CHAPTER 13

1588 Words
SUZETTE'S POV           OH MY FCKING GOSH! What the hell happened to our Therese? Bakit hanggang ngayon, hindi pa siya nakikita? Bakit hanggang ngayon, hindi pa natatagpuan ang katawan niya… or worst… ang labi niya. Oh My God! This is really insane! Hindi ko matanggap na hanggang ngayon, wala pa ring balita sa pagkawala ng matalik naming kaibigan.  It has been three day since we heard that Therese was missing and until now, there was no information we get from the authorities. Kahit ang papa niya na nasa mataas na posisyon ng pulisya ay walang ideya sa kung nasaan ang anak niya. Maging ito ay nag-aalala. Duh? Sino bang hindi mag-aalala? That was Therese's father. Normal lang naman na mag-alala ang isang magulang sa isang anak na nawawala. Kahit nga hindi nawawala, hindi maiwasang hindi mag-alala ng mga magulang. Heto pa kayang hindi namin alam kung nasaang lupalop ng mundo ngayon si Therese. Maski ako ay nag-aalala. Kanina pa nga umiiyak si Ciara sa tabi ko at medyo naririndi na ang tainga ko sa kaniya pero dapat, maganda pa rin ako. Pinatatag ko ang sariling kagandahan para hindi masira sa mga atungal ni Ciara. Gets ko naman na nag-aalala siya. Ako rin naman. Pero hindi naman namin mababalik si Therese kapag umiyak kami ng dugo. O kahit ilang balde pa ng luha ang ibuhos namin, hindi namin makikita si Therese kung hindi mata ang gagamitin namin bilang panghanap, hindi pang-iyak. But deep inside, I am scared. Hindi lang talaga pwede na dalawa kaming umiiyak ngayon ni Ciara. Hindi pwedeng wala ni isa sa amin ang matatag. Ciara has the purest heart. Siya kasi ang parang bunso sa aming tatlo kahit na buwan lang naman ang pagitan ng mga edad namin. Still, tinuturing pa rin namin siya na pinakabata. Siya kasi ang iyakin sa amin, bagaman likas na maldita, sa loob-loob, siya ang pinakamapagmahal. Kaya nga madali siyang masaktan. She is so sensitive. Kaunting bagay na masabi sa kaniya, umiiyak siya. Pero hindi sumasama ang loob niya. Kapag tinapakan mo siya, siya pa ang magso-sorry dahil paharang-harang siya sa daan. Ganoon siya kabait. Hindi nga lang minsan applicable ang pagiging mabait niya lalo na sa lalaki. Minsan, nagtataray din talaga siya. Sa aming tatlo naman, ako ang pinakamaganda at pinaka-hot. Kaya nga sa aming tatlo, ako ang laging may lovelife. Pero kidding aside, sa aming tatlo, ako ang pinaka-neutral. Minsan, pinakabungangera rin. At pinakamaarte. Like, eww, I hate gulay, I hate kanin na malamig. Ano nga ulit tawag doon? Bahaw? Yes. Like that. Ayoko rin ng fried rice kasi nalipasan na iyon. Gusto ko sa kanin, laging bagong luto. Sa ulam, hindi ako kumaian ng mga ininit na, hindi tulad ni Therese na hangga't hindi pa raw panis, pwede pang kainin. Hindi rin ako kumakain ng mga kanin na nasa gilid ng rice cooker nakadikit. Ako ang kumukuha ng pagkain ko. Hindi ko inaasa sa mga maids.  Bukod kasi sa nababawasan ang mga gawain nila, gusto kong nakikita ko kung paanong hinahawakan ang mga kutsara, tinidor, plato at baso. Kaya ako na lang ang gumagawa dahil mas safe iyon sa kamay ko. It is not that I do not trust our maids. Siyempre, bago naman sila nakapasok sa bahay ay trained naman talaga sila. Hindi sila iyong kinuha lang basta-basta, sa company talaga sila galing kaya subok na ang galing nila pero kasi, dahil aminado naman akong maarte ako, hindi ako basta-basta kumakain ng mga hinain lang ng ibang tao. Pwera na lang sa mga restaurant and cafe. Doon talaga kami sa kilala namin kung paano magtrabaho. Hindi kami basta-basta kumakain sa restaurant na bago sa paningin namin. Though, sometimes, kailangan kong lunukin ang kaartehan ko kasi hindi naman lahat ng restaurant na pupuntahan namin, subok na. Iyong iba, bigla na lang kaming napadpad doon and I have no choice but to eat their offered food dahil gutom na rin ako. Tolerable naman ang kaartehan ko. Depende sa topak ko. At least, aminado naman ako, 'di ba? Huminga ako nang malalim. Kakatwang na-divert ko ang isip ko sa pag-aalala kay Therese. Medyo magaling ako sa part na iyon. Tiningnan ko si Ciara na hanggang ngayon ay nakasubsob ang mukha sa dalawa niyang palad habang umiiyak. "Aren't you done yet?" I asked. Mukha lang akong nagtatanong na galit pero sa loob-loob ko, nag-aalala rin naman ako kay Ciara. Baka kasi kung mapaano siya kakaiyak. May isang oras na yata siyang umaatungal. Pero hindi naman as in atungal iyon, tahimik naman siya umiyak pero maririnig pa rin ang mga hikbi niya. "I just miss our Therese. Hindi pa tayo okay na tatlo, 'di ba?" And that hit me really hard. Nakatanggap ako ng message galing kay Therese. Nagpaalam siya sa akin na aalis na siya papunta sa misyon niya pero wala naman