ANG kasal ay mabilis na natapos. Ngunit wala siyang naramdamang bago. Para lang siyang naki- pag contract signing. Minus the press-con para sa media at mga fans.
Ang singsing sa daliri niya ay malamig. Walang bigat, pero parang tanikala.
Masyadong tahimik ang buong mansyon. Walang staff na nag-aalok ng tsaa, walang kamag-anak na bumubulong ng mabubuting hangarin. Wala ni isang bulaklak. Isang kasal na walang saksi.
Ang tanging alaala ng seremonya ay ang lagda niya sa papel, at ang lalaking hindi nagpapakita ng kanyang mukha.
Damien Alonzo.
Ang lalaking pinaniniwalaan ng mundo na isang halimaw na nagtatago sa dilim. Walang pag-uusap na naganap sa kanila. Kahit man lang wazzup? Bad breath ba siya? O pipe rin ba siya? Hindi malaman ni Clara kung tao ba o alien ang kaharap niya. Tanging ang pagsulyap at pagtango ang namagitang komunikasyon nila.
Nasa isang guest wing ngayon si Clara. Malawak ang silid, may bintanang tanaw ang dagat. Pero kahit gaano kaganda ang tanawin, para kay Clara, parang kulungan ang lahat.
May katok sa pinto. Maikli. Walang alinlangan.
Bumukas ang pinto bago pa siya makasagot.
Doon niya muling nakita ang lalaking nagtatago sa isang maskara.
Si Damien. Nakatayo sa dilim ng pasilyo, ang kalahati ng mukha niya tinatakpan ng makintab na maskara—itim, makinis, parang walang emosyon.
Naka damit siya ng maayos—dark slacks, dark suit, at isang coat na pormal pero hindi sakdal. Walang ingay ang bawat galaw niya. Parang isang multo. Sino ba siya sa inaakala niya? Nag- cosplay ba siya bilang si Tuxedomask ng Sailormoon?
"Handa ka na ba?" tanong niya. Ang boses niya ay mababa, kalmado, pero may bigat—parang bawat salita ay may timbang na hindi niya maunawaan.
Hindi agad nakasagot si Clara. "Para saan?"
"Pananghalian," sagot niya. "Ayaw kong magsimulang magreklamo ang asawa ko sa unang araw pa lang."
"Asawa. . ." bulong ni Clara, lasang mapait ang salitang iyon sa dila.
Napansin niyang hindi siya lumalapit. Nakatayo lang siya roon—tama lang ang distansya para marinig siya, pero malayo para hindi maramdaman.
Parang may pader sa pagitan nila at isang hindi maipaliwanag na guhit.
"Saan tayo kakain?" tanong niya, pilit na hindi nagpapahalata ng kaba.
"Sa baba." Isang sagot na walang karagdagang paliwanag.
Lumakad siya, hindi lumilingon kung susunod si Clara.
At tulad ng isang eksenang hindi niya alam kung paano natapos, napilitan siyang sumunod.
Tahimik ang hallway, pero parang sumisigaw ang bawat hakbang nila.
Nasa unahan si Damien—tuwid ang likod, walang pag-aalinlangan sa bawat kilos. Hindi siya tumitingin pabalik. Hindi nagtatanong kung sumusunod pa siya.
Para siyang sundalong sanay mag-isa.
Si Clara na nasa likod niya, tahimik na sumasabay. Pero sa loob niya, magulo.
Ano ba talaga ang pinasok ko?
Hindi niya alam kung sino ang mas dapat katakutan—ang Damien na sinasabi ng mundo na may sakit at nabubulok na sa loob ng bahay na ito. . . o ang Damien na ito, tahimik, maayos, malinis, ngunit may itinatago sa ilalim ng maskara.
Wala siyang alam tungkol sa kanya.
Wala ni isang litrato.
Wala ni isang kwento na hindi puro bulong, o pananakot, o kasinungalingan.
Bakit siya naka-maskara? May tinatago ba talaga siyang pilat? O isa lang ‘tong laro ng kapangyarihan? Trip lang yata nito mag- cosplay. Isang malalim na paghinga na lang ang pinalabas niya sa kanyang bibig.
