ANG DAMDAMING MAGULO NI ATASHA

1038 Words
NAKARATING si Jaseem at Aleck sa isang sikat na Bar sa Quezon Avenue— iyon ang unang beses na nagawi ni Jaseem d'on. Wala pa ito noong pinadala siya sa Bacolod, iba ang madalas nilang puntahan magkakaibigan n'on. Parehong nasa ibang bansa na rin ang mga kasama niya n'ong nangyari ang aksidente. Para na rin siguro matakasan ang hindi magandang karanasan kaya parehong umalis din ang mga 'to. Tulad na lamang niya. "Okay ka lang, Bro?" tanong sa kaniya ni Aleck. Hindi pa sila nakakababa sa sasakyan nito. Nandoon pa rin ang pagdadalawang-isip para sa kaniya kung itutuloy ba ang balak nilang dalawa—gaya nga ng pananabik na naramdaman niya kanina gusto nyang subukan sa muling pagkakataon. Baka nawala na rin naman ng tuluyan ang trauma na naging dulot sa kaniya ng nakaraan. Wala naman siyang balak maging preso sa masamang ala-ala na 'yon. Natatakot lang si Jaseem at baka may makakilala sa kaniya, sa isip niya hindi mawala na baka mayroong nakasaksi sa mga sandaling 'yon. Napalunok siya pagkatapos ituon ang tingin sa unahan. Pinaglipat-lipat sa mga sasakyang maayos na naka-park sa harap ng establisyemto. "Kung ayaw mong tumuloy maiintindihan kita. Pwedi kitang ihatid pauwi—" ang sabi sa kaniya ni Aleck. Nilingon niya ang kaibigan at sunod-sunod na umiling dito. Ayaw niyang gawin 'yon at naging malaki na siyang abala sa lalaki. "Susubukan ko!" aniya ni Jaseem dito. Naisip niyang walang mangyayari kung matatakot siyang harapin ang takot sa puso niya. Mula nang lumuwas siya galing Bacolod—pinangako niya sa sarili niyang haharapin niya ang bawat bukas na walang takot. "Nandito lang ako," ani ni Aleck sa kaniya. Nagpatiuna na itong bumaba at sumunod naman siya. Ni-lock nito ng maayos ang sasakyan nito—hinintay pa siya para sabay silang pumasok na dalawa. "Wala kang dapat alalahanin ngayon, just enjoy yourselves ako ang bahala, Bro," turan sa kaniya ni Aleck. Tumango-tango siya rito. Sinundan niya ito sa paglalakad hanggang sa makalapit ito sa dalawang guard ng Bar, may kung ano'ng tinanong kay Aleck at tinawag din siya agad pagkaraan lang ng ilang minuto. "Hanapin mo agad si Angelies, alam kong nandito 'yon ngayon sigurado ako," sabi nito sa kaniya. Muli siyang tumango-tango rito, ang takot kaninang nararamdaman niya sa sarili niya ay biglang naglaho ng marinig ang pangalan ng babaeng matagal niya rin ninais makita. Hindi niya palalagpasin ang sandaling 'to para magharap silang muli. INGAY sa paligid at sari-saring amoy ang sumalubong kay Aleck at Jaseem—bahagya pa siyang naubo dahil hindi na rin siya halos nakakalanghap ng sigarilyo. "Okay ka lang?" tanong sa kaniya ni Aleck. "Don't mind me. I'm fine, Bro," sagot niya rito. Wala naman itong dapat ipangamba sa kaniya at nandoon na sila sa loob. Napagtanto niya na hindi na pala siya masyado sanay sa ingay na naririnig niya; mga nagsisigawan at ang mas nagbibigay ay ang malakas na tugtugan. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Jaseem ang ilang nagsasayawan sa gitna ng may hindi kalakihang bulwagan. Nagpatuloy sa paglalakad si Aleck—ang bar sa bahagi ng likuran ang tinutumbok ng lalaki. "Two shot glass of most expensive brandy, Bro." Narinig ni Jaseem na sinabi nito sa isang bartender na naka-pwesto. Umupo silang dalawa sa pinakadulo—mabuti na lang at wala ng ganoong ingay d'on kung mayroon man hindi na ganoon kalakas sa pagpasok nila. Inikot ni Jaseem ang tingin sa lugar. May ilang grupo ng mga kababaihang nandoon nakaumpok sa malaking bahagi ng pabilog na upuan at sa gitna ay may kalakihang mesa na punong-puno ng alak at pulutan. Kung hindi siyanl nagkakamali may siyam na babae ang nagkukumpulan d'on. "Grupo ni Angelies—" bulong sa kaniya ni Aleck. Muli niyang tinapunan ang grupong sinasabi ni Aleck na kakilala ni Angelies. Hinanap ng mga mata niya ang dalagang inaasahan at pinanabikan niyang makita. "Late dumating 'yon baka ilang sandali na lang nandito na 'yon," muling bulong sa kaniya ni Aleck. Inabot nito sa kaniya ang in-order nitong inumin para sa kanilang dalawa—tatanggihan sana niya ito dahil wala naman sa usapan pero mabuti na rin at may kaunting alak siya sa katawan para magkaroon ng kaunting lakas ng loob na kailangan niya, kung muling makakaharap ang babaeng noon pa hinahangaan niya na. ---- BAHAGYANG nagising si Atasha—may kung ano'ng kaba siyang naramdaman sa puso niya. Nakatulog pala siyang hindi niya man lang namalayan. May dumalaw sa panaginip niyang hindi niya inaasahan. Nakaramdam siya ng pag-aalala kay Jaseem. 'Sana okay lang siya,' may pag-aalalang bulong ni Atasha sa sarili. Kahit naman may galit siyang nararamdaman sa lalaking 'yon, hindi pa rin mawawala sa isip niya ang mag-alala dito. Bigla-bigla ito dumalaw sa panaginip niya at sa natatandaan niya hindi 'yon maganda. Lasing si Jaseem at walang kahit na sino ang nand'on para dito. Napabuntong-hininga si Atasha kasunod ang muling pagpikit ng mga mata niya. Mukhang kailangan niya na yata pag-isipan ang suhestyon sa kaniya ng kaibigan na si Melanie. Lumuwas daw siya ng Manila para hanapin si Jaseem at sigurado siyang mabilis niya naman itong makikita—ang Lola Cynthia nito ang makakapagbigay sa kaniya ng impormasyon. Nag-aalangan lang si Atasha dahil sa sarili niya hindi niya alam kung kaya niya na ba harapin ang kinatatakutan niya. Matagal niya ng pinangako sa sariling hindi na muling tatapak sa malaking siyudad na 'yon dahil sa hindi magandang karanasan noon. Muling napadilat si Atasha, kasunod ang isang malalim na pagsinghap. Niyakap niya ang unan niyang bigay sa kaniya ni Jaseem noong unang anibersaryo nilang dalawa. 'Huwag mo na akong guluhin! Kung masaya ka na kung saan ka man ngayon, maging masaya ka na lang—gusto ko lang ngayon ang kalimutan ka, Jaseem!' kausap ni Atasha sa sarili niya para sa lalaking minsan na naging bahagi ng puso niya. Napaupo si Atasha—kasunod ang lungkot na sumilay sa mga mata niya. Taliwas sa nararamdaman niya ang mga binitiwan niyang salita, dahil habang tumatagal ang panahong nawawala sa kaniya si Jaseem ganoon din ang pag-uumapaw ng utos ng damdamin niyang hanapin ito sa lalong madaling panahon. Dahil sa sarili niya nararamdaman niyang hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa, na kaya niya pang ibalik si Jaseem muli sa buhay niya. --

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD