Chapter 2

1336 Words
DEAR STRANGER CHAPTER 2: Seeing a stranger   "P-PAULINE... c-crush kita," pag-amin niya sa akin ng nakayuko sabay abot ng violet na mga bulaklak. Hindi ko alam ang tawag sa mga lilang bulaklak na iyon pero tinanggap ko na rin dahil maganda naman. Halatang-halata ang kabang nararamdaman ng nasa harapan ko dahil nanginginig pa siya at hindi man lang makatingin sa aking mga mata. "M-Magpagaling ka," dugtong pa niya. "Thank you," sagot ko nang nakangiti. Crush ko rin kasi siya pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya dahil ayokong isipin niya na easy to get ako. Kahit na hindi kami madalas mag-usap sa school ay lagi niya akong naaalala. Medyo mahiyain kasi ang lalaki. Tuwing exam ay may chocolate ako mula sa kanya at tuwing may okasyon. Lagi rin itong nagpapahiram ng libro sa akin dahil mahilig akong magbasa. "Hmm, okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito. Nandito kasi ako sa hospital dahil inapoy ako ng lagnat ng sunud-sunod na araw. "Medyo okay na, bukas daw ay puwede na akong umuwi. Ano palang bulaklak ito?" tanong ko sa kanya na umupo sa upuan na malapit sa kama ko. "Violet Chrysanthemums," sagot niya. "Wow, hindi ako familiar sa ganitong bulaklak." "Usually kasi red ang nakikita nating ganyan. Iyang violet kasi nagsi-symbolize ng maagang paggaling at pampahaba ng buhay. Lagi ka kasing napapadalas dito sa hospital," paliwanag niya. Napatawa ako. "Salamat naman at hahaba na pala ang buhay ko," tugon ko na nagpatawa rin sa kanya. LUMIPAS ang isang buwan at nagre-ready na ang lahat sa darating na JS Prom Night namin. Isa-isa ng nag-i-invite ang mga classmate naming boys sa girls para maging ka-partner nila pero ako… wala pa rin akong ka-partner para doon. Naisipan ko tuloy na ako na ang mag-aaya sa kanya at sasabihin ko na rin na may crush ako sa kanya. "CJ!" pagtawag ko sa kanya sa hallway ng library. "Buti naabutan kita!" Hingal na hingal akong lumapit sa kanya. Tila naman gulat na gulat siyang hindi umimik habang nakatingin sa akin. "Aayain sana kitang maging partner sa Prom Night, ang bagal mo naman kasi akong ayain," sambit ko nang nakangiti. "H-Ha?" tanong nito. "Bakit? May ka-partner ka na ba?" tanong ko sa kanya. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Siya pa naman ang gusto kong maging ka-partner. "Oo, si Danica. At saka bakit mo ako inaaya, hindi naman tayo close, ah?” “Anong hindi close?” Nasaktan ako ng bahagya sa sinabi ng kaharap ko. “H-Hindi naman talaga. Teka… crush mo ba ako?" gulat na tanong nito. Napakunot ang noo ko. Akala ko ba crush niya ako? "Hindi ba't sinabi mo sa aking crush mo ako sa hospital?" tanong kong muli. "A-Ano? Wala akong sinasabing ganoon? Hindi rin kita dinadalaw sa hospital. May sakit ka pa ba?" Saglit akong natigilan, hindi ako puwedeng magkamali sa narinig ko no'ng araw na iyon. Hindi rin naman puwede na imahinasyon ko lang ang pagdalaw niya. Sinabi niya talaga sa akin na crush niya ako so, bakit dini-deny niya ngayon? "Pauline?" tawag niya sa akin kaya nabalik ako sa diwa ko. "Pasensiya ka na kung hindi kita crush," sambit niya. Saka ko lang napansin, iba ang tono ng boses niya. Iba iyon kumpara sa usual na boses nito. Napakunot muli ang noo ko. Ano ang nangyayari? Sigurado akong si CJ siya. "Hindi ba't ikaw si CJ?" tanong kong muli. "May lagnat ka pa ata, Pau. May nakikita ka bang kakambal ko?" Napatawa siya bigla. "Oo," mahina kong sagot. May nakita nga akong kamukha niya. Napatigil ito sa pagtawa. "Sorry kung hindi talaga kita cru—" Hindi ko na siya pinatapos pa at dagli akong umalis sa lugar na iyon. Hindi ko kasi maintindihan. Ang sabi niya ay siya si CJ pero sinasabi rin niyang hindi niya binanggit sa aking crush niya ako. Loko-loko ba siya o ako ang nababaliw? Mali ba ako ng pagkakarinig? May kakambal nga ba siya? Minumulto na ba ako? Mali ba ako ng nakilalang CJ? Mali ba ako ng taong nakita? Dahil sa pangyayaring iyon ay hindi ako um-attend ng Prom. Hindi ko na rin binanggit pa kay CJ o ninuman ang naging usapan namin. Hindi ko na rin nakilala pa ang CJ na kilala ko. Nanatiling misteryo kung sino ba siya talaga dahil ang akala kong iisa ay dalawang taong magkaiba pala. Ang dami kong tanong ng mga panahong iyon. Doon namin natuklasan ni lola ang kondisyon ko. Kaya pala laging sumasama ang loob sa akin ng mga pinsan ko sa tuwing naglalaro kami dahil nababaligtad ko ang mga pangalan nila. Kaya pala ilang beses ko ng nakasalubong ang mga kamag-anak ko o mga classmates ko noon pero hindi ko man lang sila nabati dahil hindi ko sila makilala. Akala tuloy ng iba ay masungit ako at mayabang. Akala nila hindi ko sila pinapansin pero ang totoo ay hindi ko talaga sila nare-recognize. Living with face blindness is like living in a world full of unknown faces. Blurred ang paningin ko at hindi ko naalala iyong mga mukha na nakikita ko. Nakakalimutan iyon agad ng mga mata ko. Feeling ko, nag-iisa lang ako sa mundong kinagagalawan ko. Mahirap. Malungkot. Pero kinakaya ko dahil kailangan. Buti na lang ay nandito pa ang lola ko. May kasama pa rin ako at pinagpapasalanat ko iyon ng lubos sa Diyos. "Apo, kain na rito." "Opo, ‘La!" Bumaba na ako at sinaluhan si lola sa hapag-kainan. Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa lalaking nagpahiram sa akin ng payong. "Ang bait naman niya at ipinahiram niya sa iyo ang payong niya," tugon nito. "Oo nga, ‘La. Naisip ko lang kung papaano ko iyon maibabalik sa kanya, hindi ko naman po siya nakilala," sambit ko. "Siguro naman ay makikita mo siya ulit." "Sana nga ho. Gusto ko rin ho siyang makita." Umaasa ako na makikita kong muli ang lalaki para mapasalamatan ko ulit ito sa kabaitang ipinakita niya sa akin. ---   UMAAMBON nang makarating ako sa InspiriTea Café. Dito ako nagtatrabaho bilang isang barista at katiwala na rin dahil si lola ang nagmamay-ari no'n. Late na ako kaya naman nagmamadali akong pumasok sa loob. "Ouch!" reklamo ng taong nauntog sa pinto ng itulak ko 'yon. Sa pagmamadali kasi ay hindi ko namalayan na may palabas pala sa kabilang side. Isang lalaki. Napatingin ako sa kanyang mukha nang ilang segundo pero agad ko ring iniyuko ang aking ulo. "S-sorry, hindi kita napansin agad," paghingi ko ng paumanhin. "Can you please be careful next time?" bulyaw niya. "Sorry," sambit ko ulit nang iangat ko ang aking tingin at nasilayan kong muli ang mukha niya kasabay no'n ang paglabas nito sa pinto. "Ang sungit!" bulong ko. Infairness, pogi naman ang lolo mo. Nakasimangot nga lang. "Pau! Ang suwerte mo, ang pogi kaya no'n!" kinikilig na sabi ni Claire sa akin nang makapasok ako sa loob. Kabisado ko na ang boses nito kaya naman nakilala ko siya agad kahit hindi ko siya tingnan sa kanyang mukha. "Pogi nga siya kahit masungit. Ang ganda ng mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang la—" naputol ang sinasabi ko nang may ma-realize ako. "A-Ano iyong s-sinabi ko?" gulat kong tanong sa sarili ko. Hindi kasi puwede. Imposible iyon. "Ha?" "Narinig mo ba ako, Sis?" tanong ko kay Claire. "Oo naman, hindi ako bingi, ano!" sagot nito. "Bakit? Ano naman ang nangyari sa iyo?" "Narinig mo ba talaga ako?" pangungulit ko. "Oo nga. Bakit ba parang gulat na gulat ka? Narinig nga kita," ani nito. "C-Claire, d-in-iscribe ko siya, hindi ba?" paniniguro ko sa kanya. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Hindi talaga. "Oo. Ang sabi mo pa nga, maganda ang mga mata, matatangos ang ilong, mapupula ang la—" "Oh my goodness! Claire!" bulalas ko. "Ano nga?" takang tanong nito na kinakabahan na sa akin. "I-I saw him! Nakilala ko siya. Naalala ko ang itsura niya!" sigaw ko sa sobrang saya. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng walong taon ay may makikilala pa akong tao. Nakita ko siya! Nakilala ko ang mukha ng lalaking iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD