Hindi agad nawala ang takot ni Selena. Kahit sinasabi niyang “Okay na ako,” kahit pinipilit niyang ngumiti habang kumakain ng breakfast, may maliit na pagbabago sa kilos niya na hindi kayang lokohin ang mata ko. Mas madalas siyang tumingin sa bintana. Mas madalas niyang hawakan ang cellphone niya. Mas madalas siyang mapatingin sa pinto, para bang anytime may sisilip na multo. At ako? Ako naman, mas tahimik kaysa dati. Mas maingat. Mas alerto. Hindi dahil gusto kong magmukhang “cool” o “mysterious,” kundi dahil alam ko ang pattern. Kapag may nagsimulang magbanta at tumakbo, hindi ibig sabihin tapos na. Ibig sabihin… naghahanap na sila ng bagong paraan. At mas delikado ang bagong paraan, kasi natuto na sila. “Kuya,” sabi ni Selena habang naglalagay ng ketchup sa itlog niya, “may mes

