CHAPTER 2

1496 Words
Namamangha na pinagmasdan niya ang paligid. Nakatayo ang antigong mansion sa gitna ng malawak na parang at sa paligid ng mansion ay may tatlong malaking puno ng mangga na sobrang kitab dahil sa mga alitatap na nagpapaligsahan sa paglipad. Natutuwang lumapit siya sa puno ng mangga at sinubokan niyang manghuli ng alitatap. "Kate pumasok ka na sa loob ng mansion at huwag mo nang subukan na hulihin ang mga alitatap dahil hindi mo sila maaabot. Dahil bukod sa mailap sila, mataas sila at ikaw naman ay cute size." Walang pasabi na hinawakan ni Keeran ang kanang kamay niya. Hinila s'ya nito papasok sa Mansion. Kung maganda ang Mansion sa labas mas maganda ito sa loob. Dahil lahat ng gamit ay yari sa kahoy na nagingitab dahil sa barnes at ang mga painting na nakasabit sa ding-ding ay halatang mamahalin na parang noong unang panahon pa ipininta. "Magandang gabi! Señiorito, Señiorita." Magalang, nakangiting bati sa kanila ng matandang babae. "Magandang gabi rin po Lola." Nginitian niya ang matanda at nagmano s'ya dito. "Kaawaan ka ng Diyos Iha, ikaw na ba si Kate Aragon? Ang nag-iisang anak na babae ni Felix at Katrina. Napakagandang bata mo Iha, hindi nagkamali si Keeran na piliin ka bilang Reyna nitong Hacienda Salvador." Kumunot ang noo niya sa sinabi ng matanda dahil tinawag siya nitong Reyna. Eh, samantalang magiging katulong lang naman siya sa malawak na Mansion na ito. "Nana Belinda bukas na po kayo magkwentohan ni Kate. Samahan mo po siya sa magiging kwarto niya at sabihin mo rin po sa kan'ya kung ano-ano ang magiging trabaho niya dito sa Mansion bilang personal alalay ko." Inirapan niya si Keeran ng tumingin ito sa gawi niya. "Stop looking at me like that Mi amore dahil baka ikulong kita sa loob ng kwarto ko kapag hindi ka tumigil sa kaiirap mo." Nakaka-akit na wika nito kinindatan pa siya nito bago ito umakyat sa matarik na hagdan. "Kate iha, pagpasensyahan mo na lang ang kapilyohan ni Keeran ganu'n lang talaga ang batang iyon. But deep inside mabait iyon at mapagmahal at sigurado ako iha, na magkakasundo kayong dalawa." "Naku! Nana imposibleng magkasundo kami ng hambog na lalaking iyon." Gusto niyang sabihin pero hindi niya itinuloy dahil baka isipin ni Nana Belinda na masama ang ugali niya. Tinangoan na lang niya ito at tahimik siyang sumunod sa likuran nito. "Iha, ito ang magiging kwarto mo si señiorito Keeran mismo ang nag-ayos nito para komportable ka raw sa pagtulog." Pinasadahan niya ng tingin ang kwarto kulay pink iyon may queen size bed sa gitna, sa kanang bahagi ay may malaking tukador at sa kabilang bahagi naman ay may bookshelf na puno ng ibat-ibang klase ng libro. Binuksan niya ang nakasaradong pinto bumungad sa kaniya ang napakalinis na banyo kulay pink din ang kulay ng ding-ding at sahig. Napangiti siya dahil alam ni Keeran na kulay pink ang paborito niyang kulay. "Iha, ngayong nakita mo na ang kwarto mo pumunta naman tayo sa kusina nang maipagluto mo na ng dinner si señiorito Keeran." "Ho? Nana Belinda ako po ang magluluto ng dinner ni señiorito Keeran? Eh, Nana hindi po ako magaling magluto at hindi ko po alam kung ano ang gusto niyang pagkain." Kinakabahan na tanong niya sa matanda. "Don't worry Iha, lutoin mo ang putahi na alam mong lutoin. Dahil sigurado naman ako na kakainin ni Keeran ang luto mo masarap man iyon oh, masama ang lasa dahil mahal ka niya. Oh, s'ya sige, na maiwan na kita dito simulan mo ng magluto dahil maya-maya lang kakain na si señiorito Keeran." Nagugulohan na naiwan siya sa malawak tahimik na kusina. Nawewerduhan siya sa mga ikinikilos at sinasabi ni Nana Belinda dahil sinasabi nito na mahal siya ni Keeran. Eh, hindi naman totoo iyon at imposible iyong mangyari. Kunsomido na binuksan niya ang refrigerator inilabas niya ang liempo at boneless na bangus. Sinigang na baboy at piniritong daing ang lulutoin niya. Hinugasan niya ang karne at hiniwa niya 'yon sa katamtamang laki pagkatapos inilagay niya sa kalderong may tubig at isinalang niya sa stove na may katamtamang lakas ng apoy. Habang pinapalambot niya ang karne naghiwa siya ng mga gulay at binabad niya sa rekado ang daing. Nang makita niyang kumukulo na ang karne tinanggal niya ang bula-bula at inilagay niya ang fresh sampalok. Muli niyang tinakpan ang kaldereto at sa kabilang stove pinirito niya ang daing. Pagkatapos niya magprito sinandok niya lahat ng sampalok inilagay niya iyon sa malinis na mangkok. Kinuha niya ang mga hiniwang gulay at inilagay niya sa