THERESE'S POV MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw. Ramdam ko iyon dahil pakiramdam ko, ang tagal-tagal ko na sa islang ito. Hindi ko pa rin alam kung anong araw na ngayon o kung anong oras na. Nawalan na rin kasi ako ng pakialam doon sa hindi ko mapaliwanag na dahilan. Ngunit paminsan-minsan, tinatanong ko kay Ross kung anong araw na, siya namang sinasagot niya nang totoo. Paano ko nasabing totoo ang sinasabi niya? Dahil matalas ang memorya ko. Kung totoo mang tatlong araw na ang nakalilipas simula nang una akong magising sa lugar na ito, nabilang ko iyon hanggang sa araw tuwing nagtatanong ako sa kanya ng petsa. Sa oras naman ay talagang wala na akong pakialam. Nararamdaman ko naman ang oras base sa klima at panahon. Mabuti na lang, hindi pa bumabagyo. Ilang araw na ang nakalilipas simu

