BAGO ang katahimikan sa isla, bago ang lalaking may maskara, si Clara Elodie Ramirez ay sikat.
Hindi lang sikat—hinahangaan, sinusundan, sinasamba. Sa billboard, sa pelikula, sa primetime. Isang mukha na binuo ng kamera, ng makeup, ng liwanag.
Madaming nagsasabi siya ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Dahil simula pagkabata ay umaarte na siya. Mula sa child star naging super star hanggang naging isang falling star. Isang butuin na nagniningning ngayon ay wala nang ningning. Mabait naman siya at madalas tumulong sa charity at paminsan namimigay siya ng pera para sa mga followers niya sa social media pero bakit kaya nakarma pa rin siya? Hindi ito maunawaan ni Clara. Marahil lahat ng liwanag ay may aninong hindi natatakasan.
At sa kanya, ang anino'y dumating sa anyo ng isang leaked video.
"Clara, look at the camera."
"Hindi ko alam na—hindi ko 'to pinayagan—"
Dalawang minuto.
Dalawang minutong footage na walang pahintulot, walang konteksto. Isang sigaw. Isang iyak. Isang lalaking nagpakilalang producer. At siya, pilit na lumalabas ng kuwarto.
Hindi nakita ng mundo ang buong kwento.
Hindi nakita kung paano siya tinakot. Kung paano siya pinaglaruan. Kung paano ginamit ang pangalan niya.
Ang nakita lang nila: Clara Ramirez, umiiyak, gulo ang buhok, hubad ang balikat, tumatakbo paalis habang ang boses sa background ay mahinang tumatawa.
Kalat ang mukha niya sa buong social media maging ang mga tabloids ay laman ang mukha niya. Halos gumuho ang mundo ni Clara. Nagkulong siya sa kanyang condo at wala nang ganang lumabas. Umabot siya sa point na nagpapadeliver na lang siya ng pagkain niya pati personal na pangangailangan niya ay pinapadeliver niya na. Extended ang kanyang lockdown dahil kahit magtatapon lang siya ng basura niya ay naka facemask pa siya at sunglasses.
Ilang linggo na rin siyang walang kinakausap kahit puros vibrate ng kanyang cellphone. Hindi niya kaya tingnan ang social media.
Dahil noong unang kita niya sa mga bashers niya ang sasakit ng mga sinasabi nila laban sa kanya.
She seduced him for a role. Pathetic!
Attention-seeker.
That's what happens when you sleep your way to the top.
Malandi kasi talaga 'yan sa personal.
The bida is now the kontrabida hahaha!
Hindi naman talaga maganda 'yan ewan ko ba bakit idol niyo 'yan?
Feeling ni Clara wala siyang kakampi sa mundo. Kahit madaming nangungumusta sa kanya na mga kaibigan ay wala siyang nirereplyan ni isa sa mga ito.
Noelle: Cedie, bie kung need mo ng kausap dito lang ang double mo.
Cedie ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at kapamilya niya. Short for Clara Elodie.
Noelle: inom tayo dito kina Jade. Sagot ko nomo bie!
Cherry: Beb! Sagutin mo please, I'm worried
Heather: Beks! Gusto mo ng lawyer? My hubby can accept your case. Laban tayo beks lakasan mo loob mo. Virtual hug beks!
Ivory: Cedie darling, pakatatag ka. I'm worried. Kung nandyan lang ako sa Manila I will give you a hug.
Manager: Clara, sagutin mo ang phone mo. That's an order! We can still fix this.
Mabuti pa ang mga kaibigan niya ay may concern sa kanya. Kung tutuosin pwede naman siyang humingi ng tulong sa mga ito. Kay Cherry Monreux pa lang ay matutulungan na siya ng walang kahirap-hirap. Pero hindi niya kailangan ng tulong ngayon dahil kaya niya itong pagsubok na 'to.
Dumaan ang ilang araw, nagbukas muli siya ng social media niya. From 7M followers bumaba ito ng 500k followers na lang at bumababa pa ito. Ganoon kabilis ang pagbagsak niya?
Ang pag- arte na ang naging buhay niya. Kaya naiiyak siya ngayon dahil ganito kabilis bubulusok siya pababa. Napasakit ito para sa kanya. Kaya napaiyak na lang siya sa may sulok ng kama at yakap niya ang kanyang mga binti at sinubsob ang mukha sa may tuhod.
Ang pinakamasakit sa lahat, maging ang sarili niyang pamilya—lalo na si Vivian na kanyang kapatid na nasa showbiz din—ay hindi siya ipinagtanggol.
Nag-vibrate muli ang kanyang cellphone. Nang silipin niya ito, lumaki ang kanyang mga mata.
Mommy Calling. . .
Tumatawag ang kanyang ina. Nanginginig pa ang mga kamay niya bago na-touch ang green answer button.
"Cedie, come home immediately. We need to discuss this matter!" Ang boses nito ay puno ng awtoridad. Kahit noong mga bata pa sila ganito na ang ina sa kanila. Galing kasi ito sa pamilya ng mga sundalo at namana ang pagiging mahigpit ng kanyang lolo na general.
Ang pagbaba ng parking ng condo unit niya ay napakahirap. Nagkalat ang mga media sa paligid para kunan lang siya ng pahayag. Kaya todo hoodie, shades at facemask siya. Mabuti ay may kaparehas na suot niya ang dumaan akala ng mga paparazi ay siya ito. Kaya nakapuslit siya sa kanyang kotse.
Clara!
Clara!
"Teka! Hindi ako si Clara! Kitang may sakit itong tao eh!" (Cough)
Huminga ng malalim si Clara at humigpit ang hawak niya sa manibela. Sariwa parin kasi ang mga sugat na iniwan sa kanya. Naiirita siya sa mga media.
Nang makarating siya sa kanila. Na- inform na niya ang sarili na pagsasalitaan siya ng masasakit ng kanyang ina. Expected niya naman na ito. Lahat naman ng ina ganito magiging reaksyon sa una. Pero not my mother earth she's a one sided. Wala siyang pakialam sa kwento mo pag ito ang nakita niya iyon na iyon tama man ito o mali, may masasabi at masasabi siya.
"Kung wala kang tinatago, bakit ka umiiyak?" puno ng galit ito. "Ilang beses ka na bang ganyan?" nagngingitngit ito sa inis sa akin. "Maawa ka naman sa amin—idadamay mo pa kami sa gulo mo."
Gulo. Minsan lang ako nasangkot sa ganito, parang kasalanan ko na ang lahat? Hindi man lang nila ako tanungin kung ano ba ang tunay na nangyari?
I was violated! They put something on my drink. Mabuti nga hindi masyadong umepekto kasi kaunti lang ininom ko at nagising agad ako at lumaban.
"You will take your sister's arranged marriage."
"Po?" Lalong umiyak si Clara. "Mommy, please ayaw ko po."
"That's final, Cedie. If you want to get out in this mess take this marriage as your ticket for your redemption."
+++
Mula sa liwanag ng showbiz, ngayon ay nilulunod siya sa kadiliman. Sa walang buhay na mansyon na ito ay para siyang walang kalayaan.
"Susie. Nasan ang Señor mo?"
"Señora, masama po ang pakiramdam kaya doon siya sa kwarto niya nagpadala ng pagkain."
"Ah. . ." tinusok ni Clara ang hotdog saka kinagatan ito. "Hm, pwede magtanong?"
"Ano po iyon?"
"Sino 'yong babae na nasa painting?"
Napansin ni Clara na bigla itong natigilan si Susie at parang pinagpawisan bigla dahil humawak ito sa sariling noo.
"A- ano kasi—"
"Susie!" Tawag ng isang matandang kasambahay dito.
"Manang Rosing—!"
"Hala, pumunta ka na sa kusina ako na riyan."
"Opo."
"Señora, may pag-uutos po ba kayo?" Tanong ng butihing matandang kasambahay.
"Opo manang. May tanong lang ako. Kasi kay Susie kaso sumingit kayo. Kaya sa'yo ko na lang itatanong."
Nag-iba ang hitsura ng matanda ang kaninang nakangiti ay biglang tila'y nandilim ang mukha nito.
"Señora, mahigpit na pinagbabawal ng señor ang matanong. Kaya kumain na lang po kayo ng agahan niyo."
"Bawal mag tanong. Hindi ba ritemed dito?"
"Palabiro po kayo, señora." Mapakla itong tumawa.
Hindi na kinulit pa ni Clara ang mga tao doon. Ayaw naman kasi nila magsalita. Tinapos niya na lang ang binabasa niya para makapagbasa muli ng bagong libro.
+++
The sunlight poured in softly through the tall windows, casting golden streaks across the hardwood floors of the private mansion library. The place smelled like old books and cedar, comforting and still.
Clara stood on her toes, reaching up to the highest shelf.
“Ugh, bakit naman kasi laging andun sa taas ‘yung magagandang libro?” she muttered, stretching her arm as far as it could go.
No ladder. No stool. Just pure determination and a very short reach.
Just as her fingertips barely grazed the spine of the novel, a large, warm hand reached past her shoulder—effortlessly grabbing the book she’d been straining to get.
She gasped and turned slightly.
Damien stood there—close. Too close. His mask was still in place, but his mouth was exposed, his dark eyes calm but unreadable. Their faces were just inches apart.
He handed her the book without saying a word.
“Thank you,” she murmured, taking it gently, fingers brushing his.
“Kung gusto mo ng ibang libro... sabihin mo lang,” Damien said, voice low and deep. “Hindi mo kailangang mag-stretch ng ganyan. Masakit 'yan lalo na sa leeg.”
Clara chuckled lightly, a little flustered. “Well, sorry po, hindi ko po naalala na may resident tall person pala dito.”
Damien tilted his head, slightly amused. “Resident tall person?”
She looked up at him, teasing. “Mataas, tahimik, mysterious. Check, check, check.”
He leaned in just a little more—barely noticeable, but she felt it. That shift in the air.
“Kung mysterious ako,” he said, voice dropping an octave, “then bakit parang ikaw ang hindi ko maintindihan?”
Clara blinked. Her breath caught.
“Anong ibig mong sabihin?” she asked, suddenly aware of how close they really were.
He paused, eyes locked on hers. Then, almost sheepishly, he added, “Wala. Just… forget I said anything.”
Clara looked away, heart hammering. “Too late. Nakalista na 'yan sa utak ko.”
They both laughed—awkward, sweet, a little red in the face. Damien stepped back slightly, suddenly unsure of himself.
“I should go,” he said, clearing his throat. “Before I say something else I won’t be able to take it back.”
Clara just smiled, cradling the book to her chest.
“Thanks again, Mr. Tall Mysterious Resident,” she called after him.
As he walked out, she didn’t see the grin tugging at the corner of his lips.