siyang sinabing okay na kami. Tinanong ko siya, nag-reply ako. But I received no response from her. Hindi ko alam kung galit pa ba siya sa akin o hindi na. I felt sorry for Ciara kasi nadamay pa siya sa amin. Aaminin ko namang kasalanan ko. It was not supposed to be a surprise. Hindi ko naman talaga intensyon na itago kay Therese iyon. Hindi dapat iyon surprise. Hindi ko lang talaga maintindihan kay Nathan kung bakit kailangan niya akong ipakilala bilang girlfriend sa mga magulang niya sa harap pa ni Therese… na walang ideya na sinagot ko na siya. I already talked to him, gave him a heads up para hindi muna sabihin kay Therese na kami na. Alam ko naman kasing mag-oover react na naman si Therese kaya gusto kong idahan-dahan muna. Concern lang sa akin ang kaibigan ko kaya naiintindihan ko kung bakit sobra niya ako kung ingatan. Sabi ko nga, 'di ba? Ako ang pinakamaganda sa amin kaya ako ang laging may lovelife. Iyon nga lang, ako rin ang laging nasasaktan kapag usaping pampuso na. Ilang beses na rin akong nasaktan. At mas na-trauma pa sa akin si Therese kaysa sa sarili ko. Mas siya ang ayaw na akong mag-boyfriend hangga't maaari. Pero mapipigilan ko bang hindi makilaglandian? Siyempre, hindi. Hindi yata ako mabubuhay nang walang boyfriend. I need someone who can love me as much as my best friends love me. "Tumigil ka na sa pag-iyak," saad ko pagkatapos ay inirapan si Ciara. Hindi naman siya nagpatalo sa akin, inirapan niya rin ako kahit namumugto ang mga mata niya at namumula sa kaiiyak. "Eh, sa hindi ko mapigilan, eh." I smirked. "Hindi mo kinaganda, girl." "I know, but… I can't help it!" aniya pagkatapos ay umatungal na naman. Gusto kong maawa pero hinayaan ko na lang si Ciara na ilabas ang lungkot na nararamdaman niya. Sino ba naman kasing hindi maiiyak? Kahit ako naman, kanina ko pa pinipigilan ang luha ko dahil ayaw ko pang tanggapin na posibleng wala na nga si Therese. Ang balita kasi namin, may sumabog sa barkong sinasakyan nila Therese niyon, hindi pa batid kung ano ang sumabog at kung sinadya ba ang pagsabog na iyon. At dahil na rin sa lakas ng pagsabog, halos masira ang kalahati ng barko dahilan upang lumubog iyon. May mga naswerteng nakaligtas doon. Halos lahat ay sumagatan dahil hindi naman inaasahan ang trahedya. May mga namatay sa pagsabog dahil na rin sa malapit sila sa pinagyarihan niyon kaya natamaan sila. Ang iba ay nasawi dahil sa pagkalunod, hindi na kinaya ang lumangoy dahil sa tinamong mga sugat. Ngunit halos lahat sa mga kasamahan ni Therese, nakaligtas naman, nagpapagaling na lang sa hospital. Kabilang na roon ang mag-amang Aquino na hinihiling ko na sana sila na lang ang nawala at hindi si Therese. Halos masuka ako sa tawa nang magpa-media pa ang mag-ama para maglabas ng statement. And yes, they paid for that, para lang maging matunog ang pangalan nilang dalawa. Halatang-halata naman na peke ang mga iyak nila. Hindi ko alam pero kumukulo talaga ang dugo ko sa dalawang iyon. Huwag lang talaga ako makakabalita na mayroon silang ginawang masama kay Therese kaya hanggang ngayon ay hindi pa namin mahanap ang kaibigan namin. Sisiguraduhin ko talagang kahit bawal pumatay, handa akong maging kriminal. Hindi ko gusto ang statement na inilabas ni Denver Aquino, sinasabi niya kasi niya na inililigtas niya raw si Therese noong panahon na iyon pero matigas daw ang ulo ng kaibigan namin. Ayaw daw na sumunod sa kanila at mas ginusto na mag-isang languyin ang dagat dahil pinagmamalaki daw ni Therese na trained na trained daw siya ni Tito Brandon. Which is true, well-trained naman talaga ang best friend namin ni Ciara pero sa pagkakakilala namin kay Therese, kailanman, hindi siya naging selfish.  Baka nga mas inuna pa silang iligtas ng babaeng iyon kaysa sa sarili niya kahit pa inis na inis kami sa mag-amang Aquino na 'to.  Isa pa sa kinaiinis ko, hindi naman nagbibigay ng statement ang ex boyfriend ni Therese na si Lucas. Tikom ang bibig nito at parang adik na nakashabu, tulala pa rin hanggang ngayon. I can not invalidate his trauma pero bakit pakiramdam ko, acting lang ang lahat? Palabas lang para magmukha silang biktima? Alam ko ang ugali ng mga Aquino dahil nasa politika ang mga magulang ko. Alam kong ganid sila sa pwesto pero malaki ang inggit sa mag-amang Costalejo. Lalo na ang matandang Aquino. Palibhasa, kahit ano ang gawin niya, hindi nita mapapantayan ang galing ni Police General Brandon Costalejo… hindi niya mapapantayan ang Heneral ng pulisya. Siguraduhin lang talaga nilang dalawa na wala silang kinalaman sa pagkawala ni Therese. Hindi talaga ako magkakamaling parusahan sila gamit ang sarili kong mga kamay kapag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD