THERESE'S POV MATAPANG AKONG BABAE. I know how strong I am. Alam ko rin na may limit ang pagiging matapang at malakas ko. Lahat naman ng tao, nagiging mahina kahit gaano pa katapang sa pakikipaglaban. Especially those soldiers of the country. Kahit pa sabihing sila ang pinakamatapang na mandirigma ng bansa, mayroon at mayroon silang kahinaan. At tulad ko, hindi rin palagi, malakas ako. Tulad ngayon, narito pa rin ang panginginig sa katawan ko ngunit bahagya nang humupa iyon. Salamat sa pag-aalala sa akin ni Ross. Hindi niya ako pinabayaan hanggang sa makarating kami sa pampang. Inalalayan niya rin ako hanggang sa makabalik kami sa kubo. Doon ay binigyan niya agad ako ng tubig upang mahimasmasan. At ngayon, narito siya sa tabi ko. Tahimik lang na nakamasid sa akin. Alam kong gusto niya

