Chapter one

1712 Words
Chapter one Apple's Naka simangot  na pinasadahan ng tingin ni Apple ang buong paligid ng bahay nila bago naiiritang nilapitan ang mga magulang niya na kasalukuyang may kausap na lalaki sa sala. Mukhang kaibigan din iyon ng mga magulang pero bakit ngayon lang niya nakita ito? Ang alam lang niya na kaibigan ng parents niya ay sila uncle Spike, Seven, Blasty, Juan, Matteo and then yung the rest na. Napakamot siya sa ulo na hindi pa nasusuklayan at nakasabog pa dahil bagong gising lang siya sunod naman niyang kinamot ang braso niya na nasusuotan pa ng pajama. It's already eight in the morning pero kagigising lang niya. Their parents allowed them to sleep till they want kapag weekends dahil wala namang pasok sa school. Nang makita siya ng ina ay agad siyang pinaupo sa tabi nito at saka tinapik ang kamay niya na ginagamit niya pang kamot. Sinimangutan lang niya ito at saka umunan sa hita nito. Ang sarap sa pakiramdam ng malambot at makinis na balat ni mommy sa pisngi niya. Tila siya idinuduyan niyon na mas lalo pang matulog. "Oh, by the way, ito yung bunso namin pare." Pakilala sa kanya ng ama sa kausap nito. Nag wave lang siya ng kamay bago pumikit muli dahil si mommy na ang kusang nag taas alng kamay ko ng hindi konagad iyon itinaas. "Hi, Apple. I'm uncle Recka, your Mom and Dad's friend. Nice to meet you." Hindi na niya nakita ang reaksiyon ng mukha ng kausap dahil nakapikit siya pero dahil magalang siya sumagot din siya ng bati dito. "Nice to meet you too, uncle Recka." "She looks adorable, mabuti naman at si Phannie na ang naging kamukha ng pangalawa ninyo, pare. Pero mas lady like si Grapes. Mabuti ka pa nakaka dalawang babae na l. Kami ni Graciella ay gustong-gusto din magkaroon ng babae ngunit hindi pa yata talaga para sa amin iyon. However, having Dashiele with us feels like we already have one. Look at his hair. He doesn't want to cut it clean and short. Mas mahaba pa ang buhok yata sa normal na babae." "Mas makulit din itong batang ito. Nung kaedaran niya si Grapes ay makikita mong responsible na talaga siya. And kung pagpapalain kayo, siguro naman ay babae na din iyon this time." Narinig niyang sinabi ng ina sa kausap. Ano kaya yung responsible? Bakit ang ate niya ay responsible tapos siya makulit lang? Lalo akong napa nguso sa isipin. Bakit kasi panay nakikinig pa ako sa mga ito samantalang kaysarap ng pwesto niya para matulog. "Eh, si Dashile kamusta naman? I heard na mas nauna pa palang ipinanganak si Dash kaysa kay Grapes. Ano bang kuwento ninyo ni Graciella? Bigla na lang kasi siyang nawala nung college tayo." Her father asked in a very curious way. Sinilip ko ang amang si Gareth sa siwang ng mga mata ko at saka ngumiti ng masilayan ang mukha nito. Sinadya kong ipatong sa ama ang hita ko habang sa hita ng ina naman naka unan. Natawa ako ng tapikin lang nito ang hita ko at saka iyon yakapin pang lalo. "Her parents hide her condition from anyone at saka siya itinago sa ibang bansa. Iba rin ang ipinalabas ng parents ni Graciella sa akin kung bakit nawala na lang ito bigla. I was too hurt that time to realize na hinding-hindi magagawa ni Graciella na ipag palit ako sa iba." Natigilan sandali si Gareth at saka marahang napa buntong hininga. "It must be so hard for the both of you." "Sinabi mo pa, pare. Napaka complicated ng naging buhay ko after college, I struggled to be a top caliber lawyer sa kadahilanang gusto kong maipakita sa parents ni Graciella at maging ni Graciella na hindi na ako yung mahirap na lalaking inayawan nila. But I was wrong, dahil ng makita ako ni Graciella ay puno ito ng galit sa akin at binaliktad niya ang eksplinasyon na ibinigay sa akin ng pamilya niya. Duon namin nalaman na pareho lang kaming nabuhay na may maling paniniwala." "What about Dashiele? How old is he already by that time?" "He was already four when I met him, Phannie. But thanks heaven dahil tinanggap pa din niya ako sa buhay niya. I asked Graciella to marry me afterwards. Kaya ngayon ay heto, happily married na ako. And Dash is already eight." "And thanks heaven dahil dito mo rin sa subdivision na ito napiling mag stay for good. Alam mo bang si Spike lang ang nagbalitang lumipat na kayo dito? Kung hindi madaldal ang isang iyon ay wala akong kaalam-alam. We missed tou here, brod." "Sorry dude. I just wanted to surprise you all. Pero masyadong madaldal si Spike at ipinamalita na kaagad." Natatawang sabi nito. "I'm so happy for you, Recka." Madamdamin namang saad ni Phannie dito. "Thanks, Phannie and Gareth. I'm also happy for you. Tingnan mo naman at kung anong buhay ang mayroon ka na ngayon. And look at your daughters, they are really beautiful. Kailan lang ay maliit na bata pa lmang si Grapes at nagkakaayos pa lang kayong dalawa. After your marriage, umalis na ako at nangibang bansa." "And I will be glad kung isa sa mga ito ang matitipuhan ng anak mo, brod." Biglang natawa yung tatlo sa sinabi ng daddy niya. Nang magmulat siya ng mata ay ang mukha ni uncle Recka ang namulatan niya. Nakatingin ito sa sliding door na papunta sa garden  habang naka ngiti. Naupo ako ng maayos at saka sinundan ng tingin ang tinitingnan nito at bigla siyang napatayo ng wala sa oras sa nakita. Imposible. Anong ginagawa ng angel na iyon sa garden nila habang nakikipag ngitian sa ate niya? Napa sulyap siya sa daddy niya at kinunutan ito ng noon sa paraang sinasabi na , 'who is that boy and why is he smiling like that to ate?!' Tila nakakaintindi namang inayos ng ama ang buhok niya at nginitian. "That is Dashiel, your uncle Recka's son. Please be nice with him. He's just new and looking for a new friend." Pero hidni siya natuwa sa narinig. Lalo siyang napa simangot. "May problema ba, Apple?" Kuryoso nitong tanong dahil hindi pa din maganda ang timpla ng mukha niya. "What are they doing? Why is he smiling at ate like that?" Inginuso niya yung anghel na nakita niya sa park kahapon. "Your ate is just showing our garden to her new friend." "Does he like ate?" Patukoy niya sa anak ng kaibigan nito na titig na titig kay ate Grapes habang nagsasalita. "Why don't you see it for yourself and ask him?" Nanunudyong sabi ni Gareth na tila hinahamon pa siya. "Crush niya siguro ang ate." "I'm not sure." "I don't like him for her." May pinal sa tono ng boses na sabi niya sa ama. Napa ngisi naman si Gareth sa nakikita sa bunso kaya lalo pa niyang ginatungan iyon. "Oh really? You know, I think Dashiele really like your ate Grapes." "That won't happen, daddy. Because he is for me!" Tila huminto ang oras para sa tatlo at sabay-sabay na napamulagat sa kanya. Pero imbes na pansinin pa ang matatandang ito ay tinakbo na niya ang garden palabas kahit naka paa lang siya at hindi pa nag to-tooth brush ng ngipin. Paglapit ni Apple sa dalawa na tila siyang-siya sa pagkukwentuhan ay napa tingin sa kanya ang ate niya at saka ngumiti ng makita ang hitsura niya siguro. "Come here, baby. You should change your clothes muna dapat before ka lumabas." At saka pa siya hinalikan sa pisngi nito. Pero ang atensyon niya habang ginagawa iyon ng ate niya ay nasa batang mala anghel lang ang mukha. "I don't like." Pabalabag na sagot niya sa kapatid at saka sumandal dito pagkaupo sa katabing upuan. "You don't? Sige ka, mapapangitan si Dashiele sa iyon. Oh, Dash, this is our baby, Apple. And baby, this is Dash, uncle Recka's son. Be nice to him, okay?" "Mas maganda ka Grapes kaysa sa baby niyo." Naka ngising puna sa kanila ng lalaking mala anghel at Dashile pala ang pangalan pero mapang lait. "H-huh? Of course not. Apple will be more beautiful than me someday. You should see her playing a piano and you will be amaze by her talent." Pagmamalaki ng ate niya kay Dash s atalent ko mag piano. "But I rather want to see you playing violin than her." "Grapes is more talented." Tila hindi napapansin ng ate niya na pinaparingan siya ni Dash. Mayabang talaga. "But you are more beautiful than her." Dahil hindi talaga paawat sa kaka pares sa kanila ng ate niya ang lalaking ito ay kinuha niya ang hawak nitong tablet na gadget at saka iyon ibinato sa damuhan. Gulat naman na napatingin sa kanya ang ate niya at saka siya kinabig palapit dito at humingi ng dispensa kay Dash dahil sa ginawa niya. "It's okay, Grapes. Hobby na talaga ng kapatid mo na ibato ang mga gamit ko mapa libro man. Don't worry I'm not mad." At saka ito ngumiti ng bang tamis kay ate. "Don't talk to him again ate Grapes. Promise me." Naka labing sabi niya dito. "B-but baby, wala namang ginagawang mali si Dash. And I told you to be nice, kaya huwag mo ng ulitin iyon. That's bad, nakakahiya kay Dash." Pero hindi pa din siya tumigil kakakakulit dito hangga't hindi ito nangangaki. "Promise me!" "No, dahil ikaw ang may ginawang mali at hindi siya." Matiim na sagot nito sa akin na tila hindi na natutuwa sa ikinikilos niya. "Ate!" "She's just jealous, Grapes." Naka ngising sabi ni Dash sa kapatid niya. Naningkit naman ang mga mata niya sa gustong sabihin nito. "H-huh?" Tila nalito bigla si Grapes sa tinuran ni Dash. "Crush niya kasi ako sabi niya kahapon." Ang ate naman niya ang napangiti sa narinig. "Wow, may crush na pala ang baby namin." Imbes na sumagot ay inambahan lang niya ng kamao niya si Dash at saka patakbong bumalik ulit sa kabahayan. Hinarang siya ng mommy niya at saka binuhat. Nag paalam ito sa dalawa na papakainin lang daw siya dahil mukang nalipasan daw siya ng gutom. Pagkatapos ay nagtawanan pa sila. Ano bang nakakatawa dun? Gutom naman talaga siya. "I like her for my son, pare." Hindi siya sigurado pero mukhang si ate Grapes ang tinutukoy nito. Sumimangot akong lalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD