THERESE'S POV
"Papa! Mama! Save me!" I was screaming and begging but no one could hear me. Umiyak ako nang umiyak dahil ang sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit sumakit nang ganito ang katawan ko. Bigla na lang akong nagising na hindi ako makatayo, hindi ko magalaw ang mga kamay ko, hindi ko maipadyak ang mga paa ko, hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. At ang masaklap pa, hindi ko marinig ang sarili kong boses sa tuwing sumisigaw ako.
O… sumisigaw ba talaga ako?
Inipon ko ang buo kong lakas upang bumangon ngunit hindi ko magawa. Para bang may lubid na nakagapos sa buong kong katawan dahilan upang hindi ko magawa ang gumalaw.
"Papa!"
I was so scared. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong sumisigaw ako pero bakit hindi nila ako marinig? Kitang-kita ko sina papa at mama na kumakain sa aming malaking dining table. Masaya silang nag-uusap. Samantalang ako? Narito lang, nakahiga sa hindi ko malaman kung saan. Para akong nakakulong. Para silang nagbibingi-bingihan. Pero alam kong totoong hindi nila ako naririnig.
Nasaan ako? Bakit hindi nila ako magawang lingunin? Nasaan sila?
"Mama! Papa!
Bigla ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib hanggang sa para akong sinasakal. Hindi ako mahinga. Nahihirapan akong huminga.
Gusto kong i-unat ang kamay ko upang humingi ng tulong pero hindi ko magawa.
Unti-unti ay nahirapan akong huminga hanggang sa ramdam kong hinahabol ko na ito. Mayamaya lang ay nagulat ako dahil naramdaman kong basang-basa ang katawan ko. Para akong naulanan. Para akong nalunod.
"Papa! Papa!"
"PAPA!"
Malakas na kumabog ang puso ko nang maidilat nang tuluyan ang mga mata ko. Habol ang hininga nang bigla akong bumangon. Doon ay naramdaman ko ang sakit ng katawan ko na hindi ko alam kung paanong nangyari.
Nananaginip ako. Ang sama ng paninginip ko.
Tiningnan ko ang buong katawan ko at pinakiramdaman. Hindi ako basang-basa tulad sa panaginip ko. Hindi rin naman ako parang nalulunod. Hindi rin ako nakagapos. At isa pa… hindi naman kasama ng papa si mama.
Lumungkot ang puso ko nang dahil doon. Ngunit agad na nawala ang lungkot ko dahil napalitan ito ng kaba.
Tumingin ako sa buong paligid. Nasa isang papag ako nakaupo ngayon dahil kababangong ko lang galing sa pagkakahiga. Ang mga dingding ay yari sa pinagtagpi-tagping kahoy at plywood. Ang iba pa'y gawa sa dahon ng abaniko. Lalo na ang bubong. Pakiramdam ko ngayon, narito ako sa isang maliit at gawa sa kahoy na kubo.
Nasaan ako?
Nang magtanong ako sa sariling alaala ay nanakit ang ulo ko. Doon ay napagtanto ko kung ano ang nangyari sa akin bago ako magising ngayon. Ang naaalala ko ay nasa barko ako para sa isang misyon, hindi ko nakakalimutan iyon. Sinimulan kong alalahanin ang mga maganap sa akin dahilan upang lalong sumakit ang sentido ko ngunit wala akong pakialam. Kailangan kong malaman kung nasaan ako, ano ang nangyari sa akin at kung paano ako napadpad sa lugar na ito.
Mayamaya lang, nalaman ko na kung ano ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay. Isang matigas na bagay ang humpas sa akin na naging dahilan upang hindi ko na malaman ang mga sumunod na nangyari. Kung ano iyon ay hindi ko alam. Dahil noong oras na iyon, wala na akong kamalay-malay sa paligid. Ang nais ko lang ay lumangoy patungo sa direksyon ni Lucas.
Tangina, si Lucas!
Bigla ay nakaramdam ako ng pangamba, hindi lang iyon, nataranta rin ako dahil hindi ko na nalaman pa ang sunod na ng nangyari nang mahampas sa akin ang matigas na bagay na iyon. Hindi ko nga alam kung humampas ba sa akin iyon o sadyang nahulog lang mula sa papalubog na barko. Wala naman na akong pakialam doon dahil ang mahalaga sa akin ay buhay ako. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay siguraduhing buhay din ang mga kasamahan ko. Pero paano ko gagawin iyon kung hindi ko alam kung paano kikilos sa kabila ng masakit kong katawan?
Sinubukan kong ilaylay ang dalawa kong binti sa gilid ng kama upang doon umpisahan ang maglakad ngunit hindi ko pa man nagagawa iyon ay sumakit na nang sumakit ang katawan ko.
"Aray! Pucha!" daing ko dahil hindi ako sanay nang ganito. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sumakit iyon nang magsalita ako nang marahas. Doon ko lang napansin na may tela pa lang nakakulob sa ulo ko. Ngayon ko lang napansin kung kailan nahawakan ko na.
Siguro dahil ito sa matigas na bagay na tumama sa ulo ko bago ako mawalan ng malay. Mas lalo tuloy sumakit ang katawan ko dahil nalaman kong may tama ang ulo ko.
Sumasakit din naman ang katawan ko kapag hindi ako sanay sa tini-train sa akin ni papa pero hindi ganito kalala iyong sa akin. Tolerable naman siya at kayang-kaya kong galawin. Ano ba kasi ang nangyari sa akin pagkatapos ko mawalan ng ulirat? Bakit naman halos patayin na ako sa sakit nitong katawan ko?
Teka. Ako lang ba mag-isa dito? Bigla akong napaisip. Imposible namang makarating ako rito nang walang nagbubuhat sa akin? Imposible naman na lakarin ko ito mula sa dagat, eh, wala nga akong malay. Isa pa, iba na ang suot kong damit. Siguro, ilang mga residente ang nakakita sa akin na lumulutang? Pasalamat na lang talaga ako at nabuhay pa ako sa tindi ng sinapit ko.
"Tao po?" tawag ko sa mga posibleng tao na kumupkop sa akin. Kailangan ko silang pasalamatan. Kailangan ko rin humingi ng tulong upang makabalik sa Manila. Kailangan kong sabihin kay papa kung ano ang nangyari. Baka hinahanap na nila ako ngayon. Baka nag-aalala na sa akin si papa.
"Tao po? May tao po ba riyan? Naririnig ninyo ho ba ako?" Hindi ko gaanong nilakasan ang boses ko ngunit alam kong sapat na iyon para marinig ng mga tao dito sa kubo. Sa palagay ko naman ay hindi masyadong malaki ang kubo na ito dahilan upang hindi ako marinig ng mga taong nakatira dito.
Kaya naghintay pa ako. Baka kasi may ginagawa pa sila kaya hindi pa nila ako mapuntahan. Baka nagiging masyado na akong sagabal sa kanila. Pero ilang minuto na ang nakakaraan, wala pa ring sumasagot sa akin kaya nagsimula na akong mainip.
Hindi ba nila ako naririnig? Masyado bang mahina ang boses ko?
"Tao po!" Bahagya ko itong nilakasan. Mas malakas nang doble kumpara kanina. Pero wala pa ring dumarating. Nagsimula akong mainis.
Pasensya naman kung maikli ang pasensya ko, 'di ba? Yes, I am grateful that they helped me pero bakit naman nila ako iniwanan nang basta rito? Hindi ba nila alam na mas malaki ang isusukli ko sa kanila kung inalagaan nila ako nang mabuti at hindi ganito na pinabayaan lang ako?
Nakaramdam ako ng stress. Lalong sumakit ang ulo ko.
Inipon ko ang natitirang lakas sa akin at parang gusto kong sumigaw. Huminga ako nang malalim at bumwelo nang matindi.
"Hello po! May tao po ba diyan! Medyo nakakaasar na po, ah!"
"Ikaw pa may ganang maasar?"
"Ay palaka!"
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses nang marinig ko iyon. Nagulat ako pero agad din akong nakabawi. Mabilis lang namang magbago ang expressjon ko. Nagulat na ako, iyon na iyon. Inis kong tiningnan ang lalaki na nanggulat sa akin. Pwede namang hindi manggulat. Bakit kailangan pa akong gulatin? Nakakaasar, ah.
Pinakatitigan ko siya dahil parang pamilyar ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung isa ba siya sa mga sundalong kasama ko sa barko o isang lalaki na nakausap ko lang noon. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita o nakausap pero pakiramdam ko, kilala ko siya.
"Kailangan magulat?"
"Kailangan maasar?"
Napapikit ako sa inis nang gayahin niya ang tono ng pananalita ko. Tiningnan ko siya nang masama at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Napalunok ako nang mapagtantong wala siyang suot na saplot pang-itaas. Ang tanging suot niya ay isang itim na pantalon na halos makita na ang puson niya dahil sa sobrang baba niyon. Hindi ko alam kung sinadya niyang ibaba ang pantalon nang ganoon kababa na nakikita na ang suot niyang panloob pero mukha namang hindi.
Malaki ang kaniyang katawan. Pero hindi naman sobrang laki. Sapat na para malaman ko na siya iyong lalaking kayang-kayang ipagtanggol ang isang babae sa sampung lalaking magtatangkang gawan ng masama ito. Malaki rin ang dibdib nito, talo pa si Ciara na flat chested dahil para itong wrestler. Ganoon din ang perpekto nitong abs na para bang nakangiti sa akin at nang-aakit ma hawakan ko iyon.
Hindi maputi ang kulay ng balat niya. Tama lang para sa isang pilipinong katulad niya. Bagaman pantay ang kulay nito, may mga kulay itim na pumapatong sa magandang kulay ng balat nito. At iyon ang iba't ibang tattoo sa iba't ibang parte ng katawan nito. Mukha siyang adik sa kanto na anumang oras ay pwede nang matokhang.
Pero hindi ko maitatangging malabo siyang matokhang dahil mukha siyang mayaman na tao. Gwapo ang hitsura nito, bagay na bagay pa ang hikaw nito sa kilay at ilong. Hindi ito maruming tingnan. Bagkus, nagmukha pa ngang cool ang lalaki sa ganoong porma.
"Drooling over me?"
Napaigtad ako nang marinig siya nagsalita. Para bang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig dahil bigla akong natauhan. f**k. Gaano na ba katagal akong nakatitig sa kaniya? Talaga bang nakatitig ako sa katawan niya? Seryoso ba ako rito? Ginawa ko ba talaga iyon?
Hindi ko matanggap na nagawa kong pagpantasyahan ang katawan ng lalaking ngayon ko lang naman nakita pero pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha. Teka, sino ba siya?
"Asa!" umirap ako pagkakuwan. "Sino ka ba?" lakas-loob kong tanong.
Wala na akong pakialam kung ano ang isipin niya. Kung isipin man niya na interesado ako sa kaniya, wala na akong pakialam. Half true naman iyon dahil curious ako kung bakit pamilyar sa akin ang mukha niya.
"Hindi mo ako kilala?"
Napairap ulit ako sa tanong niya. "Tatanungin ko ba kung kilala kita?"
Ngumisi siya matapos kong sabihin iyon. Doon ko nakita na maganda ang pantay niyang ngipin, maputi iyon at halatang alagang-alaga. Sigurado ba siyang dito siya nakatira sa kubo na ito? Baka naman nagpapanggap lang siyang mahirap pero ang totoo, anak talaga ng mafia boss?
Kidding aside, nagagaya ko lang iyan sa sinasabi ni Suzy dahil mahilig siyang manood ng mga drama sa telebisyon. O hindi naman kaya, sa mga korean drama na kinaaadikan nilang dalawa ni Ciara.
"Hinahanap mo ako, 'di ba?"
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niyang iyon. Hinahanap? Siya? Hahanapin ko? Bakit naman? Para saan? Masyado siyang feeling, ha. Ito ang first meet namin, bakit ko naman siya hahanapin kung hindi ko naman siya kilala?
Atsaka, para lang sa kaalaman niya, isang tao lang naman ang hinahanap ko ngayon. At iyon ay ang lalaking nasa misyon ko.
Si Ross Mclin Sacueza— ang anak ng— what the f**k!
Tumingin ako nang may nanlalaking mata sa lalaking nasa harao ko ngayon. Malayo-layo ang distansya niya sa akin mula sa kinauupuan kong higaan ngayon tungo sa pinto kung saan siya naroon. Ngunit sigurado ako sa nakikita ko. Hindi ako maaaring magkamali. Bagaman hindi ko pa siya nakakaharap nang personal ngayon, alam kong siya ang lalaking nakikita ko noon sa litrato at video. Alam kong siya ang lalaking rason kung bakit ako narito. Alam kong siya ang lalaking kailangan kong mahanap dahil nasa kaniyang kamay ang gantimpala ko.
At oo, nasa harapan ko ngayon ang lalaking hinahanap ko.
"You mean…" napanganga ako. Hindi ko matuloy ang dapat sana'y sasabihin ko.
Nang makita niya ang gulat sa mata ko ay ngumisi siya na para bang nahuhulaan na kung ano ang nasa isip ko. Pagkakuwa'y tumango siya ng isang beses... na siyang kumukumpirma ng magulo kong isip.
"Yes. I am the youngest son of Henry. I am Ross Sacueza."