THERESE POV NANG MARINIG KO ang sinabing iyon nang tindera ay mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko. Mas lalo akong kinabahan para sa kapakanan ko at sa kapakanan ng lalaking kasama ko ngayon. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Ross, kasunod niyon ay nakita kong napatingin siya sa akin. Kunot ang mga noo ngunit malungkot ang kaniyang mga mata. Nababanaag din sa akin ang pangamba. Hindi ko gustong maging dahilan ng pagkakadakip sa kaniya. Hindi ko gustong maging dahilan para mahuli siya. Huminga ako nang malalim kasunod ng paglibot ng mga mata ko sa abot ng mararating ng paningin ko. Tinitingnan ko kung saan naroon ang kumpulan ng mga tao. Agad akong lumingon kay Ross at hinila siya sa kung saan. Tumakbo kami nang marahan. Iyong hindi mahahalata ng mga tao na tumatakbo kami para may pa