Naalala niya ang huling tingin sa kanya kanina—hindi galit, hindi rin malamig.
Matiyaga. Mapagbantay. Parang binabasa ang mga kilos niya.
Hindi siya halimaw. Hindi rin siya mabait. Pero isa siyang panganib. Mas malala. Dahil hindi niya alam kung anong uri ng panganib ang nagkukubli sa pagkatao nito.
Kailangan niyang tandaan: hindi siya narito para sa pag-ibig. Hindi para sa kapatawaran. Hindi para magpatahimik ng konsensya.
Tatlong buwan. ‘Yun lang. Tatlong buwang pagtitiis. Tatlong buwang katahimikan. Tatlong buwang kasinungalingan.
Pagkatapos no’n, malaya na siya.
Kung makakalabas pa siya rito.
Isinantabi muna ni Clara ang kanyang mga iniisip dahil noong nakita niya ang set up kung saan sila kakain ng lunch ay biglang kumalam ang kanyang sikmura. Isa iyong boodle fight style pero pina- susyal. May inihaw na tuna belly, inihaw na pusit, naglalakihang sugpo, at tahong. May mangga, pinya at pakwan bilang panghimagas.
Nasa mataas na bahagi sila na malapit sa pampang at parte pa rin ng mansyon. Tanaw mo ang ganda ng dagat at langhap mo ang simoy na maalat na dagat. Doon sila naupo sa bahay kubo style na gazebo. Nasabik siya 'yong nakita niya ang white wine na nasa ice bucket sumisilip ang pangalan nito na, 'Montrachet Grand Cru'. Oh la la. . . so expensive.
Ang tahimik ng lunch na 'yon mabuti ay maganda ang tanawin kaya hindi na ito inalala pa ni Clara at magana na lang siyang kumain habang nakatingin sa magandang karagatan.
Boodle fight style pero hindi kinakamay, mabuti mamahalin ang wine at na- enjoy ni Clara ang lunch. Kaso wala man lang cheers! O pa- toast ang Mayor natin, kahit man lang pa-good luck dahil hindi ka na makakalabas dito, Clara yehey!
Matapos ang tanghalian—bumalik na sila sa loob ng mansyon. Nabusog naman si Clara at nag- enjoy dahil sa mamahalin na white wine —iniwan siya ni Damien sa hallway.
"Wag kang mawawala," tanging sinabi nito bago siya tumalikod.
Pero hindi iyon utos. Babala iyon.
At gaya ng lahat ng bawal, mas lalo niyang gustong suwayin.
Ang buong mansyon ay malawak, marangya, pero walang puso. Walang larawan sa dingding, walang pangalan sa mga silid, walang halakhak o alaala. Para bang hindi ito tirahan kundi isang entabladong tinabunan ng belo.
Tahimik ang paligid, at tanging mga yapak lang niya ang naririnig.
Pumasok siya sa isang silid na bahagyang nakabukas. Aklatan.
Madilim, mabango sa lumang papel at kahoy. Ang mga estante ay puno ng mga aklat na mukhang hindi na hinawakan sa maraming taon—mga klasikong nobela, kasaysayan, biograpiya ng mga taong patay na.
May isang mesa sa sulok. May notebook. Sarado. Maalikabok.
Pero ang pansin niya ay napako sa isang painting sa gilid.
Hindi ito tulad ng iba. Ito lang ang nag-iisang piraso ng sining sa buong bahay.
Isang babae, nakatalikod, nakaharap sa dagat. Magulo ang buhok, puti ang suot. Parang sinasalo ang hangin.
Sa ilalim ng frame, may maliit na inskripsyon:
Not all who leave are lost.
Some become the ache that never leaves—
the kind of wound that remembers how to bleed.
Napaurong si Clara. Walang pangalan. Walang paliwanag. Pero may bigat.
Parang alaala na itinago pero ayaw talagang makalimot.
Bago siya makalapit muli, may narinig siyang yabag mula sa pasilyo. Mabilis. Tahimik.
Tumigil siya sa paghinga.
"Clara," malamig na tinig ni Damien mula sa 'di-kalayuan. Hindi galit. Pero matalim.
Pinipilit ang sarili'y maging kalmado. Pero habang sinusundan ang boses niya pabalik na sana siya sa sariling silid, isa lang ang sigurado niya:
Ang bahay na ito ay may mga lihim.
At ang lalaking pinakasalan niya. . . ay mas higit pang tinatago bukod sa mukha nitong may suot na maskara.
He snatched her pulse. Ang pagkakahawak nito sa kanya ay may higpit ngunit inaalalayan ang lakas. "You're not allowed in here!" May tigas sa boses nito. Nakita pa ni Clara na umigtig ang panga nito.
"I'm just looking for a good book to read. Ang boring na kasi dito." Pagdadahilan niya.
Binitawan siya ni Damien. May sakit na naramdam si Clara doon kaya hinawakan niya ang kanyang pulsuhan. "Come," kalmado na sabi ng binata ngunit may pagka-utos ang dating.
Pinasunod siya nito at dinala sa ibaba ng mansyon. Ang pinto ay gawa sa mamahaling Narra. Binuksan ito ni Damien gamit ang dalawang kamay niya dahil dambuhala ang mga pinto nito. Bumungad kay Clara ang malaki at malawak na puno ng aklat na silid. Parang lahat na 'yata ng libro ay narito. Sa lawak at laki ng kwarto na 'to. Nakakita si Clara na mga libro na may mga balot pa at parang hindi pa nagagalaw. Halatang bago pa ito kasi ang iba ay may mga price tag pa.
"You can spend all day in this area. Not in that restricted area. Do you understand?" Parang isang kulog na may kasamang kidlat nitong sinabi. O malakas lang talaga ang imagination mo, Clara.
"Y- Yes."
"Good. Enjoy."
May lahi yatang ninja ang lalaking 'yon pag lingon ko ay wala na ito. Napabuntong-hiniga na lang si Clara.
Isa sa mga hobby ni Clara ang pagbabasa ng libro. Kahit anong genre binabasa niya basta napukaw ang kanyang interes hindi niya na ito papakawalan. Pero dahil sa pag- aartisa, ay bihira na siya makapagbasa ng libro. Siguro ngayon na ang umpisa muli na magbabalik-loob siya sa pagbabasa. Tatlong buwan naman siya matetengga.
May nakita siyang magandang pabalat na libro kaya ito ang kinuha niya at nag- umpisang basahin.
Kahit na okupado ang mata at pag-iisip sa pagbabasa, sa kabilang isipan ni Clara ay hindi mawala sa isip nito ang painting ng babae na 'yon. Sino siya? Ex ba siya ni Damien? Malamang ex kasi may painting nga eh. . .
May kumatok sa kanyang silid. Hindi nito binuksan ang pinto pagtapos ng mga katok, kaya malamang isa itong tagasilbi sa mansyon. Kaya bumaba ng kama si Clara para pagbuksan ang pinto.
"Señora. . ." mahinang tawag nito sa kanya ng isang maliit na babae. Halata mo na kinikilig ito dahil sa mga ngisi nito. "ha- handa na po ang hapunan," nakababa lang ang ulo nito, ayaw niya tingnan siya nito dahil nahihiya ito sa kilig na nararamdaman.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Clara habang sinusundan ito papuntang elevator.
"Susie po, Señora."
"Clara na lang itawag mo sa akin, Susie."
Umiling ng marahas si Susie. "Hindi ko po kayo pwedeng tawagin ng ganoon. Magagalit ang Señor Damien."
"Clara ang itawag mo sa akin ayaw ko ng may tittle. Parang tunog kasi ng matandang matapobre na handa na makipag mahjong kasama ng mga amiga niya."
Natawa si Susie sa sinabi ng amo. "Señora, joker pala talaga kayo. Napanood kita lagi sa sit-com sa Saging Serye. Fan niyo po ako ang galing nyo rin sa drama at action. Tinapos ko nga ang Oh My Goddess version three point O."
"Ay salamat naman."
"Sobrang saya ko nga nang malaman namin na kayo ang pagsisilbihan namin dito sa mansyon."
Gusto sanang sabihin ni Clara na masaya rin sana siya na narito siya kung maayos lang siya pinakitunguhan ni Damien. And lessen the mysterious vibes.
Mapait ngunit hindi pinahalata ni Clara ang ngiti niya na ito. "Ako rin. Gusto ko dito sa mansyon. Mabait ba ang Señor sa inyo?" Sabay tanong ni Clara. Dito niya na umpisahan ang pag-iimbistiga.
"Opo. Maayos at tama ang pasahod. Kaya wala kaming reklamo."
"Eh ang trato?"
"Mabait ang Señor, kaya matagal na rin ako dito nasa tatlong taon na rin po."
"Ah. . ." That's a good start. Hinay-hinay lang muna Clara.
"Pasok na po, Señora." Masayang wika ni Susie at pinapasok na siya sa elevator para makababa.
Ang hapag-kainan ay mahaba—masyadong mahaba para sa dalawang taong halos hindi magkakilala. Nasa magkabilang dulo sila, na parang dalawang estranghero sa parehong bangungot.
Si Damien, nakaupo nang tuwid, tahimik, walang sinasayang na galaw. Ang maskara’y matibay na nakasuot sa kalahati ng mukha, kay dilim, parang anino sa ilalim ng liwanag ng chandelier.
Walang nagsasalita muli sa kanila.
Ang mga kutsara’t tinidor lang ang lumilikha ng ingay—banayad, ritwal na parang kasangkot sa isang seremonyang hindi niya naiintindihan.
Pinagmasdan siya ni Clara sa ilalim ng kanyang pilikmata.
Maayos siyang kumain. Marunong. Disente. Walang galaw na bastos o marahas. Pero ramdam niya—ang distansya ay hindi lang pisikal. Para siyang nasa presensya ng isang hari na kayang ipabitay ang sinumang sumuway sa kanya ng isang iglap.
"Masarap ba ang pagkain?" tanong niya, pilit na binabasag ang katahimikan.
Hindi siya agad sumagot.
Tumigil lang siya sa pagnguya, at saka tumingin sa kanya—o mas tama, sa direksyon niya, dahil hindi niya makita ang mga mata sa ilalim ng anino ng maskara.
"Kung hindi masarap, bakit ka pa kumakain?" malamig ang boses nito.
Hindi siya sigurado kung tinutukso siya o tinutulak palayo.
"Trying to be polite," sagot niya, medyo magaan ang tono, pero ang kamay niya’y nanlalamig sa ilalim ng mesa.
“Politeness,” ulit ni Damien. “It’s the most dishonest form of survival.”
Hindi niya alam kung papalag siya o tatawa.
Ito ba ang magiging buhay ko ng tatlong buwan?
Tahimik. Nakakatakot. Hindi sigurado kung kalaban o kasama ang kaharap.
"May tanong ako," bulong niya, hindi na kayang itago ang kaba.
"Hindi ibig sabihin lahat ay may sagot ako."
Sinusungitan ba siya nito dahil nakapunta siya sa restricted room na 'yon? Kailangan mong habaan ang pasensya mo Clara, isang araw ka pa lang.
Nagtagpo ang mga mata nila—kalahating mukha niya’y nakatago, pero may kung anong bigat sa titig niya. Parang sinisid ang kaluluwa niya sa isang tingin.
"Alin ang totoo?" tanong ni Clara. "Yung mga bulong? Na may sakit ka? Na may pilat ka? Na. . . malapit ka nang mamatay?" Deretchahang tanong ni Clara.
Tahimik. Isang napakatagal na katahimikan.
Hanggang sa tumayo ang binata.
Dahan-dahan nitong nilapitan si Clara.
Hindi siya nagsalita. Hindi rin siya huminto sa gilid ng mesa. Tumayo siya sa likod ng upuan niya, halos ramdam na ni Clara ang hininga niya sa batok.
"Kung iyon ang pinaniwalaan mong dahilan para tanggapin ang kasal na ito. . ." mahinang bulong niya, malapit sa tainga niya, "baka dapat mong itanong sa sarili mo kung sino talaga ang dapat katakutan."
Lumakad na ito palayo matapos sabihin ito sa dalaga.
Tahimik. Matalim. At iniwan si Clara sa gitna ng mesa, nilalamig—hindi sa hangin, kundi sa dami ng hindi niya alam. There's only way to figure this out. I am now married to you Damien and I have the right to know everything about you.