THERESE'S POV NAGHAHARI PA RIN ang pagka-ilang sa akin habang tahimik kaming kumakain ni Ross. Hindi ko maiwasang hindi matuwa sa kaniya lalo na nang alalayan niya ako kanina sa pagbangon. Naiintindihan niya na hindi ko kayang gawin iyon nang mag-isa kaya tinulungan niya ako. Kahit hindi ko sinabi sa kaniya, naramdaman niya. Mabuti na lang at hindi siya manhid. Pero hindi pa rin ako makatingin sa kaniya nang diretso, naiilang pa rin ako. Wala pang ayos ang histura ko, hindi pa ako nagsisipilyo. Kahit nga mumog ay hindi ko pa nagagawa. Pero kumain ako dahil iyon ang sabi niya. Halos hindi ko nga malunok ang kinakain ko dahil sobra akong nahihiya at nasa tabi ko siya ngayon. Hangga't maaari ay ayaw ko sanang makita siya pero may choice ba ako? Siyempre, wala. Tuloy ay kinakaya ko na lang l

