THERESE'S POV KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Body clock ko na kasi ang maagang gumigising. Kaya kahit gusto ko pang manatili sa pagkakatulog at namnamin ang maraming oras ng pagtulog ay hindi ko na magawa. Kusang gumigising ang katawan ko at ngayon ko lang hindi nagustuhan ang bagay na iyon. Usually, five o'clock in the morning, gising na ako n'on. Madalas kasi akong mag-jog to maintain my physical body's strength. After niyon, magtutungo naman ako sa paborito kong gym para magpapawis. Saka pa lang ako uuwi ng bahay at magbi-breakfast. Laging ganoon ang gawain ko kaya nasanay na rin siguro ang katawan ko. I need to be physically fit because I need it in my daily work. Also, that is also one of my requirements when I do a mission, in case there is a mess and the situation does not

