Continuation #1

564 Words
Continuation... "Kanino galing yan?" tanong ng katabi kong si Ara, my nerd classmate. May hawak siyang makapal na libro at napansin siguro nito ang rosas na nakapatong sa mesa ko. "Ewan ko, hindi ko alam." Saktong nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang lunch time. Unti-unting nagsisipasukan ang mga estudyante sa loob ng classroom. Nakita ko ang pagpasok ng tatlo kong kaibigan. They immediately caught the sight of what I'm holding. "OMG! Saan nanaman galing ito friend!?" si Althea at inagaw sa akin ang hawak na bulaklak. I shrugged "Sa dami ba naman ng admirers nitong si Becky, malalaman pa kaya?" kontra ni Nicole "Kainggit! Sana ako din." nakangusong saad ni Nikki kaya napailing na lamang ako. "What's that? Another flower from an admirer?" lapit ni Jeffrey samin I sighed. Kailan kaya ako titigilan ng mga 'to? "Di ba isa ka na don?" Nikki fired at him kaya napakamot ito sa batok. Napangiti na lamang ako When I got home after school, agad akong dumiretso sa aking kwarto upang makapagbihis. I ate dinner with mom and dad. Pagkatapos non ay dumiretso akong study room. Kinatok lamang ako ni mommy nang makitang wala pa ako sa aking kwarto. "Hindi ka pa ba tapos diyan anak? Malapit nang mag-twelve." "Patapos na ako ma." "Sige, basta matulog ka na after niyan, ha?" "Yes ma" Hayys... ba't ba naman kasi ang hirap ng calculus? Sure pa naman akong magbibigay ng assessment si Sir Liam bukas. Pag nagkataon, tigok ako. Kinabukasan, back to school ang buhay ko. Minsan, nakakatamad pumasok sa skwela pero kailangan. Ba't ba kasi ang tagal ng weekend? "Becky, try this" Lumapit ako sa kanilang tatlo. "What's that ba?" "Liptint" ngisi nila "May lipgloss ako dito" ako "Pero iba pag liptint! Try mo naman girl." giit ni Althea Tumango si Nicole bilang pagsang-ayon. "Atsaka, fav. color mo yan Beck, rosy pink." Nikki added I chuckled "Talaga ba? Sige nga, try ko." Si Thea na mismo ang naglagay nun sa lips ko. I pressed my lips together after that to spread the tint. "Okay lang ba?" tanong ko sa kanila Ngumiti sila. Nagthumbs up pa si Nicole sakin, "Bagay sayo, it suits your skin color." Habang papalapit ang period ng calculus ay kinakabahan ako, walang pumapasok sa utak ko. Ang mga kaklase ko, todo review sa mga notes nila. Nang dumating si sir Liam ay natahimik ang lahat. We greeted him a good morning and he nodded coldly. Sinuyod niya kami ng tingin at natigil sa akin ang mga mata niya. I saw how his eyes landed on my lips. Kumunot ang noo niya. I heard his frustrated sigh. "Starting from now on, I don't wanna see you girls wearing cosmetics." Narinig ko ang pag-angal ng nakararami. "If you have any problem with that, you can honestly tell me. Madali lang naman hanapin ang pangalan niyo sa records ko." Natahimik silang lahat "Ang babata niyo pa puro na kayo porma at paganda. Especially you Miss Guererro!" Napaangat ako ng tingin sa kanya. Ako nanaman? "Ngayon lang naman ako nakapag liptint sir ah?" angal ko "I don't like it" malamig niyang tugon Tch. It's not like I needed your opinion. "I'll be distracted." dagdag niya Narinig ko ang munting singhap ng aking mga kaklase. Napakurap ako ng ilang beses. Nakita ko ang pamumula ng taenga ni sir Liam. "A-Anyways, let's start our short assessment." [To be continue]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD