CHAPTER 14

2512 Words
THERESE'S POV MASAMA ANG loob ko ngayon dahil hindi ko magawang asikasuhin ang sarili ko. Masama ang loob ko dahil hindi ako na-inform na kriminal na nga ang kasama ko sa bahay na ito, wala pang puso. Sabagay, kaya nga kriminal, eh. Sukat ba namang hayaan akong sumubo ng sarili kong pagkain, eh, ang sakit-sakit nga ng katawan ko? Halos hindi ko nga maigalaw maski ang bibig ko pero kinakaya ko para makapagsalita nang maayos. Tapos siya naman, kung hayaan ako, parang hindi naman ako tao. Hindi naman sa nagpapaasikaso ako. Kung kaya ko lang, ako naman ang gagawa. Hindi naman ako iyong tipong nagpapabebe para lang alagaan. Kung kaya ko nga lang gawin ang lahat ng gawain, ako na ang gumawa. Kaunting konsiderasyon lang sana dahil mahina pa ang pangangatawan ko. Pero ano ba ang aasahan ko sa isang lalaking walang puso? Nakakasama talaga siya ng loob. Hindi naman siya masamang tao… iyon ang pagkakakilala ko. I mean, that was based on my own judgment. Ewan ko ba pero hindi naman ako nakakaramdam ng takot sa kaniya. Hindi ko alam kung likas na ba sa akin ang hindi matakot sa sinuman. Iyon nga lang, hindi ko talaga makapa ang sariling nararamdaman para matakot kay Ross. Masungit lang talaga siya at pabalang sumagot, bagay na kinaiinis ko sa kaniya pero bukod doon, wala na. Ay mayroon pa pala. Iyong heto nga, iyong wala siyang konsiderasyon sa may sakit. Kanina lang ay kinuwento niya sa akin na ito ang pangatlong araw ko rito sa maliit niyang kubo. Sa tatlong araw na iyon, ngayon lang daw ako nagising. Kinuwento niya sa akin kung paano ako napunta rito at kung paano niya ako natagpuan. Hindi niya pinagkait sa akin ang detalyeng iyon bagaman masakit siyang magsalita. Ayon sa kaniya, naglalakad daw siya noon sa pampang dahil kailangan niyang manghuli ng isdang naliligaw sa pampang para kainin. Iyon daw kasi ang araw-araw niyang ginagawa simula nang mapagpasyahan niyang mamuhay nang mag-isa sa tagong isla na ito. Sinabi niya rin sa akin na iyong isla kung saan kami dadaong noong araw na lumubog ang barkong sinasakyan ko ay hindi iyon ang lugar kung saan siya naroon. Hindi niya rin daw alam kung bakit iyon ang lugar na ituro sa amin kung nasaan pero gayong malayo-layo ang islang iyon mula rito. Sa paglalakad niya araw, doon niya ako nakita. Palutang-lutang daw ako sa dagat na parang tanga. Oo, iyon talaga ang pagkakasabi niya. Maanghang talaga ang bibig niya kung magsalita. Akala mo kung sino. Sabi pa niya, ang bobo ko raw magsuot ng life vest dahil isang braso lang daw ang nakasuot doon nang makita niya ako. Aba, malay ko ba kung ano ang nangyari sa akin matapos kong mawalan ng kamalayan? Ang alam ko noon, naisuot ko nang maayos ang life vest. Imposibleng sa ganoong paraan ko sinuot ang life vest, edi bobo nga ako kung ganoon. Wala naman daw sana siyang balak na sagipin ako kasi hindi naman daw siya sigurado kung buhay pa ba ako o patay na. Kasi kung patay na raw ako, wala na siyang balak na ilibing pa ako, hindi niya raw ako pag-aaksayahan ng oras. Pero nang lapitan niya raw ako at hawakan ang palapulsuhan ko, naramdaman niya raw na tumitibok pa iyon kaya kinupkop niya ako. Oh, 'di ba? What a genius person! Hindi ko akalain na pakiramdam niya, ang talino niya sa mindset niya na iyon na pabayaan na lang akong palutang-lutang sa dagat kung sakali man nga na hindi na ako buhay. Hindi ko kinaya ang pagiging matalino niya. Kung sakali mang nakita niya akong patay na, talagang hindi niya ako ililibing man lang? Hindi ba't napakawalang puso niya talaga? Marami pa akong tinanong sa kaniya nang magising ako kanina pero hindi niya ako sinagot sa ibang tanong. Tulad na lang ng kung paano niya nalaman na hinahanap ko siya, kung ano ang dahilan bakit niya ako nilapitan at iniligtas sa pagkakalunod, at kung paano niya napalitan ang basang damit ko! Curious din naman ako kung paano niya napalitan ang damit na suot ko noon. From black jeans to white dresses. Oo, para akong multo sa suot kong puting bestida, mahaba kasi iyon hanggang talampakan. Idagdag pa na mayroon akong mahaba-habang buhok na hindi naman pino ang pagkatuwid ng buhok, buhaghag iyon nang bahagya kaya mas lalo akong nagmumukhang aswang. Isama pa na for sure, wala akong kaayos-ayos ngayon dahil tatlong araw ba naman akong tulog. Namumutla pa ako, sigurado ako roon. Napatingin ako kay Ross mula sa bintana ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Kasalukuyan siyang nagsisibak ng kahoy na sigurado akong para gawin iyong panluto. Gwapo sana itsura ng kolokoy na ito kaso napakasungit. Dinaig pa sa pagiging mataray si Ciara. Daig pa ang babaeng may regla. Hindi man sinasadya ng mga mata ko pero napatingin na naman ang tikas ng kaniyang katawan. Makasalanang mga mata. Bakit ba kasi walang damit ang taong 'to? Pwede namang magdamit. O kung gusto niya, dadamitan ko siya. Biro lang. Hindi ko nga maigalaw nang maayos ang katawan ko, aaksayahin ko pa ba ang lakas ko para damitan ang lalaking masungit na iyon? Ni hindi ko nga masyado manguya ang kinakain kong matigas na kanin na may sinabawang asin. Tapos dadamitan ko pa siya? Babawiin ko na sana ang makasalanan kong tingin dahil bumababa ang tingin ko sa abs niya nang bigla itong lumingon sa gawi ko. "Oh, f**k!" Agad kong iniwas ang paningin ko nang makita siyang nakatingin sa akin. Dahil sa gulat ay nabuga ko ang lahat ng laman ng bibig ko at gusto kong maiyak dahil naigalaw ko ang halos buong katawan ko dahilan para manakit ito nang todo. Nakakainis! Bakit ba bigla-bigla siya kung tumingin? Kitang sayang-saya pa ang mga mata ko tumingin sa magagandang tanawin, eh. Masyado namang hadlang. Napapangiwi tuloy ako sa sakit ng katawan ngayon. Idagdag pa na kumakalabog nang malakas ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa nagulat ako o kung dahil sa kinakabahan ako ngayon. Baka kasi anong isipin ng lalaking iyon. Baka isipin niya, pinagpapantasyahan ko siya. Baka isipin niya, gustong-gusto kong tinitingnan ang katawan niya. Excuse me lang, ha. Never pa akong na-attract sa kriminal. Ngayon pa lang yata… Pero siyempre, joke lang 'yan. Pinalaki ako nang maayos ng papa ko. Hindi naman sa hinuhusgahan ko na agad ang mga kriminal. May mga nakukulong naman talaga na mga inosente. Sadyang mahirap lang kaya hindi magawang ipaglaban ang katotohanan. Pero wala sa bokabularyo ko ang pumatol sa kriminal. Lalo na kung nakapatay ng tao. At lalo na kung matibay ang ebidensya. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, kapag nagawa na ng isang beses, magagawa pa rin sa susunod. Though, mayroon namang mga taong nagbabago. Iyong tipong mga nagsisisi na talaga. Pero ewan ko, ayun ang paniniwala ko, eh. Kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga nang malalim ngunit talagang malakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto kong mataranta at humiga sa papag na hinihigaan ko para sana hindi na ako maabutan ng lalaking masungit na iyon pero hindi ko magawa dahil lalong sumakit ang katawan ko. Para akong binugbog at may mga pasa ako sa katawan. Ang iba pa ay namamaga. 'Relax, Therese. Kailan ka pa nataranta sa isang lalaki? Kailan ka pa nagpakababae para sa isang lalaki?' Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na huminahon dahil normal lang naman para sa isang tao ang tingnan ang kasama niyang tao. Normal lang na tingnan ko si Ross dahil pinanonood ko siya kung paanong magsibak ng kahoy. Bukod doon, wala naman nang ibang rason. Huminga ako muli nang malalim ngunit dahan-dahan lang iyon. Dahil baka sumakit naman ang likod ko kapag pinuwersa. Mayamaya lang ay narinig ko ang langitngit ng pinto ng kwarto kung saan ako naglalagi at alam kong si Ross ang dahilan niyon. Nagsimula na namang magkarambola ang puso ko. Hindi pa nga humuhupa ang kabog niyon, hayun na naman at parang dinadaga sa kaba ang puso ko. Tumikhim ako nang tahimik, hindi ko pinarinig sa kaniya at inangat ko ang tingin. Sakto namang nakatingin siya sa akin. Mabuti na lang at marunong akong magpanggap ng emosyon sa mukha. Kayang-kaya kong ipakita na balewala sa akin ang presensya niya kahit ang totoo naman ay nababahala ako sa kung ano ang iisipin niya. "Tapos ka na bang kumain?" Hindi ko inasahan ang tanong niya na iyon. Taliwas iyon sa iniisip kong sasabihin niya. Pero kahit na ganoon, nagpapasalamat ako dahil hindi na niya inungkat ang nangyari kanina. Mabuti naman at hindi siya tulad ni Lucas na mapang-asar porque natingnan nang hindi sinasadya. Feeling na agad, may gusto sa kaniya. Bago siya sagutin ay napatingin muna ako sa sahig na gawa sa kawayan. Para 'yong mataas na kubo kung saan, mayroong sahig na gawa sa kawayan, may butas at sa ibaba niyon ay lupa lang. Napatingin ako sa mga kanin na nagkalat dahil sa nagawa kong pagbuga kanina. Nakakahiya naman. Baka sabihin nito, daig ko pa ang paslit sa pagiging makalat sa pagkain. Eh, kasalanan naman niya iyon. Ayaw ko na lang magsalita dahil baka maungkat pa ang kanina. "Tapos na," maikling sagot ko kahit hindi pa naman talaga ako tapos kumain. Nawalan lang ako bigla ng gana. Sino ba namang gaganahang kumain kung nandito siya ngayon sa paligid ko? Malay ko ba kung inaasar na niya ako sa isipin niya nang dahil doon. Jusmiyo. Kung aasarin niya ako nang dahil lang doon, iisipin kong napaka-isip bata niyang tao. Parang iyon lang? Mayamaya lang ay naramdaman kong umalis muli ang lalaki dahil narinig ko rin ang mga yabag ng paa niya palayo sa akin. Dahan-dahan akong lumingon sa kung saan siya nakatayo kanina. Kumunot ang noo ko dahil na rin sa curiosity. Oo na, inaamin ko na rin na naku-curious ako sa mga ginagawa niya. Medyo natatakot kasi ako na iwanan niya ako sa kabila ng kalagayan ko ngayon. Aaminin kong wala akong silbi ngayon dahil sa pananakit ng katawan ko. Hindi ko kakayaning kumilos nang mag-isa kaya kailangan ko pa nang kasama. At oo, pasensya naman kung pabigat ako, 'di ba? Ilang sandali pa, hindi naman nagtagal ang pag-alis niyang iyon. Agad ding siyang bumalik. At nang tingnan ko ang dala niya ay umusbong ang saya sa puso ko. May hawak itong isang basong tubig, napangiti ako nang bahagya nang i-abot niya sa akin iyon. Blangko ang ekspresyon niya ngunit hindi naman masama ang loob. Parang wala lang siya sa mood pero wala naman akong pakialam doon. Nakangiti kong tinanggap ang basong may lamang tubig. "Salamat," tipid kong saad. Hindi siya tumugon doon pero ayos lang. May puso rin pala kahit masungit ang taong 'to. Kahit pala mukhang wala talaga sa katawan niya ang pagiging caring, nararamdaman ko naman na hindi niya ako pinababayaan. Nang matapos akong uminom ay muli ko siyang tiningnan. "Magpapahinga ka na ba?" Tumango ako nang tatlong beses. "Oo, eh." Nakita kong huminga siya nang malalim at napangiwi bago lumapit sa akin nang tuluyan. Para namang masama ang loob niyang asikasuhin ako. Wala naman siyang choice dahil dadalwa lang naman kami rito. Huwag siyang mag-alala riyan, kapag gumaling naman ako, makakaalis kaming dalawa agad dito. Siyempre isasama ko siya dahil iyon ang misyon ko. Inalalayan niya ako nang dahan-dahan hanggang sa makahiga ako nang maayos. Naging masakit iyon dahil kailangan ko rin alalayan ang sarili kong katawan. Hindi naman pwede na lahat ng bigat ko, iasa ko na lang sa pag-alalay sa akin ni Ross. Siyempre kailangan ko rin bitbitin ang sarili ko para gumaan. Ngayon ko lang naisip. Malapit nang sumapit ang dilim dala ng gabi ngunit hindi pa rin namin napag-uusapan kung paano kami babalik sa Manila nang hindi siya nanlalaban. Iniisip ko rin kung paano ko siya mapapapayag na sumama sa akin at harapin ang kasalanan na hindi ko alam kung ginawa niya ba o hindi. Ito na ang misyon ko. Ang kailangan ko lang naman gawin ay maisuko siya sa mga pulis at pagbayarin siya sa kasalanan na baka nga ginawa niya. Pagkatapos niyon, okay na ako. Makukuha ko na ang premyo ko. Nakatulong pa ako sa ibang tao. May kung ano sa akin na nalulungkot. Simula talaga na malaman ko ang krimen na kinasangkutan niya, hindi ko alam pero pakiramdam ko, wala naman talaga siyang kasalanan. Kahit ilang beses kong isaksak sa kukote ko na siya ang pumatay sa sarili niyang ama, hindi iyon pinaniniwalaan ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Para bang imposible para kay Ross ang pumatay. Hindi ko naman masabi sa kaniya ang nasa loob ng aking isipan dahil hindi ko pa naman siya nakakausap nang maayos. Ngayong araw lang ako nagising. Alam kong hindi sapat ang panahon at oras na iyon para masabi kong mabait nga siyang tao. Masungit siya, oo, laging seryoso at minsan lang kung magsalita. Pero sa tingin ko naman, hindi siya iyong tipo ng lalaking papatay na lang nang basta. Nang mailapat nang maayos ang likod ko sa matigas na higaan na papag ay napatingin ako kay Ross. Napalunok ako nang sunud-sunod nang makitang nakatingin din ito sa akin. Malamlam ang mga mata nito bagaman hindi ito nakikitaan ng reaksyon. Nakikita ko naman ang sinseridad doon. What was that for? Tangina. Para saan ang tinginan? Bakit hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya? Parang niyang hinahatak ang mga mata ko upang tumingin sa kaniya? Para siyang may hipnotismo. Hindi ko magawang iwasan ang paningin ko. At kinakabahan ako nang dahil doon. Matinding kaba ang naramdaman ko. Hindi iyon pamilyar sa akin kaya naman, lubha akong nabahala. "Magpahinga ka na." Sa isang iglap ay agad bumalik sa huwisyo ang isipan ko nang marinig ko siya nagsalita. Nahugot ko ang hiningang hindi ko namalayang kanina ko pa pala pinipigilang makawala. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkataranta. Ano ba naman 'to. Ngayon ko pa naramdaman ang ganitong klase ng pagkataranta. Dahil pa roon sa hindi kaaya-ayang dahilan! At hindi rin katanggap-tanggap. "Oo," tipid kong sagot. Iyon lang ang nangyari at binalutan na niya ng kumot ang katawan ko hanggang sa ibaba ng aking leeg. Sunod niyon ay agad na siyang humiwalay sa tabi ko at umalis sa loob nitong kwarto. Hindi ko tuloy alam kung makakapagpahinga ang isip ko gayong wala pang isang buong araw ko siyang nakikita at nakakasama, parang ang dami ko nang kasalanan na ginawa sa sarili ko. Hindi ko nagugustuhan iyon. Parang nakakalimutan ko na ang dahilan kung bakit ako naparito. Parang nawawala na sa isip ko ang misyon at hindi iyon maaari. Hindi pwedeng hindi ko maisagawa ang misyon dahil ibig lang niyon sabihin ay hindi ko makakasama ang mama sa kadahilanang hindi ako nagtagumpay. Kaya bukas na bukas, kailangan ko nang pilitin ang sarili ko para tumayo. Hindi pwedeng alagaan ko na lang ang sakit ng katawan ko dahil pakiramdam ko, mas magtatagal sa akin ang pananakit ng katawan kung hindi ko ikikilos. At ibig lang sabihin niyon, kailangan ko nang idistansya ang sarili ko kay Ross. I need to be firm this time. At iyon ay ang pagtatak sa isip ko sa dahilan kung bakit nga ba ako narito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD