DEAR STRANGER CHAPTER 27: Caring Stranger DAHAN-DAHAN kong inihiga si Kai sa may sofa nang makatulog siya sa balikat ko. Kinuha ko ang isang unan na nandoon sa tabi para mahigaan niya at saka inayos ang katawan niya para makahiga siya ng komportable. Ayaw ko man na iwanan ang lalaki ay balak ko na ipagluto siya ng makakain niya pagkagising niya. Sa itsura kasi ng kusina niya ay tila hindi iyon nagalaw man lang. Nang bahagya ko ng maiayos ang pagkakahiga ng lalaki ay saka ako nagpasyang pumunta ng kusina. Binuksan ko ang refrigerator niya at hindi na ako nagulat nang makita na walang laman iyon kundi bottled waters. Kagaya ng nasa isip ko, hindi nga nagluluto ng pagkain niya ang lalaki. Bumaling naman ako sa mga cabinet na nandoon at naghanap ng puwedeng mailuto. Mabuti na lang at may

