Chapter 3: Wounds

1364 Words
LUMIPAS na rin ang isang linggo at nasasanay na rin si Clara sa buhay niya sa isla. Kasalukuyang nag lalagay siya ng light make up lang at naka off- shoulder shirt siya sa pang itaas at naka boho style maxi skirt siya na partner niya na black sandals. She put on her sunglasses and black baseball cap. Ihahatid siya ni Mang Romy sa bayan para makapamili ng sariwang isda. Gusto niya ng sinigang na yellow fin kaya ito ang lulutuin niya mamaya. "Mang Romy, wala bang tricycle dito?" Kahit naman artista siya ay marunong mag- commute si Clara dahil din ito sa yaya niya na si ate Nene. "Nako señora walang tricycle dito at walang gustong pumasok dito dahil private property ito. Kaya hanggang doon lang kayo sa b****a maihahatid at malayo ang lalakarin mo." "Ay ganun po ba?" Sumakay na lang si Clara sa magarang kotse. Kinakabahan si Clara bumaba dahil baka may makakilala sa kanya. Nag-sign of the cross pa siya at humiling sa may kapal na sana ay walang makakilala sa kanya. Nagpababa lang siya sa hindi kalayuan sa palengke. Naglakad na siya patungo sa bilihan ng isda muna. Na-miss niya ang ganitong kalayaan. Dahil walang pakialam ang mga tao na naroon hindi pa kasi siya nakikilala. With a reusable bag slung over her shoulder, she looked like any ordinary early shopper. "Okay. Yellowfin tuna. Sampalok. Labanos. Let's do this." Clara mumured. She weaved through the stalls, carefully choosing the freshest ingredients. A few vendors squinted at her, then smiled uncertainly. "Uy... parang—wait, artista ba 'to?" sabi ng tindera ng gulay. Tapos na kasi siya bumili ng isda. "Si Clara Ramirez? Yung sa teleserye dati na may scandal?" sabi ng isang tindera na katabi nito. Clara gave them a polite nod, not confirming anything, just paid quickly and moved on. But someone already took a picture—and within minutes, Twitter, i********: and f*******: were buzzing. POST Clara Ramirez spotted at the palengke buying fish? Real or PR move? XxXHoneyXxX: Walang hiya. Nagka-scandal na, ngayon kunyari simple girl? Jeselove: Still my queen! Let her live! Tottiepatuti: Sa true? Pero tigilan niya na siya people. Mukhang nag-momove on na siya. Realmimi: Nakakahiya ka girl. Spell D-E-S-P-E-R-A-T-E? XiaoXiaola: Yas! Queen! Wag mong pansinin ang mga basher push mo 'yan! Oppokid: Not a fan. Pero gumaganda siya ngayon. Teka province ba namin 'to? XiaoXiaola: San province niyo @ Oppokid? Oppokid: Not sure lang huh. Pero sa Camotes, Island kami. A small crowd started to grow. Some were friendly, smiling and asking for selfies, but others began whispering louder. "Ang kapal ng mukha, ha. Kung ako 'yan, hindi na ko lalabas."- random woman. "Grabe siya, still so pretty in person. Pero dapat hindi siya nag-iisa." - teen fan. Clara started to tense. She clutched her bag tighter, trying to stay calm, but the mix of energy around her-adoration, judgment, mockery-felt suffocating. And then— "Excuse me. Make way." She heard a familiar voice. It was Damien. He was suddenly there—tall, composed, dressed in black, a subtle glint of his luxury watch peeking from his rolled sleeves. He didn't look angry. He looked protective. Deadly calm. Without a mask but with sunglasses on, enough to hide his scar and a little magic of make-up perhaps concealer. Alam ni Clara kung gumamit ng make-up ang isang tao. This is the first time that she saw his full face still 'A' for effort. And she can't help herself from glancing at dahil ang gwapo pala ni Damien. She can see from beside the sunglasses those piercing chocolate brown eyes and those rosy red lips that she wishes to taste. He reached Clara without rushing, without speaking a single unnecessary word. One hand gently touched her back. "You disappeared this morning. You should've told me." "I just wanted to make sinigang. . ." embarassed. Medyo gulat pa rin dahil sa nangyari. "With this crowd as witnesses?" He slightly smirked. Hinawakan siya nito sa kanyang bewang. Kinagulat nito ni Clara at para bang may kuryenteng dumaloy mula sa tyan hanggang sa puson. He guided Clara to the waiting car, opened the door for her like a gentleman, and only when they were seated inside did he let out a sigh. "Sinigang, huh?" "I wanted to do something nice." Trying not to smile because she is still embarrassed. "Next time, we'll send someone to buy the fish. Or I'll come with you." "Talaga? Sasamahan mo ako?" "Oo, asawa mo ako. Remember?" "Asawa. . ." Mahina niyang sambit. Ba't parang nag-init ang pisngi doon ni Clara? Nang makarating ng mansyon, kinuha ni Damien ang reusable bag na dala ni Clara. "Manag Rosing, sinigang po ang luto." Utos nito sa matandang tagasilbi. "T-teka ako—" hindi na nakatutol si Clara dahil hinigit siya ni Damien. Nagtungo sila sa library isinara ni Damien ang pinto nito. "Ayos ka lang ba?" "Ba't ka concern bigla?" Tanong ni Clara. Huminga ng malalim si Damien. "Just answer the question." "Yeah. I'm okay." "Thank God. Huwag ka na mag social media. At huwag mo na ulit gagawin ang ganoon na aalis ka nang walang paalam." Sunod- sunod na paalala nito. "Wala na akong cellphone. Tinapon ko na pagdating ko dito. Sige magpapaalam na ako next time." "Pano kaya kita ma-co-contact niyan?" "I'm hungry. I want cookies." Sabay bago sa usapan ni Clara. Saka naglakad palabas ng library. Hindi niya na kasi mapigilan ang sarili. May ibubuga kasi ang asawa niya kung labanan ay kakisigan. Gosh! Asawa talaga! Jusmiyo. Magkalapit pa sila at ilang layo na lang ang pagitan nila. Amoy na amoy niya ang mabagong hininga nito. Baka kasi ano pang magawa niya kapag nagtagal pa siya doon. Kanina pa kasing parang gusto niyang halikan si Damien. Kanina pa nag-iinit ang kanyang pisngi. "Clara. . ." Tawag nito sa kanya sa kalmadong malalim na boses nito. Hindi niya pinansin ang binata nagtuloy- tuloy siya sa paglalakad hangang makarating siya sa kanyang silid. Kalma heart. Kanina pa kasi to na parang tambol kung tumibok. Hindi ka sumang-ayon sa kasal na 'to para mag tagal. Tatlong buwan lang ito Clara. Tatlong buwan. Naalala niya nalimutan niya ang libro niya sa kotse. Alam niya rin na may daan mula sa kwarto niya papuntang garahe. Ang mansyon ay isang labirinto ng lumang kahoy, may mga picture ng mga mukhang hindi niya kilala, at mga pintuang parang sinadyang isara habang buhay. May natanaw si Clara na isang lumang silid sa ikalawang palapag, nasa pinakadulo ng pasilyo, malapit sa isang malaking bintanang natatakpan ng makapal na kurtina. Malamang ito yung daan. Pumasok siya. Hindi niya inaasahan ang madatnan. Maalikabok. Katahimikan. Ang kwarto ay tila ba'y kinalimutan na ng panahon. Sa gitna ng silid—isang drawing table. Luma na, pero may bakas ng isang sketch na hindi pa nabubura nang buo. Binuksan niya ang ilaw para masilayan ito ng mabuti. Lumapit siya rito. Isang sketch ng babae. Kalahating mukha lang ang natapos. Maganda. Malungkot. At may kakaibang lumbay sa mga mata. Sa tabi ng mesa, may isang kahon. Isa-isa niyang binuksan ang mga lumang folder at dokumento—mga sulat, mga medical reports, mga liham na hindi naipadala. Isang pangalan ang paulit-ulit na nabanggit: E.L. Sa isa sa mga sulat, may nakasulat sa likod: Bakit mo ako iniligtas kung itatago mo rin ako sa dilim? Napapitlag si Clara. Hindi dahil sa sulat. Kundi sa boses. "Walang dapat pumapasok dito." Si Damien. Clara ano nanaman ginawa mo? Okay na sana kayo eh. . . Nasa likuran lang niya ang lalaki. Tahimik, malamig, at tila mas malapit kaysa sa dapat. Napalingon siya. Sa unang pagkakataon, may galit sa boses nito. "I'm sorry," sabi niya, bumalik sa katinuan. "I didn't know. . ." Tahimik lang si Damien. Hindi siya sumigaw. Pero ang bigat ng katahimikan ay parang pader sa pagitan nila. "Hindi lahat ng sugat ay gusto pang galawin," mahinang sabi nito. Ngunit dama mo ang kanyang bigat. Pagkatapos, tumalikod ito. Iniwan siyang muli. Sa gitna ng alikabok, lihim, at mga tanong na hindi pa handang sagutin. Nako Clara. Kanina lang nag- ngingitian kayo. Nakukuha mo na sana ang loob ni Mr. Tall Mysterious Resident. Ba't kasi ang kulit mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD