DEAR STRANGER CHAPTER 26: Warmth of A Stranger SIMULA no’ng makita ko ang babaeng iyon na kasama ni Kai ay saka ko lang na-realize kung gaano pa ako kalayo sa lalaki. I felt like I’m back at level one. I felt like I’m still ninety-nine steps away to reach him… to reach his heart. Napabuntong-hininga ako at saka tumingin sa cellphone ko habang nakahiga sa aking kama. Kakagising ko lang pero parang hindi naman ako nakatulog. Paulit-ulit kong tinitingnan at binabasa ang conversations namin ni Kai para mapasaya at mapalakas ang nalulungkot at napanghihinaan kong loob. Isang linggo na mula noon at hindi ko na siya muling nakita pa. Ilang umaga ko na siyang hinihintay na dumaan sa bahay at kumain ng umagahan kasabay namin ni lola pero hindi siya dumating. Lagi ko rin siyang inaabangan sa c

