloy na tumanggi ka sa tulong na ini offer ko, ay ituturing ko na din ito as ending ng friendship natin. Dahil para ano pa diba?" Tila bantang sabi pa niya.
Tsaka naman siya tumayo at nag-iwan ng dalawang blue bills sa mesa, para sa mga kinain namin at tumalikod na siya sa akin.