CIARA'S POV
"OKAY NA po ba ang lahat?"
I asked one of our cooks in our house dahil kakatapos lang namin mag-prepare ng breakfast. Hindi ko kasi sure kung kumpleto na ang mga pagkain na kailangan naming i-prepare.
Gumising talaga ako nang maaga para ipaghanda ng almusal sina mom and dad, maaga kasi lagi ang pasok nila sa work kaya kailangan kong unahan ang gising nila. Wala na kasi kaming family bonding kaya na-miss kong kumain ng almusal kasama sila. Hindi naman siguro masamang humingi ng atensyon sa mga magulang kahit malaki na ako, 'di ba?
In fact, I am sad. I am really sad. Sa sobrang busy kasi ng parents ko, minsan, hindi na nila magawang mag-almusal dahil mas maaga pa sila kung magising sa mga kasambahay namin. So I decided to wake up early as much as they do.
And yes, it is just five in the morning right now. I woke up at three in the morning.
I felt sorry for our maids. Gising ko pa kasi iyong tatlong cook namin para tulungan akong mag-prepare ng breakfast. Mostly, ako lahat ang nagluto. They just helped me slice the bacon, hotdog, tocino, fruits, and everything we need for breakfast.
Hindi naman ako kagalingan sa pagluluto. I even watched some tutorials on youtube para lang matuto ako. Hindi naman kasi ako naturuan magluto o gumawa ng gawaing bahay. Dahil bukod sa may mga maids kami, wala namang time sa akin ang parents ko para turuan akong maluto. Sa academics nga and schooling, hindi nila ako maturuan. Sa pagluluto pa kaya?
But I do understand that. Siguro kasi masyado nilang ginagawa ang best nila para maging lawyer at para makatulong sa mga tao. I support them because I know that their job was not that easy.
"Opo, ma'am. Okay na po ang lahat."
Ngumiti ako nang matamis nang sabihin iyon sa akin ng pinaka-head ng cook namin. Pumalakpak pa ako na para bang isang batang tuwang-tuwa dahil nanalo sa palaruan.
Inilapag na namin sa long table ang iba't ibang putahe na niluto namin at hinintay roon ang pagbaba ng mga magulang ko galing sa kanilang kwarto.
"Ayan na sila, hija," saad ni Yaya Miling, ang siyang nagpalaki at gumabay sa akin habang wala ang mga magulang ko.
Bata pa lang ako ay siya na ang kasa-kasama ko kaya sobrang lapit ng loob ko kay Yaya Miling, para sa akin, siya na ang second mom ko. Mas maalaga pa nga siya kumpara kay mommy, mas may oras siya sa akin at mas proud siya sa mga achievements ko. Kaya nga, mahal na mahal ko si Yaya Miling dahil hindi naman siya umaalis sa tabi ko.
Napuno ng excitement ang puso ko nang marinig ang footstep nila mom and dad pababa ng hagdan. Inayos ko rin ang pagkakaupo ko upang makita nila na maaga akong nagising.
Mukha namang nagtagumpay iyon dahil nagulat si mommy nang makita ako.
"Oh, sweety. Ang aga mong magising."
Napatingin ako sa hitsura ni mom, nakaligo na siya, nakabihis na rin siya ng formal suit niya, hawak na rin niya ang hand bag niya at ilang mga folders na hindi niya hinahayaang wala sa tabi niya. Nang sulyapan ko ang daddy ay ganoon din. Bagaman magkaiba sila ng hitsura, si daddy nakaayos na ang buhok samantalang ang mommy naman ay parang hindi pa nagsusuklay. Wala rin siyang make up sa kaniyang mukha at kita ko na agad ang pagmamadali sa kanila.
Huminga ako nang malalim. Umaasang sasabayan nila ako sa pagkain. So I managed to smile.
"Let's eat, mom, dad. I prepared all of this—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang magsalita ang mommy.
"I'm sorry, sweetheart. Kailangan na naming umalis ng daddy mo. Don't worry, babawi kami sa iyo," saad ni mommy.
Bigla ay nataranta ako. What? Ibih sabihin, hindi sila kakain? Hindi sila magbi-breakfast?
"M-Mom, saglit lang 'to." Mabilis akong tumayo upang ako na mismo ang maghanda ng kanilang upuan. Ako na ang bahala na mag-prepare ng food sa plates nila.
I was about to do that but I stopped when I heard daddy's voice.
"Let's go, hon. We are going to be late," anyaya naman ng daddy sa mommy.
Sa sobrang pagmamadali ng mommy at daddy ay hindi na nila tinapunan maski isang sulyap lang ang mga pagkaing hinanda ko. Nagpaalam sila sa akin gamit ang kaway at hindi man lang nag-abalang bigyan ako ng halik sa aking pisngi gaya ng ginagawa nila sa akin noong bata ako.
Sabagay, bata pa ako noon. Malaki na ako ngayon. Baka iniisip ng mga magulang ko na magiging awkward na para sa akin ang ganoon… which is hindi. Dahil isa iyon sa hinahanap-hanap ko sa kanila ngayon.
Wala na akong nagawa kundi ang habulin na lang ng tingin ang parents ko na naglalakad palayo sa akin. Hanggang sa hindi na sila makita ng mga mata ko dahil nakasarado na ang malaki naming pinto.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Lahat ng efforts ko, nabasura nang ganoon ganoon lang at hindi ko matanggap iyon. I mean, I am their daughter, right? Pero bakit hindi ko ramdam iyon? Bakit pakiramdam ko, katulad lang din ako ng mga kasambahay namin na kayang-kaya nilang lampasan ng paglalakad nang hindi man lang nagpapaalam nang maayos? Hindi ko ba deserve ng atensyon nila?
I wanted to burst out crying but I managed not to. Pilit kong isinasaksak sa isip ko na hindi na ako bata para umatungal sa atensyon nila, hindi na ako bata para manghingi ng oras nila, hindi na ako bata para magpapansin pa sa kanila. Oo, hindi na nga ako bata pero bakit hinahanap ko pa rin ang kalinga nila?
"Hija…"
Ang kaninang luha na pinipigilan ko pa lang ay agad umagos na parang gripo nang marinig ko ang simpatya sa boses ni Yaya Miling. At hindi lang iyon, naramdaman ko na may kasama ako nang hawakan niya ang magkabila kong balikat mula sa aking likuran. Nagpapahiwatig na kahit wala ang mga magulang ko, nandito naman siya sa tabi ko.
Nasasaktan ako. Nag-iisa na nga lang nila akong anak, hindi pa nila ako mabigyan ng atensyon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-isip na baka kaya lang nila ako binuhay dahil wala na silang choice… na nabuhay lang ako hindi dahil gusto nila kundi dahil nandyan na at wala na silang magagawa pa. Hindi ko maiwasang hindi isipin na display lang naman ako sa pamilya na ito… if this is what they called a family. I am so sick of this.
I did everything to give me at least one chance to be their daughter but they did not. I did everything for them to notice me but they chose not to give me a single glance. I am so tired. I am so sick of this kind of family. I just want to ignore them but how could I do that if I love them even if they are hurting me?
Humarap ako kay Yaya Miling at niyakap siya nang mahigpit saka roon umiyak nang umiyak sa balikat niya. I did not say any words. Umiyak lang ako at alam kong naiintindihan na niya ako kahit hindi ko sabihin kung ano ang laman ng isipan ko.
Lagi na lang ganito. Lagi na lang akong naiiwan. Lagi na lang nila akong hindi pinapansin.
They were so strict. Lalo na sa paghahanap ng boyfriend. Lalo na sa pakikipagkaibigan ko sa mga lalaki. Ayaw na ayaw nila na nagkakaroon ako ng social life kapag may mga lalaking kasama. They don't trust me.
Kaya nga heto, hanggang ngayon, mag-isa pa rin ako. I am already twenty four pero ganito pa rin ako umakto. I should not worry anymore since they don't want me to care for them. I should live with it, right?
Lagi na lang ganito ang nangyayari. Simula noong bata ako, wala yata akong natatandaan na binigyan nila ako ng oras. Kahit day off nila, pumapasok sila sa trabaho o hindi naman kaya, nagkukulong sila sa kanilang opisina rito sa bahay para gumawa ulit ng mga paper works. Minsan, kapag day off, umaalis sila dahil kailangan nila iyon for investigation.
Inintindi ko iyon. Dahil mula noong bata ako, lagi sa akin pinaiintindi ni Yaya Miling na ginagawa ng parents ko ang lahat to give me a better future which is totoo naman. I am a successful business owner right now. Nakapagtapos ako sa magandang paaralan at nakukuha ko ang lahat ng gusto kong makuha. Nabibili ko ang lahat ng gusto kong bilhin. Napupuntahan ko ang lahat ng gusto kong puntahan. Pero iyong love and care ng magulang pa sa anak? Hindi ko iyon makuha-kuha.
Kung nabibili lang ang atensyon nila mommy at daddy, mag-iipon ako. Kahit isang araw lang, maramdaman ko na family kami… na may mga magulang ako.
Naaalala ko pa nga noon, na I even begged for their time. Pero hindi nila binigay. Binigyan lang nila ako ng laruan to calm me down at payagan sila na umalis dahil kailangan nilang mag-work. Bata pa lang ako noon pero kailangan ko nang intindihin na hindi sa akin ang oras at atensyon nila kundi sa trabaho. Kailangan ko nang intindihin iyon dahil kahit naman hindi ko intindihin, wala naman akong magagawa.
Nagpaalam na lang ako kay Yaya Miling na tutungo na lang sa kwarto ko para magpahinga. Sana pala tinulog ko na lang ang mga oras na nag-aabala akong maghanda ng almusal. Sana pala, iyong oras na ginugol ko sa panonood sa youtube ng mga cooking tutorials and cooking show, tinulog ko na lang. Edi sana, nananaginip pa ako nang maganda. Sana nanaginip pa ako na may pamilya ako… kahit sa panaginip lang.
Bumalik ako ng kwarto ng laylay ang balikat. Alas sais na ng umaga, sumisilay na paunti-unti ang haring araw. Gusto kong matulog kahit hindi naman ako inaantok. Pero hindi ko kayang gawin kasi mabigat ang loob ko. Ayokong itulog iyong sama ng loob ko dahil sigurado akong kapag ginawa ko iyon, tatagal ang sama ng loob sa dibdib ko. Ayaw ko namang mabuhay nang ganoon.
I wanted to talk to my friends. Pero masyado pang maaga. Alam kong naghihilik pa sa sarap ng tulog si Suzy samantalang hindi pa naman kami okay ni Therese. Alam kong nagtatampo pa siya sa amin. Hindi ko naman ma-explain ang side namin ni Suzy dahil she cutted off her connection with us. Hanggang ngayon ay hindi pa namin siya ma-contact.
We tried to reach her sa kaniyang boutique pero lagi naman siyang wala roon.
Hihiga na sana ako upang i-relax ang isip ko nang mapagtanto na kahapon pala ang unang araw ng misyon ni Therese at wala kami para ihatid siya roon sa Batangas Port nang patago.
Yes, patago. Dahil hindi naman alam ng buong kapulisan na alam namin ang misyon niya. Iyon kasing misyon na iyon ay hindi pinaaalam sa madla dahil sa banta ng panganib para kay Therese. Ang alam namin ni Suzy, saka lang naman sasabihin iyon kapag natapos na ang misyon at napagtagumpayan iyon. Pero kung hindi, mananatiling sikreto ang pagpunta niya ng Dumaguete upang dakpin ang bunsong Sacueza.
Mabilis kong kinuha ang phone ko. Tatawagan ko na sana si Therese pero agad na nahinto sa pag-dial ang mga kamay ko dahil pinag-iisipan ko kung dapat ko na ba siyang tawagan sa ganito kaagang oras. Baka kasi makaabala ako. Baka kasi hindi pa siya gising.
Pero gusto ko siyang tawagan dahil bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Kinabahan ako na para bang gusto kong maiyak. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang pakiramdam na ito pero alam kong may hindi tamang nangyayari ngayon kay Therese. Siguro nga, masyado nang malalim ang pinagsamahan naming tatlo nila Suzy dahil nararamdaman na namin kung may nangyaring masama ba sa isa sa amin. At sa lahat ng kutob namin, hindi pa iyon pumapalya.
I remember then, Therese and I were in the classroom and we were waiting for Suzy to arrive, that was a few hours ago so we were worried and we both felt that something bad had happened, just a few minutes later, the parents of Suzy immediately called us to say that Suzy had an accident. So we immediately asked our Professor's permission to skip class.
At kaya hindi ko pwedeng balewalain ang nararamdaman kong kaba ngayon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama upang tawagan si Suzy ngunit mayamaya lang, nagulat ako nang biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Open this door, b***h! Nawawala si Therese!"
And there, I heard the loud voice of Suzy to confirmed that my instinct was true.