AKSIDENTE

1010 Words
LABIS ang tuwang naramdaman ni Jaseem nang matanaw ang sasakyan ni Aleck sa labas ng bahay nila. "Sabi ko naman sa 'yo e, ako ang bahala kay Tita Jai, binigo ba kita?" bungad sa kaniya ni Aleck, nakatayo ito sa tabi ng innova nito. Tinapik-tapik niya ito sa balikat—tama nga si Aleck at hindi ito magawang tanggihan ng mommy niya. "Ano naman ang ginawa mong alibi kay mommy?" "Simple lang, Bro, sinabi ko lang naman sa mommy mong birthday ng matalik nating kaibigan." "Hindi na ba siya nagtanong sa 'yo ng iba pa?" aniya rito. Kilala ni Jaseem ang Mommy Jai niya, hindi ito basta-basta naniniwala lalo pa't tungkol sa party ang alibi na kung sino man ang nagpapaalam dito. Iba lang talaga si Aleck at nagkataon na matalik at kasosyo ng nanay niya ang mommy ng kaibigan. "Si mommy na ang bahala kay tita, Bro," anito sa kaniya. "For now let's go. Naghihintay na sa atin ang mga chikababes." Mabilis na tumalima si Jaseem at sumakay sa sasakyang dala ng kaibigan, wala siyang balak mag-aksaya ng panahon. Ito ang matagal niya ng hinihintay at hindi niya kailangan palampasin pa. "Bilib na talaga ako sa 'yo, Bro—ang lakas mo kay mommy ha," sabi ni Jaseem sa kaibigan niya nang makasakay na ito sa sariling sasakyan nito. Binigay pa nito sa kaniya ang susi kanina para siya ang mag-drive pero tumanggi siya. Mula nang bumalik siya hindi niya pa naasikaso ang lisensiya niya at hindi niya pa nagawang kausapin ang mommy niya tungkol dito. Kaya nga siya pinadala sa Bacolod n'on dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan niya nang may na hit and run siya. Ang totoo gusto niya naman talaga balikan ang batang nasagaan n'on nandoon lang ang takot niya na baka may mangyari lang na hindi maganda sa kaniya sa mga tambay na nandoon sa pinangyarihan ng trahedyang hindi niya sinasadya. "Naiisip mo na naman ba 'yon?" tanong sa kaniya ni Aleck. Gusto nya man makalimutan ang lahat ng 'yon, wala siyang magawa tila masamang bangungot 'yon ng kaniyang nakaraan na hindi niya kayang iwasan. Masakit din naman sa kaniya ang lahat ng 'yon lalo pa't namatay ang batang 'yon sa huling balitang nasagap niya. "I don't want to talk about it!" sabi niya rito. "Dapat lang, Bro—hindi mo gusto 'yong nangyari. Walang may gustong mangyari 'yon." Tinapon niya ang tingin sa labas ng bintana. Pilitin niya man sundin ang kaibigan, mahirap para sa kanya ang sitwasyon. Masama pa rin ang loob niya at hanggang ngayon hindi niya pa rin magawang mapatawad ang sarili niya. Lalo pa't sa bahagi ng hindi magandang karanasan na 'yon, may bahagi ng tao sa buhay niyang nagawan niya ng matinding pagkakasala at hindi niya alam kung mapapatawad pa siya nito kapag malaman nito ang totoo. Isa sa mga dahilan kung bakit niya nagawang iwan si Atasha ng ganoon-ganoon na lamang. "Bro, take it easy! Kalimutan mo na 'yon!" dugtong ni Aleck sa kaniya. Hindi siya nagtangkang lingunin ito, hindi kasi nito naiintindihan ang lahat ng mga nangyari—wala itong alam sa bigat na dala-dala niya sa puso niya. "Kung ganoon lang sana kadali ang lahat," sambit ni Jaseem. Hindi na nagsalita pa sa kanya si Aleck, tumahimik na rin ito. Naiintindihan nya naman ang kaibigan niya at naiintindihan din siya nito kung bakit hindi niya magawang makalaya sa nakagapos na nakaraan sa kaniyang isipan. 'Mahirap!' ani ni Jaseem. --- MATAMLAY ang katawan ni Atasha, ang balak niyang puntahan ang lola ni Jaseem kanina ay hindi niya nagawa. Nagkasya siyang magkulong sa kwarto niya—she tried to contact her friends pero sarado ang mga linya ng mga 'to. Gusto niya na naman sanang yayain itong uminom sila, alam niyang hindi maganda ang ginagawa niya para sa sarili niya. Wala naman siyang masisisi, kailangan niya rin gawin 'to para mawala agad si Jaseem sa puso at isipan niya. Hindi na siya natutuwa sa pakiramdam niya ngayon, nandoon ang samo't saring pag-iisip na hindi niya magawang maintindihan sa sarili niya. Mahal na mahal niya si Jaseem at 'yon ang sigurado siya. Hindi naman siya masasaktan ng ganoon kung wala lang ito sa buhay niya. Nagtalukbong ng kumot si Atasha, pati lahat ng social accounts na mayroon ito block siya—mapait siyang tumawa. Wala siyang ginawang masama dito, naging mabuti siyang kasintahan para dito. Ginawa niya ang lahat para iiwas ito sa gulo o kahit na ano'ng aberya man sa probinsya nila, malaking tulong ang ginawa niya sa lalaki. 'Paano ba kita makakalimutang hayop ka!' galit niyang usal sa sarili. Dumalaw na naman ito sa isip niya! Tila wala na yata itong balak pang patahimikin siya—sa araw-araw na pinagdadasal niyang makalimutan ito 'yon naman ang araw na mas lalo itong nagkakandumahog na diwa niya. 'Hayop ka talaga!' inis pang sabi ni Atasha. Ano nga pa nga ba ang magagawa niya? Hindi niya na yata maiwasan pa 'to. Hindi naman siya naghahabol sa lalaki—ang kailangan niya ngayon ay ang maayos na usapan mula rito. Ano ba naman kung sabihin nito sa kaniyang wala na sila?! Na hindi na siya mahal nito o sabihin nito sa kaniyang hindi naman siya minahal nito—maluwag niyang tatanggapin ang bagay na 'yon para sa kaniya. Magpakatotoo lang ito at 'yon ang kailangan niya. Hindi napigilan ni Atasha ang biglang mapahagulhol ng maisip niya si Atoy. Ang bunso niyang kapatid na namatay sa isang aksidente dahil sa walang pakundangan ng taong nakabangga dito at hanggang ngayon wala pa rin balita ang pamilya nila kung sino ang naging responsable sa pangyayaring 'yon. Hanggang ngayon hindi pa rin magawang magawang mapatawad ni Atasha kung sino man 'yon at sa sarili pinangako niyang hahanapin niya ito kahit ano man ang mangyari. Pinahiran nya ang mga luhang kumuwala mula sa mga mata niya dahil sa hindi magandang pangyayaring muli niyang naalala. Muli niyang sinumpa sa sariling sisingilin niya ang taong 'yon, kahit na ano pa ang mangyari at kahit sino pa ito hindi darating ang araw na mapapatawad niya ito. 'Hinding-hindi!' ani ni Atasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD