CHAPTER 30

1201 Words

THIRD PERSON'S POV KABI-KABILA ANG PAGTANGGAP ni Police General Brandon Costalejo sa mga nakikiramay sa pagkawala ng kaniyang anak. Saad ng mga ito, hindi na sila nabubuhayan ng pag-asa sa paghahanap sa dalaga dahil lumipas na ang halos dalawang buwan mula nang mawala ito. Batay sa imbestigasyon ng mga ito, posibleng may lamang dagat ang kumain sa katawan ng kaniyang anak dahilan upang kahit anong halughog ang gawin nila ay hindi nila ito matagpuan. Natagpuan ang ilan sa mga gamit ni Therese Costalejo na palutang-lutang sa malawak na karagatan, maging sa pampang ay may mga nakuha rin, ayon sa mga ito ay posibleng inanod ang mga gamit na iyon patungo roon. Kabilang sa mga natagpuang gamit ay ang sling bag nito, ilang damit, sumbrerong katulad sa disenyo ng mga sundalo, sapatos, at iba pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD