CHAPTER 3

1828 Words
Na alimpungatan siya dahil sa magaspang na kamay na tumatapik sa maputi niyang pisngi. "Ano ba! Please.... lang huwag mong gambalain ang pagtulog ko dahil ina-antok pa ako eh," ina-antok na paki-usap niya sa makulit niyang panauhin. "Kate, Iha, gumising ka na dalahin mo na sa kwarto ni señiorito Keeran ang kaniyang almusal." Nagising ang ina-antok niyang diwa nang marinig niya ang malambing na boses ni Nana Belinda. "Sige, po Nana susundin ko po ang utos mo maghihilamos at mag-to-tooth brush lang ako sandali." Naghihikab na bumangon siya. Dumiretso s'ya sa banyo umihi at naghilamos pagkatapos niya gawin ang kaniyang morning routine nagbihis siya ng maayos na damit. Pumunta siya sa kusina natanaw niya sa labas ng bintana na sumisikat na si Haring araw at nakita rin niya na may mga hamog pang nakadikit sa mga dahon ng halaman. Magaan ang pakiramdam na binuhat niya ang food tray na may lamang nilagang saging na saba at isang basong mainit na kapeng barako. Dahan-dahan siyang umakyat sa matarik na hagdan. Nag-iingat s'ya sa kaniyang paghakbang dahil baka siya madulas. Nag-sign of the cross muna siya bago siya kumatok sa pintuan ng kwarto ni Keeran. Medyo natatakot siyang pumasok sa kwarto ng binata dahil baka may gawin na naman itong kalukohan. Nakalimang katok na siya pero walang sumasagot at wala ring nagbubukas. "Señiorito Keeran andito na po ang breakfast mo paki-buksan po itong pinto!" Malakas na wika niya habang kinakatok niya ang pinto. Ngalay na ngalay na ang braso niya kaka-katok pero hindi pa rin binubuksan ni Keeran ang pinto. "Siguro inaasar na naman ako ni señiorito kaya ayaw niyang buksan itong pinto." Nakasimangot na bulong niya at lakas loob na pinihit niya ang seradura. Pagpasok niya sa loob ng kwarto walang tao. Ibinaba niya sa center table ang food tray at pinasadahan niya ng tingin ang buong kwarto. Nakita niya ang maruruming damit sa sahig dinampot niya iyon . Napangiwi siya ng mahawakan niya ang boxer ni Keeran. Bit-bit ang maruruming damit pumasok siya sa loob ng banyo. Muntik na siyang madulas sa tiles nang makita niya si Keeran na nakaburles nag-aahit ito ng balbas. "S-Señiorito p-pasensya na po. Hindi ko po talaga sinasadyang makita itong putotoy mong natutulog." Nenerbyos na wika niya habang nakatingin siya sa cute na ibon ni Keeran. Lukot na lukot ang tuka nu'n halatang nilalamig. "What did you say Kate? Putotoy? Tinawag mong putotoy itong anaconda ko na kapag tumitigas ay 8 inches ang haba," iritadong tanong nito sa kan'ya. "Seryuso ka señiorito 8 inches iyan? Eh, mukhang two inches lang iyan at nilalamig pa. Tingnan mo señiorito oh, nakalupaypay," pang-iinis niya dito. "Kate! Butotay ito hindi ito putotoy. Kaya medyo maliit ito ngayon dahil nilalamig at inaantok. Ang mabuti pa Kate hawakan mo ng magising para makita mo kung gaano kataba at kahaba. Tapos sabihin mo sa akin kung kakayanin ba ng monay mo itong butotay ko o hindi." Nakasimangot na wika ni Keeran hindi nito matanggap na ininsulto niya ang putotoy nito. "Hahaha!" Malakas na halakhak ng isip niya dahil finally nakaganti rin siya sa ka-abnormalan nito. "Kate pinagtatawanan mo ba ako? Nakikita ko Kate nakangiwi iyang mukha mo na para bang sinasabi na señiorito Keeran totoo naman ang liit ng putotoy mo eh," nagpipigil ng galit na saad ni Keeran. "Hahaha!" Hindi na talaga niya napigilang tumawa. "Señiorito sa bibig mo na po mismo nang galing na maliit ang butotay este putotoy mo pala." Mabilis siyang kumaripas ng takbo palabas ng banyo nang makita niyang hahablotin siya ni Keeran. Tumatawa, humihingal na bumaba siya sa matarik na hagdan. Nakasalubong niya si Nana Belinda may dala itong mga sariwang gulay papunta sa kusina. "Nana Belinda aalis po muna ako. Pupunta po ako saglit sa bahay pipinawin ko po ang aking mga sinampay at magbabayad din po ako ng kuryente at tubig." "Sige, Iha, pasasamahan kita kay Mang Bernie para may service ka at hindi ka mapagod sa paglalakad." "Sige, po Nana aalis na po ako nang hindi po ako tanghaliin." Nginitian niya si Nana Belinda bago niya ito tinalikuran. Paglabas niya sa main door ng mansion nakita niya ka-agad si Mang Bernie ang driver nakatayo ito sa gilid ng black SUV. "Good morning po! Señiorita." Magalang na pagbati sa kaniya ng matanda bago siya nito ipinagbukas ng pinto. Sitting pretty siyang na upo sa back seat. Umaapaw sa kasiyahan ang puso niya ngayon dahil feeling niya isa talaga siyang prinsesa. Tapos nang magbihis si Keeran kakain na sana ito ng breakfast kaya lang mainit pa ang kape at nilagang saging. Binitbiy nito ang food tray papunta sa kusina. "Kate! Mi amore na saan ka?! Pumunta ka dito sa kusina ipagluto mo ako ng masarap na almusal." Pa-sigaw na tawag nito sa pilyang dalaga. "Señiorito umalis po si Kate kasama si Bernie magbabayad po sila ng tubig at ilaw sa bayan." Napasimangot si Keeran nang marinig nito ang sinabi ni Nana Belinda lalong nasira ang araw nito. "Sige, po Nana paki-sabi kay Mang Kiko ipagluto ako ng baboy na may sabaw at fried rice. Pagkaluto dalahin po sa living room doon ako kakain." Matamlay na pumunta ito sa sala. Bad mood ito ngayon dahil hindi nito nakikita si Kate at hindi nito naamoy ang natural pero mabangong aroma ng dalaga. "Kiko ipagluto mo ng piniritong baboy at sabaw si señiorito Keeran samahan mo rin ng masarap na fried rice. Bilisan mo magluto Kiko dahil kailangan makakain ng breakfast si señiorito bago s'ya pumunta sa tubohan." "Leave it to me Nana Belinda lulutoan ko si señiorito ng malutong, masarap na pork chops at malinam-nam na sabaw." Excited na nagluto si Mang Kiko. Pagkatapos nito magluto inayos nito ng pagkaka-plating ang mga pagkain bago nito dinala kay Keeran. Kumunot ang makinis na noo ni Keeran ng makita nito ang pork chops at corn soup na niluto ni Mang Kiko. Amoy pa lang ng sabaw hindi na nito gusto dahil may masarap, mabangong amoy na hinahanap ang ilong nito. "Mang Kiko pork sinigang po ang pinaluluto ko hindi po piniritong baboy. Magluto ka ulit Mang Kiko at itong niluto mong pagkain kainin mo na lang po." "Okay, po Señiorito salamat and you're yummy, hot pork sinigang is coming up." Confident na bumalik si Mang Kiko sa kusina at masaya itong nagluto ng sinigang. Si Mang Kiko ang cook sa Mansion bata pa lang si Keeran ay ito na talaga ang tagaluto. Kaya naman confident ito na magugustohan ni Keeran ang niluto nitong pagkain. Sumisipol na inihain ni Mang Kiko sa harapan ni Keeran ang masarap, mainit, umuusok na sinigang. Excited na humigop ng sabaw ang binata. Napangiwi ito ng malasahan nito na sobrang asim ng sabaw halos hindi na malasahan ang linam-nam ng karne. "Mang Kiko magluto ka po ulit ng sinigang iyong tama sa lasa, tama sa asim in short masarap iyong tipong bibilis ang t***k ng puso ko maamoy ko pa lang ang sabaw." "Eh, señiorito ito na po ang pinaka the best na luto ko ng pork sinigang saka señiorito paborito mo ito di ba. Nakakadalawang mangkok ka nga po ng sinigang dati eh," pangangatwiran ni Mang Kiko. "Noon po Mang Kiko paborito ko ang sinigang mo. Pero ngayon may kakaibang lasa po akong hinahanap. Sige, na Mang Kiko ipakain mo sa labandera itong sinigang na niluto mo at sabihan mo po ang mga kasambahay na lutoan ako ng masarap na sinigang. Dahil kung sino man ang makapagluto ng masarap na sinigang dodoblehin ko ang sahod at bibigyan ko agad ng 13th month pay." "Sige, ho, señiorito." Kumakamot sa ulo na bumalik sa kusina si Mang Kiko. Na abutan nito na kumakain ng almusal ang labandera, hardinero, at si Nana Belinda. "Nana Belinda palagay ko po ay may sakit si Señiorito Keeran dahil wala po siyang panlasa. Lahat ng niluto ko ay ayaw niyang kainin. May hinahanap daw pong kakaibang lasa si Señiorito para po siyang naglilihi. Nana Belinda tawagan na natin si Doktora Lozano para mabigyan niya ng tamang gamot si Señiorito Keeran." Nag-aalala, naluluhang saad ni Mang Kiko. "Naku! Kiko tumigil ka nga sa kadramahan mo. Nag-aalburuto at nag-iinarte si Señiorito Keeran dahil baka talaga namang hindi masarap ang luto mo. Tumabi ka nga riyan sa stove at ako ang magluluto." Kumuha si Nana Belinda ng pinalambot na karne sa kaserola iniluto nito iyon nang maayos na may katamtamang timpla. Pagkatapos ni Nana Belinda magluto inilagay nito ang sinigang sa silver bowl na paborito ni Keeran. "Mang Kiko panuorin mo kung paano ubusin ni señiorito Keeran itong sinigang na niluto ko." Buong pagmamalaki na wika ni Nana Belinda. Dahil curious si Mang Kiko kung kakainin nga ba ni Keeran ang sinigang kaya sumama ito sa living room. Lalong nalukot ang mukha ni Keeran nang makita nito at malasahan nito ang nilutong sinigang ni Nana Belinda. Malabnaw ang sabaw ng sinigang at sobrang tabang kulang sa sampalok at asin. "Nana Belinda na busog na po ako katitikim ng mga niluto ninyo ni Mang Kiko. Ayaw ko na pong kumain dalahin mo na po sa kusina itong niluto mong sinigang." "Pero señiorito Keeran wala ka pa pong kinakain baka po himatayin ka sa gutom kapag pumunta ka sa tubohan na hindi pa kumakain." Si Kate na kadarating lang galing sa bayan ay narinig ang sinabi ni Nana Belinda. Kaya naman tumakbo ito papasok sa loob ng mansion upang tingnan kung ano'ng kagulohan ang nangyayari sa loob. "Nana Belinda may problema po ba? Bakit po nagtatalo kayo? Rinig na rinig po ang boses ninyo sa garahi." "Eh, kasi Señiorita Kate itong si Señiorito Keeran ayaw kumain lahat ng niluto naming sinigang pinababalik niya sa kusina." "Ahh... ganu'n po ba? Nag-aalburuto at nag-iinarte na naman itong isip bata na Señiorito natin. Madali lang ang sulosyon diyan ang kailangan ni Señiorito Keeran ay lambing-sol at sinigang-pirin. Niluto kong sinigang na may kasamang lambing at halik." Natatawa, tumataas ang kilay na saad ni Kate. Nakita niya ang pagngisi ni Keeran at kinikilig na nilapitan siya nito. "Ang galing mo talaga mi amore na hulaan mo agad ang gamot sa sakit ko. Tayo na sa kusina ipagluto mo na ako ng almusal kanina pa ako nagugutom eh." "Tseee...! Inirapan niya si Keeran at nagpatiuna siyang pumunta sa kusina. Tumatawang sinundan siya ni Keeran. Umupo ito sa antigong bangko at nakangiti na pinanuod siya nito magluto. Pan cake at guisadong pancit ang niluto niya ipinagtimpla rin niya ng black coffee si Keeran. "Señiorito Keeran kumain ka na po. Ay oo, nga pala muntik ko nang makalimutan kailangan nga pala na suboan kita." Hahawakan na sana niya ang tinidor pero pinigilan ni Keeran ang kamay niya. "Kate huwag mo na akong suboan dahil ikaw naman ang susuboan ko at hindi ka pwedeng tumanggi dahil oras na hindi ka ngumanga ikaw ang kakainin ko." Kinilabotan siya sa sinabi ni Keeran kaya ura-uradang ngumanga siya agad. Tumatawa naman na sinubuan siya ng binata at pinagtaasan siya nito ng kilay. Na para bang sinasabi nito na Kate masarap ba kumain kapag sinusuboan kita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD