Continuation#2

560 Words
Continuation... Nagsimula na siyang magbigay ng problem sa white board. Bumalik ang kaba sakin. Paano pagna-zero ako? Ang hirap pa naman ng lessons niya ngayon. Nakakahiya! He gave us a minute to answer all the given problems. Pinagpapawisan ako habang sinasagutan ang bawat item. Shocks! Ngayon palang alam kong bokya na ako. "I need volunteers to answer the five item assessment." anunsiyo niya matapos ang binigay na oras Nakita ko ang pagtayo ni Ara, willingly to answer the numerical problems. Well, she's genius. "Anybody else?" tanong ni sir Liam nang makitang wala nang iba pang tumayo maliban kay Ara. His eyes pierced after noticing that no one's willing to volunteer. Natapos nang sumagot si Ara ay wala pa ding tumatayo. "Madali akong kausap." He started mentioning names. Pinigilan ko ang aking tawa nang marinig ang pangalan ng aking tatlong kaibigan. Buti nalang hindi na-mention ang name ko this time. Taranta silang lahat sa pagsagot, nag-agawan pa sa markers. Paano ba naman, nasa likuran lang nila si sir at binubulyawan sila sa bawat maling sagot. "Miss Nikki Juarez, what's with the negative sign!?" Nakita kong parang naiiyak na si Nikki. Matapos nilang sagutin ang bawat item sa whiteboard ay bumalik na sila sa kani-kanilang upuan. Ibinigay sa akin ni Ara ang sinagutan kong papel at ibinalik ko din yung sa kanya. As expected, she got the perfect score, while me? Ofcourse I got zero. Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. "Pass your papers forward." At syempre, dahil ako nasa pinakagitna sa harap, nasa akin lahat ng papers. Tatayo na sana ako para ibigay sa kanya pero siya na mismo ang lumapit. I handed it to him. Nagkatinginan kami saglit at agad din akong nag-iwas pagkatapos. "Now that I have your papers, I will announce your scores." I heard many complains. Tahimik lang ako pero sa loob-loob ko, sana huwag nalang! Nakakahiya ang score ko! Ngayon lang ako nabokya! He started announcing each of our scores. Pokerface siya habang nagsasalita. "Miss Ara Agustin got the perfect score of five. Very good." I saw how Ara blushed after that. Pinuri siya ng mga mga kaklase ko. More names and scores was mentioned. May scores na four, three, two, pero wala pang zero. Naku, mukhang ako lang pala ang zero dito. Sooobrang nakakahiya! "Miss Nikki Juarez got zero." Napahinga ako ng maluwag. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Prof Liam. "Ba't may zero pa dito!? Sing laki ba ng monggo ang utak mo?" "Pano ang hirap po kasi sir-" "Anong mahirap na part dito!? Ang sabihin mo, hindi ka nakikinig sa klase ko!" bulyaw ni sir "H-Hindi naman po sa ganun sir..." pagdadahilan niya "Anyway, paano ka nga naman matututo kung palagi kang tulog sa klase ko?" sir Liam taunted Pumula ang pisngi ng kawawa kong kaibigan nang malamang nabisto siya ni sir. Dagdag pa na pinagtawanan siya ng mga kaklase ko. Bigla akong kinabahan. My goodness, baka ako naman mamaya ang ipahiya niya. "Miss Becky Guerrero got..." napatigil siya. Kumunot ang noo niya at napatingin sakin. Bumilis ang aking paghinga. He sighed as he look at me. "You better do well next time Becky. Are we clear?" he said in soft tone Wala sa sariling napatango ako. "Y-yes sir." Tumaas ang sulok ng labi niya at nagpatuloy sa ginagawa. "Tch... Palibhasa kasi favorite student." dinig kong bulong sa likuran. [To be continue]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD