THERESE'S POV BUONG GABI KONG inisip ang sinabing iyon ni Rosana. Buong gabing nagpaulit-ulit siya sa tainga ko na parang sirang plaka. Iyon na yata ang magiging dahilan upang hindi ako makatulog. Iyon na siguro ang magiging paraan para hindi ako panay ang tulog. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pang matulog. Dahil kapag natulog ako, wala akong mararamadaman, wala akong maiisip, wala akong maririnig na ganitong klase ng balita. Isa sa dahilan kung bakit mas ginugusto kong matulog ay upang makaiwas sa kanilang lahat. At ngayon, ginugulo nila ang pagtulog ko. Dahil sa mga salitang iyon, nahirapan na akong bumalik sa pagtulog ko. At naiinis ako nang dahil doon. Gustuhin ko mang ibalik ang sarili sa pagtulog ay hindi ko nagawa. Hindi naman sa hindi ko gusto ang ideyang pagpapakasal

