Chapter two

1502 Words
Chapter two Apple's INAANTOK na si Apple dahil hindi pa rin tapos ang ate niya sa pag titirintas ng buhok niya. Kanina pa niya gustong lumabas at makipaglaro kaso iniipitan pa siya ng kapatid. Ayaw talaga nito sa tuwing naka sabog lang ang mahaba niyang buhok na may pagka kulot. Naging goal na ata nito sa buhay ang maipitan siya. At sa batang isip niya ay nababagot siya dahil sa matagal na pagkakaupo. "Matagal pa?" Humikab siya ng ilang ulit at saka nangalumbaba sa lamesa. Kating-kati na siyang mag laro. Siguro ay nagkakasiyahan na yung mga kaibigan niya sa labas habang siya ay nandito at naka upo pa din. ''Relax, Apple. Hindi naman mawawala iyang mga kalaro mo. Dapat ay maayos at malinis ka kapag nakikipag laro ka sa ibang bata para hindi ka nila pandirihan." Malamyos na pangaral nito kagaya ng kay mommy. Marami silang pagkakapareho. Pero pareho ko silang mahal ng sobra. "Naliligo naman ako, ah!" Manilis kong apela dahil sa sinabi nito. "Si Larx nga yung hindi naliligo. Sabi niya tinatakadan niya lagi yung yaya niya para hindi siya mapaliguan." "Bawal ang madungis. Hindi ka na nila friend kapag madumi ka." "Hindi naman ako madungis, ah!" "Mamaya lang kapag nasa kalagitnaan ka na ng paglalaro ay saka ka naman mag dudungis. Kapag pinag pawisan ka sasabog ang buhok mo at didikit sa pawisan mong katawan at leeg. Pwede ka ding magka allergy." "Eh, tayo na nga lang mag laro. Ang arte naman pala kapag iba ang kalaro mo. Laro na lang tayong dalawa ng nahay-bahayan." "I still have a lot of homeworks to do kaya hindi puwede. Magpasama ka kay yaya kung lalabas ka at huwag mo taguan si yaya. Pagagalitan siya ni daddy kapag nawala ka. Kawawa naman siya." "I won't. I'm not a baby anymore." "Kahit na. Wala pati sila mom at dad ngayon, nasa clinic sila kaya ako muna ang responsible sa iyo."     "I want to be responsible too. Para hindi na sabihin nila Mommy na ikaw lang ang responsible. Pero paano ba iyon, ate?" Matagal na siyang nagtataka kung ano talaga ang ibig sabihin ng salitang iyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang idea. "Ahmm... I don't know how to explain this to you, Siguro maging behave ka lang kapag nakikita mo si Dash o kaya kapag nandito siya, lagi na lang kasi kayong nag aaway at hindi maganda iyon. You should think first before you move. Pangit na umaakto kang spoiled brat kapag may iba, naiintindihan mo ba si Ate? Ganuon ang pagiging responsible. Be responsible with your own action." "Medyo lang po." "Lola Grace called awhile ago, pupunta daw sila dito ni lolo. Ano daw gusto mo palang pasalubong?" "Chocolate." Walang has akindangan kong sagot sa tanong nito. "No, stop ka muna sa chocolates. Hindi mawawala ang baby fats mo kung panay chocolates ka na lang. How 'bout fruits?" "Eh, ate ang dami mo namang alam." "Kasi nga ako ang ate." "Sige na nga." "Oh, ayan, done na yang hair mo. Huwag kang lalayo masyado huh? At kapag pinauwi na ulit kita huwag mo na akong pag tataguan, understand?" "Okay." Patakbo niyang tinungo ang gate at saka lumabas. Naabutan pa niyang naglalaro sila Lexie at ang kakambal nito na si Larx ng patintero kasama sila Micro at Tiffy na pawang mga anak ng mga bestfriend ni Daddy. Ahead ng isang taon ang kambal at si Micro sa kanila ni Tiffy. Grade one pa lang sila habang grade two na ang mga ito. "Sali ako!" "Wala ka ng kakampi. Hanap ka muna, Apple." Ani ni Micro. "Ngek! Saan naman ako hahanap?" Napa nguso ako ng walang mamataang available na kakampi sa mga kaibigang naglalaro na. "Try mo sa puno." Pilosopong sabi ni Larx na ikinatawa nila. Inambahan ko ng kamaon si Larx at saka naiinis na namewang. "I don't like. Iba na lang laruin natin para hindi ko na kailangang maghanap." "Yayain mo yung son ni uncle Recka, Apple." "Ikaw na lang Lexie." Nakataas ang kilay na sagot ko sa suhestiyon nito. Bakit ko aayain iyon? Hindi naman natatahimik ang buhay ko kapag nasa paligid si Dash. Palagi na lang itong nang-aaway. Tapos pagdating sa ate niya parang tuta sa bait. "Ang gwapo niya nuh? Sabi ni Dad sa school din daw natin siya mag ta-transfer." "Mas gwapo pa din naman ako dun Lexie." "Micro, ang yabang mo. Mas guwapo si kuya Dash. Marmaing nagkakagusto sa kaniya. Pero si ate Grapes lang ata gusto niya." Napataas lalo ang kilay ko sa sinabi ni Lexie. "Hindi gusto ng ate ko si Dash. Friends lang sila." "Talaga? Bakit ba natin pinag-uusapan sila? Mag isip na lang tayo ng lalaruin!" "Inggit si Lexie..." Tudyo ni Larx dito bigla. "Pogi kasi ni kuya Dash." Napangiwi ako lalo. "Naku, maputi lang masyado iyon kaya mukhang gwapo. Mas gwapo pa nga si Larx, eh." Ani niya. Wala sa loob na naibulalas niya kahit hindi naman totoo dahil sadyang kakaiba ang taglay na kagwapuhan ni Dash. "You're right, Apple. Napaka honest mo talaga. That's why I like you." Inakbayan pa siya ni Larx at saka tila nagyayabang na tinaas ang kamay. "You must be blind, Apple." "And you must be blind too to have a crush with that boy. He is so old na kaya." "Eight is not that old." "Sinabi mo, eh." Napakamot na lang siya sa pisngi at saka naka pamewang na tiningnan ang bahay nila Dashile na tatlong kabahayan lang naman ang pagitan mula sa kanila. Namataan niya itong naka tayo sa harap ng bintana ng kuwarto siguro nito. Nang mapansin nito na dito siya nakatingin ay kinawayan siya ng lalaki. Pero itinaas lang niya ang kamao niya at saka inambahan ito. Ngiting-ngiti naman si Dash sa kaniya. "He's so cute talaga." Lexie said afterwards. Maagang natapos ang paglalato nila kasi puto daldal lang si Lexie. Umuwi na lang tuloy siya sa bahay ng dumating nag sasakyan nila lolo at lola. Ilang minuto ng naka tunghay lang si Apple sa kapatid na si Grapes na kasalukuyang busy naman sa pag susulat ng kung ano sa notebook nito. Ilang hours na din ang nakalipas pero wala pa din sila Mommy at Dad. Kanina pa nga dumating sila Lolo at Lola na may dalang mga prutas at isang bar ng chocolate sa kanya. Mukhang hindi pa rin natiis ng ate niya na hindi ipabili ang gusto niya. She's so glad to have a sister like her. "Hindi ka ba maglalaro, Apple?" puna ng ate niya sa kanya ngunit sa ginagawa pa rin nito naka tingin. "No, ayoko na." "Bakit?" "I'm tired na." "Agad?" "Yeah." Napa sulyap sa kanya ang kapatid at saka napa ngiti. "By the way, Dash is coming over. Okay lang ba kung hindi mo siya aawayin?" May pakiusap sa tinig nito. "Sure. Basta hindi niya ako aasarin." "Promise?" "Opo." "Good." Tuwang tuwa na pinisil-pisil ng ate niya ang pisngi niya. Maya-maya pa ay namataan na niya ang papasok na bulto ng lalaki mula sa gate. Nasa garden sila ng ate niya kaya duon na ito dumiretso. Naupo din ito sa tabi niya habang todo ngisi. Na lalong nagpa inis sa kaniya kahit iyon pa lang ang ginagawa nito. "Ate! Si Dashile!" Naiiritang sumbong niya sa kapatid. Agad namang lumayo sa akin ito ng pagsabihan ni Grapes. Lumipat s akanilang sofa si Dash at saka sumulyap sulyap sa akin maging kay Grapes. "Alam mo ikaw lang ang kilala kong may crush sa akin pero sinusungitan at inaambahan ako palagi ng kamao." "Quiet! Ate Grapes is busy, kaya wag kang maingay." Ayokong maistorbo masyado ang kapatid para matapos na nito kaagad ang mga assignments. Gusto niyang makalaro ito mamaya. "Cute mo talaga," Ginulo pa ni Dash ang buhok niya at saka mabilisang pinisil ang pisngi. "Pero mas cute ang ate mo." Naka ngising pahabol nito. "Dash..." Nananaway at may pag babanta na sabi ng ate niya sa lalaki. "Oh, sorry, my princess." "Princess mo your face." Bulong niya sa hangin. Pero ang kurimaw na ito narinig pa. "I'm her Prince and she's my Princess kaya tama lang naman na tawagin ko siyang my Princess, di ba? Eh, ikaw sinong prince mo? Frog prince siguro marami sa backyard niyo." Napa kunot noo siya at saka kunwari ay wala na lang narinig na kinutkot ang kuko niya. Pero deep inside ay patuloy sa pag gana ang brain cells niya. Crush siguro ni Dashile ang ate niya talaga. Kung ganon ay mukang malaking problema iyon. Pero responsible naman siya at marami pang boys bukod sa lalaking ito. Hahanap na lang siya ng kagaya ng daddy niya na hindi nang aasar ng girls. Yung kasing guwapo din nito at yung tatawagin din siyang Princess. Pero ayaw niya ng frog prince! Nakaka diri talaga ang lalaking ito. Mas bagay dito maging frog, tapos ipapahabol ko siya sa mga dogs ni daddy. Napa ngiti ako sa naisip. Pero natigilan din ng samahan na ni Dash sa table si ate Grapes. They are having their own conversation. Lalong nag kutkot ang batang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD