THERESE'S POV HABOL ANG AMING hininga nang matapos kami sa paglalaban ng halik. Kapwa kami nakatingin sa mata ng isa't isa. Binabasa kung ano ba ang nasa isipan namin. Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa ganito. Hingal na hingal ako at sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Sa tagal ng paghahalikan naming dalawa ay pakiramdam ko, namamaga ang labi ko. Magaling humalik si Ross at hindi ko kayang itanggi iyon sa sarili ko. This isn't my first time, pero pakiramdam ko, nagiging inosente ako kapag siya ang kasama ko. Sa tagal ng panahon na hindi ako nakatanggap nang ganitong klase ng halik, pakiramdam ko, wala na akong alam sa ganito. Mukha akong isang babaeng ignorante. To clarify everything that I said, hindi ito ang first time ko sa halikan. But I am still a virgin. At this age, hindi ko

