Handa nang pumunta sa tubohan si Keeran busog na siya at nakapaglambing na siya kay Kate. Pasakay na sana siya sa owner pero hindi natuloy dahil biglang tumunog ang cellphone niya na nakasuksok sa bulsa ng pantalon.
"Hello?"
"Hello Kee kumusta na?" Masiglang tanong sa kaniya ni Ace sa kabilang linya.
"Ito masaya, malakas, at lalong guma-gwapo." Pa-bibong sagot niya sa tanong nito.
"Hahaha! Kahit kailan talaga Keeran ang yabang mo." Tumatawa at napapa-iling na saad ni Ace.
"Hindi ako mayabang Ace nagsasabi lang ako ng totoo at saka may karapatan akong magyabang dahil ako si Keeran Salvador ang nag-iisang tagapagmana ng Hacienda Salvador!" Ipinagdiinan niya ang kaniyang apelyedo.
"Oo, na! Oo, na! Huwag mo ng ipagsigawan iyang apelyedo mo. Ang tanong makapagyabang ka pa kaya next week kapag dumating na riyan sa Hacienda si Michelle."
"What?! What do you mean na pupunta dito sa Hacienda si Michelle?" Kunot noo na tanong niya sa madaldal niyang kaibigan.
"Yes! Tama ang narinig mo pupunta riyan sa Hacienda Salvador si Michelle kaya habang maaga pa kumilos ka na pakasalan mo na si Kate upang hindi mawala sayo ang Hacienda. Tandaan mo Keeran nakasalalay sa kamay ni Kate ang iyong kapalaran kung magiging bilyonaryo ka ba habang buhay o magiging simpleng magsasaka ka na lang."
"Oo, hindi ko nakakalimutan na si Kate ang susi sa pagyaman ko." Pinindot niya ang end call at nagmamadali siyang bumalik sa loob ng mansion.
Pinuntahan niya si Kate sa kwarto naabutan niya itong nakahiga sa kama nagpapa-antok.
"Mi amore pwedeng bang sumama ka sa akin sa opisina may ipapakita ako sayong importanteng bagay at gusto ko rin na mag-usap tayo nang maayos."
Inaantok na tinititigan siya ni Kate sa mukha. "Keeran okay, ka lang ba? Bakit mukha kang natatae? Huwag mong sabihin sa akin na pumunta ka dito sa kwarto ko para lang sabihin sa akin na ipakikita mo sa akin ang tubol mo. Naku! Keeran umayos ka dahil kapag ginawa mo 'yon ibabaon talaga kita ng buhay sa lupa."
"Seryuso ako mi amore kailangan nating mag-usap nang maayos kaya pwede bang tumayo ka diyan.''
"Ayaw ko nga bumangon inaantok ako eh, at saka pwede naman tayong mag-usap habang nakahiga sa kama." Nakapikit, naghihikab na wika ni Kate.
"Mi amore seryuso ka ba na dito na lang tayo sa loob ng kwarto mo mag-uusap habang nakahiga?" Inulit niya ang sinabi ni Kate dahil baka na bibigla lang ito.
"Oo, nga! Ang kulit mo kailangan ko pa ba talagang isigaw? Na mag-uusap tayo habang nakahiga sa kama!"
"Mi amore your wish is granted." Nakangisi na dumapa siya sa malambot na katawan ni Kate at sumobsob s'ya sa mabango, maputi nitong leeg.
"Ahhh...! Keeran bwisit ka talaga! Ang sabi ko mag-uusap tayo habang nakahiga ako sa kama hindi ko sinabing dag-anan mo ako!" Nag-aalburuto, galit na galit na saad ni Kate. Gusto siya nitong kalmutin kaya lang hinawakan niya ang dalawa nitong kamay kaya hindi ito makagalaw.
"Mi amore napakalinaw ng sinabi mo mag-uusap tayo habang nakahiga sa kama. Tinanong pa nga kita di ba ang sagot mo oo. Oh, kaya ito na sinunod ko agad ang gusto mo nagrereklamo ka pa."
"Keeran na mis-interpret mo ang sinabi ko. Ahhh! Dios Marimar, Keeran huwag mong hipan at dilaan ang leeg ko dahil nakikiliti ako. Please.... lang umalis ka na diyan sa ibabaw ng katawan ko magkaka-ihi na ako sa sobrang kiliti at galit!" Nakapikit, umiiling na saad ni Kate kumikiwal ang katawan nito tuwing dadampian niya ng halik ang maputi nitong leeg.
"Okay, I will let you go mi amore if you promised me na you will marry me next week."
"What?!" Nabingi si Kate sa sinabi niya at tumigil ito sa pagpadyak.
"Hahaha really?! Gusto mong pakasalan kita next week? Nababaliw ka na ba talaga Keeran? Oh, talagang baliw ka na?! Dahil unang-una ginawa mo akong katulong, pangalawa tinadtad mo ng chikinini ang leeg ko, at ang masaklap sa lahat gusto mong pakasalan kita!" Napa-iyak na si Kate sa sobrang galit. Pulang-pula na ang mukha nito kasisigaw.
"Sagutin mo lang ako ng oo, Kate pakakawalan kita." Kalmadong saad n'ya hindi niya pinansin ang paghuhurimentado ng dalaga. Patuloy niyang hinahalikan ang leeg nito kahit na naririnig niya ang paghikbi nito.
"Ano'ng kapalit kapag pinakasalan kita?" Sumisigok na tanong nito sa kan'ya.
"Ikaw ang magiging Doña dito sa Mansion at binibigyan na kita nang karapatan na paki-alaman ang buhay ko. Plus mapupunta sayo ang 50% na kita nitong Hacienda monthly kung papayag ka na bigyan ako ng anak."
"Hahaha! Ang lupit mo Keeran lahat ng condition na binanggit mo sayo mapupunta ang benefits. Eh, ako ano'ng makukuha ko wala? Baka nga mahawa pa ako sa kabaliwan mo eh." Sumisigok na saad ni Kate hindi nito matanggap na pakakasalan siya nito.
"Mi amore someday maiintindihan mo rin kung bakit ginagawa ko sayo ang mga bagay na ito. Pero sa ngayon hahayaan muna kitang umiyak dahil ang cute ng ilong mo. Pulang-pula parang aratiles ang sarap pisain."
"Bwisit ka talaga Keeran! Nakakainis ka talaga nagluluksa ako ngayon dahil mawawala na ang kalayaan at v-card ko. Pero ikaw pinagtatawanan mo lang ako. Tuwang-tuwa ka pa talaga na makita akong umiiyak."
"Sorry na mi amore oh, huwag ka nang umiyak. Sige, ka kapag hindi ka tumigil sa pag-iyak hindi ako aalis dito sa ibabaw ng katawan mo."
"Go ahead Keeran gawin mo lahat ng gusto mong gawin hindi na kita pipigilan. Dahil kahit sumigaw ako nang ayaw ko hindi ka nakikinig. Gusto mong matulog sa ibabaw ng katawan ko buong magdamag. Oh, e di sige, patigasan tayong dalawa." Palaban na wika ni Kate inis na inis ito sa kan'ya, kung nakakamatay nga lang ang matalim nitong tingin siguro kanina pa siya namatay.
Hindi siya nakatiis bumaba siya sa kama binuhat niya si Kate. Ipinasok niya ito sa loob ng owner ipapasyal niya ito sa buong Hacienda.
"Keeran saan tayo pupunta? Sa simbahan ba magpapakasal na ba tayo ngayon?"
"Hahaha! Akala ko ba Kate ayaw mong magpakasal sa akin? Eh, bakit ngayon parang atat na atat ka."
"Hindi ako excited tinatanong ko lang para naman makapag-hanap na ako nang substitute bride na papalit sa pwesto ko." Nakasimangot na saad ni Kate at inirapan s'ya nito.
"Kate I know what I did is wrong. But I won't say sorry dahil gusto ko talaga na pakasalan ka at kung ibang babae lang din naman ang magiging bride ko hinding-hindi ako papasok sa loob ng simbahan. Dahil ikaw lang talaga Kate ang babae na gusto kong pakasalan wala ng iba pa."
Alam niyang hindi naniniwala si Kate sa mga sinasabi niya. Pero wala s'yang paki-alam ang importante na sabi niya dito ang kaniyang nararamdaman.