THERESE'S POV HINDI AKO MAKAPAG-REACT. Hindi ko magawang magpumiglas. Hindi ko magawang pigilan ang ginagawa niya sa akin. Hindi ko magawang itulak siya at sampalin dahil dito. Gustong-gusto ko siyang itulak palayo pero ayaw makisama ng katawan ko. Ayaw niyang sumunod sa akin. Para bang may sariling utak na taliwas sa gusto kong mangyari. I was shocked. Hindi ko pa kayang mag-move on. Hindi ako maka-get over. Hindi ko pa maproseso sa utak ko ang nangyayari. Is he really kissing me now? Damang-dama ko ang init ng mga labi niya sa labi ko. Halos manginig ako dahil sa lamig ng simoy ng hangin kanina pero ngayon… nag-iinit ang katawan ko… nagsisimulang mag-init ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa labi niya kaya ako nakakaramdam ng init o dahil lang sa pagpahiya. Gusto ko si

