THERESE'S POV MABILIS NA LUMIPAS ang mga buwan at araw habang magkasama kaming dalawa ni Ross sa iisang isla, sa iisang lugar, sa iisang kubo, sa iisang bubong. Kakatwang hindi ko na nga namamalayan ang oras sa tuwing kasama ko siya. Unti-unti na rin akong nasasanay sa buhay na kaming dalawa lang ang magkasama. Ang isa't isa lang ang aming aasahan at wala nang iba. Marami akong bagay na natutunan habang kasama ko si Ross. Maging ang pangingisda ay unti-unti ko nang natututunan. Ang magtanim ay sisiw na lang sa akin. Ang mangaso at magluto ay hindi ko na pinangangambahan. Paminsan-minsan ay pumupunta pa rin kami ng bayan ngunit kung madalang noon, mas lalo ngayon. Nabalitaan kasi namin noong kailan lang, actually kagagaling ko lang mula sa matinding lagnat noon, mas lalong nagsisikap