sinigang nilagyan na rin niya ng pampalasa. Dinurog niya ang nilagang sampalok at sinala niyang mabuti ang katas na siyang ipinang-asim niya sa liempo. Napapikit siya ng malasahan niya ang linam-nam at asim ng sabaw. Nang masigurado niyang malambot ang pagkakaluto ng karne naglagay siya sa mangkok. Inihain niya ng maayos ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa. Mabuti na lang may luto ng kanin kaya hindi na siya nagsaing. "Ang bango naman ng niluto mo mi amore at mukhang masarap." Napatalon s'ya sa gulat nang biglang magsalita sa likuran niya si Keeran. "Señiorito naman nakakagulat ka gusto mo ba akong patayin? Stress na stress na nga ako da-dag-dagan mo pa ang anxiety na nararamdaman ko." Nakasimangot na sikmat niya dito. "I'm sorry Kate hindi ko sinasadyang gulatin ka. Sige, na ma-upo ka na kakain na tayo." Ipinaghila s'ya nito ng bangko. Excited na nagsandok siya ng pagkain kanina pa talaga siya nagugutom dahil hindi pa siya kumakain ng lunch. Na una na siyang sumubo hindi na niya hinintay si Keeran. Mauubos na niya ang pagkain niya pero si Keeran nakatunga-nga lang sa lamesa hindi ito kumakain. "Señiorito akala ko po ba gutom ka na? Eh, bakit po hindi ka pa kumakain? Ayaw mo po ba sa luto ko?" curious na tanong niya dito. "Yes! Kate I'm really-really hungry right now But hindi ba sinabi sayo ni Nana Belinda na kailangan mo akong suboan? Tuwing kakain ako." Pa-bebe na wika nito. "Ano?!" Pa-sigaw na tanong niya kay Keeran. Nabitawan niya ang kutsara dahil sa sobrang pagkabigla. "Yes! Tama ang narinig mo Kate kailangan mo akong suboan tuwing kakain ako." "Hahaha! Really? Bakit bata ka ba? Eh, samantalang ang laki-laki mo na at look at your hands sobrang lapad. Mukhang madami ng nadakmang tilapya tapos ngayon sasabihin mo sa akin na kailangan kitang subuan. Hahaha! No way kumain ka mag-isa mo idadamay mo pa ako sa ka-abnormalan mo." Hindi sumagot si Keeran nagpapa-cute na tinitigan lang nito ang pagkain. Aalis na sana siya sa mesa kaya lang narinig niyang kumulo ng malakas ang tiyan ni Keeran. Na-iiritang nilagyan niya ng pagkain ang plato nito. "Oh, Señiorito kumain ka na pinaghimay na kita ng isda at nilagyan ko na ng mainit na sinigang itong mangkok mo." "Feed me now Kate dahil kapag hindi mo ako pinakain aabutin tayo ng isang taon dito sa kusina." Pananakot ni Keeran sa kan'ya. "Hay! Naku buhay matutuyoan talaga ako ng dugo dito sa amo kong isip bata!" Nanggigigil na bulong ng isip niya. Dahan-dahan na dinampot niya ang kutsara sinimulan n'yang pakainin si Keeran. Habang sinusuboan niya ito hindi siya nagsasalita dahil baka kung ano'ng masamang salita pa ang masabi niya dito. Nakaka-limang subo pa lang siya kay Keeran pero ayaw na nitong ngumanga. "Señiorito busog ka na agad? Eh, kakaunti pa lang naman ang kinain mo." "Gutom na gutom pa ako Kate. Pero ayaw ko ng kumain dahil galit ka lalo lang akong nagugutom kapag tinititigan ko ang naka-simangot mong mukha. Pero Kate kung ngingiti ka at lalambingin mo ako kakain ako agad." Parang temang na wika nito. "Hahaha!" Hindi n'ya napigilang tumawa nang malakas dahil sa kakulitan ng Amo niyang gwapo pero isip bata. "Oh, ngayon masaya ka na? Dahil tumawa na ako ng malakas at ngirit na ngirit pa. Oh, hala sige nga-nga." "Hahaha!" Napabunghalit ng tawa si Keeran umaalog ang balikat na ngumanga ito. Tumatawang pinakain niya ang binata dahil sa kakulitan nito nawala ang galit at hinanakit na nararamdaman niya dito. Pagkatapos niya pakainin si Keeran inabutan niya ito ng isang basong tubig na malamig. "Señiorito may kailangan ka pa po ba? Dahil kung wala na magpahinga ka na po. Ako na ang bahalang maglinis dito sa kusina upang hindi na maabala sa pagtulog si Nana Belinda." "Matulog ka na Kate ako na ang maglilipit at maghuhugas ng mga kinainan natin." "Talag señiorito?! Maghuhugas ka hindi ka nilalagnat? Kasi kanina señiorito ang arte-arte mo tinalo mo pa ang isang buwang sanggol. Tapos ngayon naman biglang sumipag ka nagpresenta kang maghugas ng plato. Baka naman señiorito ilob-lob mo lang sa tubig ang mga pinggan pagkatapos isalay mo na." "Kate marunong ako maghugas ng pinggan at magkus-kos ng kaldero. Mata nga ng babae pumuputi eh, kapag niroromansa ko ito pa kayang pinggan sisiw ito sa akin." Hindi na niya pinakinggan ang mga sinasabi ni Keeran kumaripas na siya ng takbo papunta sa kwarto. Dahil baka kapag nagtagal pa siya sa kusina kung saan pa mapunta ang kanilang usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD