THERESE'S POV MATAAS NA ANG sikat ng araw nang magising ako mula sa pagkakatulog. Mabilis akong bumangon dahil bigla kong naalala ang malaking oso na lumapit sa akin at handang-handa na sa paglapa sa akin. Ngunit nang mapagtanto ko kung nasaan ako ngayon ay bigla akong nakahinga nang maluwag. Grabe ang kaba ko. Parang lalabas ang puso ko mula sa kinalalagyan niyon. Parang gusto kong umiyak. Takot na takot ako. Ganoon nga ang nangyari, naramdaman ko na may luhang tumulo mula sa mga mata ko at nagsunod-sunod ang pagdaloy niyon nang mapagtanto kong… ligtas na ako. Naaalala ko pa nang malinaw sa isip ko kung paano ako nakipaglaban sa takot ko noong gabi na iyon. Ang akala ko, hindi na ako makakabalik nang buhay. Unti-unti ko nang tinanggap ang lahat. Nagawa ko nang magpaalam sa mga taong n

