Huminga ako. “May progress.” Si Lola lumapit, boses mahina. “Anong sabi ng pulis?” Tumingin ako sa kanila, at pinili ko ang tamang klase ng katotohanan. Yung hindi magpapanic kay Selena, pero hindi rin magsisinungaling kay Lola. “Lo,” sabi ko, “hindi na lang ito tungkol sa school. May ibang taong nakatingin sa atin. Pero police are working.” Lola’s eyes widened. “Ibig sabihin may babalik?” “Possible,” sagot ko. Si Selena biglang namutla. “Kuya… bakit? Anong ginawa natin?” “Wala kang ginawa,” sagot ko agad. “At wala ring kasalanan si Lola.” Selena’s lips trembled. “So bakit tayo?” Hindi ko pa rin kayang sabihin lahat. Hindi ko pa kayang ilapag ang buong past ko sa mesa, lalo na’t hindi pa stable si Selena. Pero kailangan nilang maramdaman na may kontrol kami, kahit konti. “Basta,”

