THIRD PERSON'S POV KINABUKASAN AY MAAGANG nagising si Therese ngunit wala pa sa kagustuhan niya ang bumangon. Paano ba naman kasi, ngayon niya lang naramdaman ang ganti ng kaniyang pagka*babae dahil nilubos-lubos niya iyon kagabi. Ngayon niya naramdaman na parang binugbog iyon at nagkapasa dahilan upang hindi siya makabangon. At talagang ayaw niya rin! Sino bang may gustong makita ang lalaking gumawa ng ganito sa kaniya? Hindi naman siya galit. Sa katotohanan nga ay nahihiya siya sa lalaki dahil ang kapal ng mukha niyang magmakaawa sa harap nito para galawin siya. Iniisip niya kung ano na lang ang masasabi sa kaniya ng lalaki sakaling magkaharap sila ulit? Ano na lang ang mukhang maihaharap niya? Paano kapag mapag-usapan ulit nila ang nangyari? Paano siya makakapagsalita? Paano niya it

