Chapter 1

1160 Words
DEAR STRANGER CHAPTER 1: Living with strangers   "SHE has prosopagnosia or face blindness, it's a brain disorder," ani ng doctor na nasa harapan namin ni lola. "Face blindness?" Napakunot ang noo ko ng marinig iyon. Nilamig ang aking pakiramdam. "M-mabubulag po ba ako?" tanong ko na kinakabahan. Ngayon ko lang kasi narinig ang tungkol doon. Naramdaman ko ang pagpisil ng lola ko sa aking kanang kamay. Sigurado akong katulad ko ay kinakabahan din si lola. "Hindi naman, Hija. Huwag kang kabahan," sagot nito sa akin na may kasamang simpatya. "Ano po ba iyon?" tanong ng aking lola. "Ipapaliwanag ko po sa inyo, Lola. Hindi naman po mabubulag ang apo ninyo. Iyong mga taong nagkakaroon po ng ganito ay hindi kaya o nahihirapan pong mag-recognize ng mukha ng tao, puwede rin po nilang mapagkamalang object ang ibang taong nakikita nila. They cannot discriminate between familiar or unknown faces or even their own face due to abnormalities, damage, or impairment in their brain. Iyon po ang dahilan kung bakit napagkakamalan po ng apo niyo na iisa lang ang dalawang taong magkaiba o nahihirapan siyang i-recognize ang mukha ng taong nakikita niya," paliwanag ng doctor sa amin ng lola ko. "Ganoon ba, Doc? Kaya pala kadalasan ay nagkakamali siya ng kinakausap, minsan naman ay hindi niya talaga makilala kung sino ang kaharap niya kahit mga pinsan pa niya," sagot naman ni lola na napatingin sa akin. Kaya pala nahihirapan akong makakilala kadalasan, kaya pala lagi akong napapahiya sa mga kinakausap ko, kaya pala akala ko ay iisa lang ang dalawang taong nakikita ko. Napabuntong-hininga ako nang bumalik muli sa alaala ko ang kahihiyang inabot ko no'ng nakaraang araw dahil doon. "Nai-stroke po ba siya o mayroon po kayong kapamilya na nagkaroon po ng ganitong sakit? Puwede ho kasi itong makuha roon," tanong ng doctor na nagpabalik sa diwa ko. "Naaksidente kasi siya five years ago at na-paralyze ang kalahati ng katawan niya," sagot ni lola na niyakap ako ng mahigpit. "Maari pong doon niya nakuha ang damage sa brain niya kaya po siya nagkaroon ng face blindness." "Pero matagal na iyon, bakit ngayon lang lumabas ang symptoms?" tanong ulit ni lola. "Puwede rin pong matagal na po siyang nahihirapan maka-recognize ng mga mukha pero dahil sa akala po niya ay normal lang ang kanyang mga mata ay hindi na po niya napansin iyon," paliwanag pa nito. "A-Akala ko po kasi talagang ganoon lang po ang nakikita, medyo blurred po, hindi po masyadong maayos kapag tumitingin ako sa mga mukha pero, nakikita ko naman po ng maayos ang ibang mga bagay," sabat ko. "Kailan mo ba nalaman na hindi na pala normal na hindi ka nakaka-recognize ng mukha? Na may mali pala sa mga mata mo?" tanong nito sa akin. Saglit akong natahimik dahil nahihiya akong sabihin kay doc ang nakakahiyang nangyari sa akin kamakailan lang. "No'ng mapagkamalan ko pong crush ako ng crush ko..." --- MABILIS akong tumakbo sa isang shop kung saan may masisilungan sa labas dahil biglang bumuhos ang ulan kung kailan pauwi na ako. Ayokong umuwi ng basang-basa dahil sigurado akong mapapagalitan lang ako ng lola ko. Wala pa naman akong dalang payong dahil hindi naman kalayuan ang InspiriTea Café na pinanggalingan ko mula sa bahay namin. "Payong!" narinig kong sigaw ng lalaki mula sa kanan ko. Ibinaling ko ang aking tingin sa direksyon ng boses na 'yon at nakita ang isang lalaki. Naka-black siya na t-shirt na may jacket na maong na pi-n-artner-an nito ng maong ding jeans. "P-Para ba sa akin?" tanong ko habang inaaninag ang mukha niya kahit na alam kong malabo ko naman siyang makilala. Idagdag pa na malakas ang ulan at nasa kabilang shop siya. Hindi na siya sumagot at inihagis na lang niya sa kinaroroonan ko ang itim na payong na aking ikinagulat kaya hindi ko iyon nasalo. "T-Teka!" sigaw ko dahil tumakbo na lang siya bigla sa ulan. "Paano ko ito  maibabalik sa iyo?" sigaw kong muli. Bakit niya pinahiram iyon sa akin gayong wala pala siyang extrang paying na dala? Mababasa siya ng ulan. "Kapag nakita mo ako..." dinig kong sambit niya bago pa man siya tuluyang sumugod sa malakas na ulan. Sana ay hindi siya magkasakit. Kinuha ko ang itim na payong at kinausap 'yon na parang may buhay. "Paano kita ibabalik? Eh, hindi ko naman nakita ang amo mo?" Hindi ko naman kasi siya kilala at hindi ko rin naman nakita man lang ang mukha niya. Napabuntong-hininga ako, oo nga pala, kahit pa makita ko ang mukha niya ay hindi ko rin pala siya makikilala. Binuksan ko na ang payong at naglakad na ako pauwi. Twenty minutes lang ay nakarating na ako sa bahay namin. Agad akong pumasok sa loob at naabutan ko si lola sa sala na may hawak na dalawang payong. "Lola, nandito na po ako," bati ko. "Malakas po ang ulan sa labas, saan ho kayo pupunta?" takang tanong ko na lumapit sa matanda at nagmano. "Oh, Apo. Buti naman at hindi ka nabasa ng ulan. Naiwan mo kasi ang payong mo kaninang umaga nang umalis ka kaya susunduin sana kita roon sa shop," sagot nito. "May nagpahiram po sa akin ng payong, Lola, kaya po nakauwi ako nang hindi nababasa," sambit ko. "Ganoon ba? Eh, ‘di maigi pala. Umakyat ka na roon sa taas para makapagpalit ka na at maghahain na ako ng hapunan natin." "Sige po, ‘La." Agad akong umakyat sa taas at pumunta sa aking kuwarto. Ang dating tinutulugan nila mama at papa. Nilagyan ko iyon ng iba't-ibang paintings at isang malaking bookshelves. Sa kabilang kuwarto naman naroon ang higaan ni lola. Biglang pumasok sa isipan ko ang lalaking iyon na nagpahiram sa akin ng payong niya. Magkita pa kaya kami? Hindi ko naman kasi siya makikilala kahit na magkasalubong kami ulit dahil sa condition ko. Hay, bahala na nga. I was diagnosed to have prosopagnosia or face blindness. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakaka-recognize ng mga mukha, lalo na iyong unfamiliar at unknown faces. Ang tanging nakikilala ko lang ay ang lola ko, siguro dahil sa kanya ako lumaki at siya ang lagi kong nakakasama kaya nare-recognize na siya ng mga mata ko. Ten years old ako ng mamatay naman sila mama at papa. Nasangkot kami sa isang aksidente na naging sanhi ng maaga nilang pagkawala. Ako naman ay nalagay sa kritikal na kondisyon, na-comatose ako at na-paralyze ang kalahati ng katawan ko for a half year pero sa awa ng Diyos ay naka-survive naman ako at gumaling. Hindi ko na nakita pang muli ang mga magulang ko mula noon kahit pa sa kanilang himlayan dahil nga matagal ang nakalipas bago ako nakalabas ng hospital. Fifteen years old naman ako nang malaman namin ang tungkol sa kondisyon kong ito. Hindi ko agad iyon napansin dahil akala ko ay normal lang ang aking paningin hanggang sa isang kahiya-hiyang pangyayari noon ang nagbigay daan para malaman ko na may mali sa mga mata ko. Napagkamalan kong crush ako ng crush ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD