THERESE'S POV "ANONG MAHAL ANG sinasabi mo riyan, Rosana? Alam mo ba ang sinasabi mo?" Nanlaki ang mga mata ng matandang lalaki— na siyang tinatawag na itay ng dalagang si Rosana sa narinig. Para bang hindi makapaniwala na nagmamahal na ang kaniyang anak. Muli kong tiningnan si Rosana mula sa kaniyang ulo hanggang sa paanan nito. Kung susumahin at kakalkulahin sa isip ang edad nito, para namang hindi nalalayo sa amin iyon ngunit mas bata ng hindi hamak sa akin. "Oo, itay! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kaya hayaan ninyo akong mahalin si Mclin." Narinig ko na naman ang pangalawang pangalan ni Ross kaya naman nagngitngit na naman ako sa inis. Ngunit nanatili akong tahimik hanggang sa muling nagsalita ang ama ng dalaga. "Nakakahiya sa mga bisita, anak." Napayuko ako at doon in

